Chapter 3

10K 391 53
                                    

Chapter 3

Kat

"Sad to say that it's all legal." Sabi ni Atty. Severino.

Nakaupo kami sa long table ng library ng masyon. Katabi ko ang lolo't lola ko na pati sila ay hindi makapaniwala sa sinabi ng Abogado. Ipinatawag kaming maglolo at ipinaalam sa amin ang nakapaloob sa sulat ni Juaquin. Sinabi nya na simula pa lang sa kanyang pagkabata ay ang pamilya na ng mga benitez ang namamahala ng hacienda. Sinabi nya na kung sa ganitong panahon na pagbubukas ng testamento ay katiwala pa din ang mga Benitez, ipinagkakaloob sa pinakabatang Benitez, which is me, ang kalahati ng kayamanan ng mga Mendez, kabilang na ang buong Hacienda.

AS IN..... HUUUUWWWWWAAAATTTTT?????!!!!!

"Paanong naging legal ang halos isang daang taon na ang nakalipas noong masulat ang inaamag na testamento na 'yan?!" Sabi ni Rafael.

" Sa tuwing ipinapasa ang kayaman ng mga Mendez sa tagapagmana ay mayroon silang kasunduan na hindi tuluyang maaangkin ang minana kung hindi pipirmahan ang bisa nitong testamento. It has been passed down from generation to generation. You can ask your father upon the legalities of this testament, dahil mismo sya ay pinirmahan nya na i-ho-honor nya ang nilalaman ng testamentong ito." May inilabas si Atty, Severino na papeles at ibinigay ito kay Rafael. Binasa nya ito at mas lalong kumunot ang noo nya.

"This is insane! Ang akala ko pa din ay may itinatagong kayaman ang Don Juaquin na 'yan at ipapamana nya ito kapag nabuksan na ang testamento. Iyon pala, kakalahatiin pala nya nya ang kayaman at ipamimigay lang sa kung sino!"

Aba! Kung sino lang ba ang tingin nya sa akin?! Kung nanatili lang ako sa nakaraan baka ako pa naging lola nitong maangas na 'to!

"Hoy... hindi naman kami kung sino." Sabi ko sabay taas kilay. "Yabang nito. Kala mo kung sinong gwapo..." Dagdag ko sa mahinang tono.

Lumapit sa akin si Rafael at itinukod nya ang kamay nya sa lamesa sa harapan ko. Unti-unti nyang binababa ang ulo nya hanggang sa magka-level na lang ang mukha namin. Napalunok na lang ako. Pinipigil ko ang hininga ko dahil masyadong malapit ang mukha nya sa mukha ko na kaunting pagkakamali, magkakatama ang hindi dapat magkatama!

SIRA ULO 'TO A! Gaganituyhin nya ako sa harap ng mga grandparents ko?! HINDI NA SYA NAHIYA!

"Kung sa tingin mo na maaangkin mo ang kayamanang nararapat sa akin, well, think again. Ilalaban ko ito sa kahit na saang hukuman." Noong lumayo sya ay nakahinga ako ng maluwag, pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Ginagalit nya ako e!

"Hoy lalake, HINDI AKO MUKHANG PERA! "

"Pero gusto mo pa ding angkinin ang kayamanan na hindi mo pinaghirapan!"

"Aba talaga naman! "Napatayo ako ng wala sa oras. "For your information hindi ako ang nagsulat ng testamentong iyan. Hawak nyo na yan noong panahon pa ni Lima Hong! Kasalanan ko ba na ipagkaloob sa akin ang kalahati ng kayaman mo?!"

"Apo.... Huminahon ka iha. Ayusin muna natin ito."

"Para naman kasi ako ang pinalalabas na may kasalanan dito. Anong kinalaman ko dyan!" Dahan-dahan akong naupo. Pakiramdam ko ay hindi lang usok ang lumalabas sa butas ng ilong ko, parang naglalabas na ito ng apoy!

"Kung hindi ka talaga mukhang pera, hindi mo tatanggapin ang kayamanan. " Banat ni Rafael at mataas pa din ang boses.

HINAHAMON TALAGA AKO NITONG HUNGHANG NA 'TO A! Pwes, hindi lang sya ang kayang mag-astig-astigan dito! Tumayo ulit ako at taas noo ko syang tinignan.

"Alam mo ha, kaninang narinig ko ang mga sinabi ni Atty., sabi ko sa sarili ko, hindi ko kayang tanggapin ang isang bagay na hindi naman nakalaan sa akin. Hindi ko nga pinaghirapan 'yan, bakit ko aangkinin. " Binigyan ko ng matalim na tingin ang taong nakuha ang mukha ni Juaquin pero ang gaspang ng pag-uugali. " Pero, sa pinapakita mo sa 'kin ngayon. Tatanggapin ko na lang ang ang inaalok sa akin! "

Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon