{{Chapter 37--> Don't...}}

66 8 1
                                    

Chapter 37- Don't...

---

"Zyline Athena POV"

Today is January 30, Friday.

Tok. Tok. Tok.! *

Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Luke

"Ate, Ate. Come on! Mag-ba-bike tayo. Yipee!~ Im so exited!" Sabi ni Luke habang hinihila ako pababa

Lumabas kami ng bahay at nakita ko si Julia na may dalang basket, picnic? Tapos nakita ko si Daddy na nakasakay na sa bike

"Daddy, Sakay mo na ako sa bike ko." Sabi ni Luke at sinakay naman agad siya ni Daddy

"Eto yung bike mo, Athena." Nakangiting sabi ni Daddy at sabay bigay sa akin ng bike

Kulay blue ito, Wow.~ Ito yung dati ko pang pinabibili kay Daddy

"You like it?" Tanong ni Daddy at tumango ako

Sumakay na ako sa bike "Wala bang kiss or thank you si Daddy?" Napatingin ako kay Daddy, pero umiwas din ako

"Picnic?" Tanong ko

"Oo." Sagot ni Julia

Nagsimula na akong bike, Nasa likuran ko sila luke. Pero si daddy, nasa tabi ko na

"Maganda dito yung park." Sabi ni daddy, pero dedma. Wala! Hindi ko siya pinansin

"Ahm... Nag-away ba kayo ni Christian?" Tanong ni daddy at hindi ko siya pinansin

Naka-focus lang ako sa pag-ba-bike ko

"Aba. Marunong na mag-bike ang anak ko." Sabi ni daddy at nag-roll eyes na lang ako

"I'm not a baby. Tsk!" Sabi ko at binilisan ko na yung pag-ba-bike ko

Kainis! Ang kulit. >___< Sana na lang, hindi na ako sumama dito

Bumaba na ako sa bike at linatag ni julia yung blanket, Umupo ako at tinignan ko yung kamay ko

Tss. May pasa na naman! *roll eyes* Kinuha ko yung gamot sa jacket ko

"Anak, Kain na." Yaya sa akin ni Daddy at tumango lang ako

Kinuha ko yung pocketwifi ko at phone ko at sumandal na sa puno

"Daddy, come on. Magpalipad na tayo ng kites." Sabi ni daddy

"Sige. Gusto mo bang sumama, athena?" Tanong ni daddy at umiling ako

"Ay. Tara na, anak!" Eto na naman po tayo, Wala na ako magawa kaya tumayo ako at sumunod na lang kay daddy, Binigay niya sa akin yung kite na.... kulay blue

Tae!

Pinalipad ko na, pero... WALA! HINDI KO KAYA.

Nakita ko si Luke na tumatakbo habang limilipad na yung kite niya

Tss.

"Athena, Akin na." Kinuha ni daddy yung kite na nasa kamay ko

Woow.~ Napalipad na ni Daddy "Anak, Hawakan mo oh. Huwag mong bibitawan. Kundi lilipad yan." Kinuha ko yung kite at pinalipad ko

Wow. Sarap ng hangin!

After that, Kumain lang ako ng meryenda at nag-wifi

Hinayaan ko na lang na mag-bonding yung tatlo. -__-

Kinarga ni Daddy si Luke

Nag-tweet ako 'Kainis!'

Pinunasan ko yung luha ko na nasa pisngi, Sumigaw si Luke

"IM SO VERY HAPPY! BECAUSE I HAVE A COMPLETE FAMILY!"

Nag-tweet ulit ako 'That's my line. -__-'

Nag-tweet ulit 'Sana hindi na lang ako sumama dito!'

Tweet ulit 'Mag-hihiwalay din kayo!'

Pinunasan ko yung luha ko, Masayang-masaya sila. Dapat ako yung nasa lugar ni Luke, Dapat ako yung masaya, Dapat ako yung kumpleto na pamilya

Tinignan ko yung trending at... o___O

#SofiaNicoFOREVER

Putangina! Sila na pala! Ay ganon? May picture pang magkayakap? Tss.

"Maghihiwalay din kayo ni Nico!" Inis na sabi ko

"Anak!" Napatingin ako sa tumawag sa akin

Nakita ko si Daddy "Picture tayo?"

"Ayoko, Kayo na lang." Sabi ko at tumayo at tinawagan ko si Mama

"Hi, Anak! Musta ka na?"

"Ayus lang po ako, Mama. Pero may tumutubo na pasa sa kamay ko." Sabi ko at biglang nag-iba ang tono ng boses ni mama

"U-Uhh.. S-Sundin mo na lang yung pinag-babawal sayo ha?"

"Yes, mom."

"Sige, anak. Kakain pa ako eh. Kumain ka diyan ha? I love you."

"I love you too, mom. Take care of yourself." End call

Binulsa ko na yung phone ko at babalik na sana ako ng nakita ko si Daddy na nasa likod ko

"Your mom?"

"Yeah." Sabi ko

"Ahm... Picture tayo okay?" Bago man ako nakatanggi, hinila agad ako ni Daddy

"Yehey! Smile ka ate ha? Okay?" -Luke

Pumewesto na kami kung saan maganda ang background, "Compress!" Sigaw ni Julia

Nag-roll eyes na lang ako at nag-dikit dikit kami ni Daddy

"Smile!" Sigaw ni Julia at ngumiti ako

*click!*

*click!*

Napasimangot ako kaagad na natapos ang pagkakakuha sa amin

"Ate, Picturan mo kami. Please?" Tatanggi na sana ako ng binigay sa akin ni luke ang camera

Pumewesto ako "One... Two..."

Naka-smile si Daddy habang karga-karga niya si Luke.. Parang kami lang

"Three..." *Click!*

"Isa pa-"

"Ayoko na, Pagod na ako." Sabi ko at dumerestyo na kung nasan ang bike

"Athena!"

Pinunasan ko muna yung luha na nasa pisngi ko at napatingin kay Papa

"Gusto ko na pong umuwi." Sabi ko at nag-simula na mag-bike

---*---*---

"Anak, Huwag ka muna umuwi. Tuesday pa uuwi mama mo. Paano kung may mangyari masama sayo? Babae ka pa mo. Marunong ka bang magluto don? Diba, hindi na-" Pinutol ko yung sasabihin ni Daddy

"Kaya ko na po." Sabi ko

"Wag, Anak!" Sabi ni papa at niyakap ako

"Let me go!" Nag-pupumiglas ako, pero wala!

Nakayakap pa rin si daddy, Hay.. Paano na to? Hihintayin ko ba na mag-tuesday? Eh, Friday pa lang.

"Fine. Hindi na ako aalis. Hihintayin ko mag-tuesday." Sabi ko at humiwalay sa akin si Papa

"Anak ko... Salamat! Maraming salamat." Sabi ni papa at hinalikan ako sa noo

Boring kasi dito! -__- Walang mga couples. :3

---*---*---*---

Updated: August 22, 2015
Time: 8:55 am
End of story: ******

I'm a Bitter Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon