Hindi ako makata
Ako ay isa lamang bata
Nais kong ika’y matuwa
Sa aking munting tula
Ngunit matutuwa ka ba
Kung ang paksa ko’y parang pana
Na kapag nakawala
Tagos sa pusong tatama
Naranasan mo na bang ma-friendzone?
Puso mo’y parang binutas na ozone
Para kang nadulas sa lotion
Ang sakit ay slow-motion
Inamin mong siya’y crush mo
Nasamid ka pa nga at naubo
Siya nama’y nakatitig lang sa’yo
Na para bang ika’y loko-loko
Sabi niya, “ano?
Hindi ba’t friends lang tayo?”
Ikaw nama’y parang pumutok na lobo
Parang fallen angel na nauna noo
Hindi ba’t ang sakit sakit?
Parang sabon, ang pait pait!
Nakakainit ng ulo, nakakagalit
Para kang nanliliit
Ngayon alam mo na
Na ang pag-ibig nakakatanga
Pag na-friendzone ka
Tulo laway, nganga!
***
Love Letter From the Pretty Author,
I so can't believe I wrote this.
First tagalog poem by me to be published here!!!!
-ForeverMessenger/asawa ni Sterling Knight, Colton Dixon, Callan Mcauliffe at Alex Pettyfer /kambal ni Taylor Swift
Follow me on twitter: @ForeverMssngr