You Belong With Me [Chapter 40.1: Double Date?]

1.5K 21 5
                                    

Red's POV

"Jasmine!"

Hindi niya pa rin ako pinapansin. Hindi siya lumilingon.

"Jasmine! Jasmine!"

"AAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHH"

Tapos bigla siyang humarap sa akin.

"ANO BA HA? NAIIRITA NA AKO! BAKIT MO BA AKO TINATAWAG? NAKAKARINDI NA EH! NAKAKARINDI NA!"

"Gusto ko lang naman..."

Napa-buntong hininga siya.

"Red, wala ka namang ginawang masama. Sinabi mo lang yung mga feelings mo. Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Friends tayo di ba? Ano ba ang ginagawa ng mga kaibigan? Pinapakinggan yung mga problema nung emo niyang kaibigan di ba?"

Napayuko tuloy ako. Ako? Emo? Ganun na ba talaga katindi yung nararamdaman ko. Saka ano yung mga pinagsasabi niya?

"Teka, Jas. Yun ba talaga ang dahilan?"

Flashback

"Hoy Red! Ano nga ulit gagawin natin sa bahay mo?"

"Maglalaro tayo."

Tapos bigla siyang napahawak sa katawan niya.

"Wala akong balak na gahasain ka."

"Tssss. Alam ko! Ano bang lalaruin natin?"

After umalis ni Sab eh umalis na rin kami ni Jasmine. Nagpasama ako sa kanya sa bahay. Wala lang. Kailangan ko lang talaga ng kasama.

"Hoy Jasmine! Paano mo yun nagawa ah? Reyna ka na ng Tekken!"

"Hahahahahaha! Ang galing ko ba? Maliban sa singing contest dito ko lang natatalo si Sabine!"

"Naglalaro din siya ng Tekken?"

Yung babaeng yun? Yung babaeng kulang na sunugin talaga literally yung kilay niya dahil todo aral ay marunong mag Tekken? Hindi ko talaga akalain. Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa kanya. Parang araw-araw may natutuklasan akong bago.

"Oo naman! Alam mo ba na ang tunay na pangalan nun ay Brando?"

Potek. Natawa ako dun ah.

"Brando? HAHAHAHAHA"

"Hahahahahahaha. Lagot ako dun. Wag mong sasabihin na sinabi ko sayo!"

"Di ko sasabihin. Haha"

"May gusto ka bang itanong?"

"Anong itatanong ko?"

"Malay ko! Tungkol kay Sab? Sasabihin ko sayo lahat."

"Bakit mo ba ginagawa yan? Bakit mo ako tinutulungan? May ginawa bang masama si Cyrus sayo?"

Biglang nanlaki yung mata niya.

"Wala! Wala! Well, meron! Yung pangit na yun! Patulan ba naman si Nadine? Tapos matapos siyang lokohin eh nakipagbalikan siya? Ang tanga di ba? Naiinis ako sa kanya kasi concerned ako. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Hindi ko pa rin mapigilan yung nararamdaman ko kasi kahit papaano eh nagkagusto ako sa kanya. Ayokong mapunta si Sab sa kanya hindi dahil ayokong magkatuluyan sila. Hindi na deserving si Cyrus ng pagmamahal ni Sabine. Masyado na siyang nasaktan. Ako nga na wala lang sa buhay ni Cyrus eh medyo na-hurt. Paano pa kaya si Sab di ba?"

Nagkagusto din siya kay Cyrus? Hanep naman ang kagwapuhan nun. Lahat ata ng babae sa school na yun eh nagkagusto sa kanya at hanggang ngayon ay may gusto pa rin sa kanya. Tsk3. bakit ba kasi ngayon lang ako umeksena? Isang taon lang nilang masisilayan ang kagwapuhan ko. Dapat noon palang eh dito na ako nag-aral.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon