You can't see anything in darkness. As long as you use your other senses.
°°°
"Yuck, kadiri! Ano ba yan Paulo??" sigaw ni Claire habang nilalapit sa kanya ni Paulo yung napulot nyang maliit na palaka sa damuhan. Nandito kami ngayon sa likod ng school. Nakaupo ako sa damuhan at ganun din si Jimmy na katabi ko ngayon. Pinapanood lang namin magharutan sila Claire at Pau.
"Hahaha! Tignan mo naman kahit konti oh! Ayan oh umiiyak tuloy siya!" patuloy na paghabol ni Pau kay Claire. Napapatawa nalang kami ni Jimmy.
"Aaaahh ayoko na! Ayoko na! Tulong Yuri~!" pagwawala ni Claire lalo na nang tumalon sa kanya yung palaka. Palaka talaga ang pinakatatakutan niya. Or I must say, pinakapinandidirihan.
Tumayo na ko at lumapit sa kanila. Pinagpag ko yung blouse ni Claire na mangiyak-ngiyak na.
"Tama na Pau. Alam mo namang takot yan sa palaka." sabi ko habang nagpapagpag parin sa blouse niya. Tawa naman nang tawa si Pau sa isang tabi at nakahawak pa sa tiyan. Habang si Claire ay masamang nakatitig sa kanya.
"May araw karin sakin g*go!" sigaw ni Claire.
"Sshht bunganga mo Claire. Di yan maganda sa babae." sermon ko. Natapik naman niya ang bibig nya.
"Sorry." bulong niya.
Magkakaklase kaming apat mula grade 7 hanggang ngayong grade 10. Kami rin ay magkakaibigan. Ewan ko lang kay Pau kung may gusto ba siya kay Claire kaya nya laging pinagtitripan o trip lang talaga niya.
Si Claire ang bunso saming apat. Mas bata siya samin ng buwan. Si Jimmy naman ang pinakamatanda samin. Pero magkaka-age lang kami.
Nang matapos akong pagpagan siya ay bumalik ako sa pagkakaupo sa damuhan sa tabi ni Jimmy.
Bakit.. parang may nararamdaman akong may nanonood samin?
Lumingon lingon ako at parang may nakita akong isang anino sa isang building. Yung building ng senior high school. Umalis din ang aninong iyon kaagad nang mapansing sinusuri ko kung sino ba siya.
"What's wrong Yuri?" Bigla akong napalingon kay Jimmy na nakatingin pala sakin. Hindi pilit ang english nya at masarap pakinggan kasi anak mayaman yan.
"Ah wala. May napansin lang ako." sagot ko at iniwas ang tingin sa kanya. Ewan ko pero naiilang na ako sa mga titig niya nitong mga nakaraang araw. Nagiging excited din akong makita siya.. at mabilis ang heartbeat ko pag kinakausap niya ko... Oh.. hindi kaya..
"Ano naman yon?" tanong nya ulit. Saglit akong napatingin sa kanya.
"Ah.. isang anino." I think di na niya narinig pa ang huli kong sinabi dahil agad siyang napalingon sa buildings ng school dahil biglang nagbell. Tapos na ang breaktime. Lumapit narin samin sila Claire at Pau.
"We better go." sabi ni Jimmy at inalalayan akong tumayo. Nagpagpag ako ng puwitan at sabay kaming lumakad papuntang building namin.
Feeling ko talaga may mga matang nakasunod samin. Ewan. Naloloka na ata ako kaka-pressure sa tests namin. Oo. Ganun nga.
"Oh my gosh ang gwapo niya talaga~!
"Oo nga super!"
"Hihiwalayan ko boyfriend ko para sa kanya!"
"Iiiihhh kinikilig ako~!"
Rinig kong pinagsasabi ng mga babae sa likod. Nilingon ko kung ano ba yung pinag-uusapan nila.