Ilang linggo pa lang ang lumilipas simula nang nagaral si Denise sa bagong school niya. Napansin niya na iba ung mga tao sa school niya; hindi katulad ng school niya dati na sobrang strict tapos bawal maglaro, bawal magdala ng gadgets, bawal din maginggay—napakaboring, sabi ni Denise.
Napansin niya na mababait ung mga kaklase niya, napansin niya na sobrang inggay at gulo nila, at isa pa sa napansin niya ay ang isang lalaki—si Adrian. Naging kaibigan ni Denise si Adrian dati, noong bata pa sila, pero sigurado si Denise na hindi na siya naalala ni Adrian dahil sobrang tagal na, tapos maraming nagbago sa itsura ni Denise.
Dati, sobrang bait ni Adrian—masayahin, makulit—parang bata talaga. Pero ngayon, napansin ni Denise na marami ring nagbago sa kanya—nagmumura na, laging nakikipaglandian sa mga babae na galing sa iba't ibang year at section, pero masayahin pa rin siya at kumulit lalo.
Adrian, anong nangyari sayo, sabi ni Denise sa ulo niya, ang cute-cute mo pa naman nung bata ka, anyare?Nahihiya si Denise na kausapin ung katabi niya, pero gusto niya sanang makipagkaibigan. Lagi na lang ito ung problema ni Denise—masyado siyang nahihiya para kumilos; takot na takot siyang magkamali tapos kung ano pang mangyari sa kanya. Pero noong bata pa siya, hindi naman siya ganito.
Kahit na sawa na siyang nagiisa, wala siyang magagawa dahil nahihiya nga siyang maghanap ng kaibigan. Plus, lagi niyang iniisip na walang may gustong sumama sa kanya dahil sobrang tahimik niya.
NagMAPEH sila at nagdrawing lang si Adrian sa likod ng notebook niya; kahit hindi naman siya magaling magdrawing, wala lang talaga siyang magawa.
"Class," sabi ng teacher nila, nagulat si Adrian at tumigil sa pagdodrawing, "bukas magdala kayo ng instrument, magperperform kayo sa harap. You can work with a partner, basta may maperform lang kayo."
Pagkatapos ipaalala ng teacher kung anong kailangan nilang gawin, nagpaalam na siya at dumating ang paborito nilang subject—recess.
Hinintay ni Denise na lumabas lahat ng kaklase niya bago siya kumain. Pero pagkatapos niya ilabas ung baon niya, bigla siyang nawalan ng gana, kaya binalik na lang niya. Kinuwa na lang niya ung phone niya at tinext ung nanay niya.Denise: maaaaaaaaaaa, pasundo :^)
Binalik niya ung phone niya sa bag at kinuwa ung notebook niya para isulat ung assignment nila sa MAPEH. Pagkatapos niyang magsulat, tinitigan niya ung sulat niya. Pinaplano ni Denise dalin ung violin niya. Dati pa siya nagviviolin; dati pinapabayaan niyang makinig si Adrian tuwing nagpapractice siya. Natatandaan niya na tuwang-tuwa sila Adrian kapag nakakatapos si Denise ng kanta na walang mali.
"Sarap bumalik sa dati," sabi ni Denise, pero hindi malakas. Pero kahit malakas pa ang boses niya, wala rin naman makakarinig dahil nagiisa lang siya.
Bumalik si Adrian sa classroom kasama ang iba nilang mga kaklase dahil nakalimutan niyang dalin ung wallet niya. Nagulat si Denise at biglang umingay ung classroom.
Napansin ni Adrian ung bago nilang kaklase na si Denise, at nagtaka siya kung bakit nagiisa lang siya sa classroom nila.
"Bakit ka lonely?" pabiro na tanong ng isa nilang kaklase nang umupo siya sa upuan na katabi ni Denise.
"Wala lang, okay lang, di naman ako lonely eh" nakangiting sagot ni Denise.
"Ah, haha, sige," tumayo ung tumabi kay Denise, "iwan ka muna namin, ha? Bibili lang 'tong si Adrian."
Umalis na ung mga kaklase ni Denise sa classroom at huminga siya ng malalim. Gusto na niyang umuwi.Nakarating si Denise sa bahay niya kasama ung nanay niya. Dumiretso siya sa kwarto niya para magbihis. Pagkatapos pumunta siya sa nanay niya at naghanap ng pagkain.
Habang naghihintay si Denise sa nanay niya na nagluluto, nagbukas siya ng Facebook sa phone niya. At nakita niyang may friend request siya galing kay Adrian. Tinitigan niya ang phone niya at pinatay ito.
Minsan, sinasadya niyang magisa dahil ayaw din niya sa mga tao (pero ang galing magreklamong lagi siyang nagiisa—magaling.) Maya-maya, naglagay ng plato ung nanay ni Denise sa harapan niya; ibig sabihin nun kakain na.