Charlene's PoV
Kanina pa ako tahimik habang pinapanood si Bianca sa loob ng kwarto niya. Napapaluha nalang ako tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa Batangas. Naaawa ako sa kanya dahil sa kinahinatnan ng buhay niya, ayon sa sinabi sa akin ni Babyboy ay mabait naman daw si Bianca, maalagain at maaalalahanin, yun nga lang may mga ugali lang siyang sablay.
Kung tutuusin nasasayangan ako kay Bianca, oo maldita siya pero alam ko sa puso niya ay may natitira pa siyang kabaitan. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya dahil feeling ko ang may kasalanan ng lahat ng ito. Dalawang lalaki ang nawala sa tabi niya nang dahil sa akin, una ay ang asawa kong si Raineer at ang pangalawa ay si Papa...
Hindi ko alam kung kailangan ko bang sisihin si Papa sa lahat ng 'to. Ang buong akala namin ni Nanami ay patay na siya pero 'akala' lang pala ang lahat. Hindi ko rin alam kung magagalit ba ako sa kanya dahil sa panloloko niya kay Mama, nagsinungaling siya sa amin, ang totoo ay kaya hindi siya nakauwi noon dahil sa ibang babae siya umuwi at ang babaeng iyo ay ang Mommy ni Bianca na si Beth.
Ang hindi ko lang matanggap ay hindi niya alam ang tungkol kay Nanami. Paano nga ba niya malalaman kung nawalan naman kaming komyunikasyon sa kanya noon, nakikitext at tawag lang kami sa kapit-bahay namin at simula nong umalis ang kapit-bahay namin ay nawalan na din kami ng komyunikasyon kay Papa kaya ganon nalang kami nag-aalala ni Mama nong last naming nakausap si Papa na pauwi siya ng Pilipinas at yun nabalitaan nalang namin ang nangyari sa plane na sinakyan ni Papa.
Tapos ngayon pagkatapos ng ilang taon malalaman kong buhay siya at may pamilya ng iba, pamilya ng babaeng EX ng asawa ko.
Bakit ba ganito nalang ang kapalaran sa amin? Masyadong komplikado ang lahat, parang konektado ang mga buhay namin sa isa't-isa.
"AHHHHHH!!! LAYUAN NIYO KO... GET OFF OF ME!!! SI RAINEER LANG ANG GUSTO KONG MAKASAMA... LUMAYAS KAYO!!!!!!!!"
Nagpanic ako ng bigla nalang magwala si Bianca habang pinapainom siya ng gamot ng mga nurse. Kung hindi niyo naitatanong ay nandito kami sa Mandaluyong ngayon kasama ko si Raineer. Hindi na ikinulong si Bianca dahil sa sakit niya sa pag-iisip.
"ANONG GINAGAWA NG BABAENG YAN DITO?? LUMAYAS KA DITO... MANG-AAGAW!!! HINDI KITA KAPATID... HINDI!!! HINDI!!! HINDI!!!"
"Babygirl, let's go." Naramdaman kong hinawakan ni Raineer ang kamay ko saka ako hinila paalis. Napapahid nalang ako sa pisngi ko ng maramdaman kong may likidong dumadaloy mula sa mga mata ko. Naiinis ako sa sarili ko, of all people bakit kailangang maging kapatid ko pa si Bianca? Of all people bakit kailangang iisang lalaki lang ang minamahal namin? Of all people...
"Ma'am Cha, pinatulog ko na po si Yash. Maglalaba lang po ako ng mga lampin niya."
"Thanks Leni."
Pumasok ako ng kwarto saka ibinagsak ang katawan ko sa kama. "Daming problema!" sambit ko.
"Don't stress yourself, babygirl." sabi ng asawa kong kakapasok lang ng kwarto at humiga sa tabi ko habang nakaharap sa akin ng nakangiti.
"Ngingiti-ngiti mo diyan?" tanong ko.
"Tulog si Baby Yash..."
Napataas ang isa kong kilay. "Oh ano ngayon kung tulog siya?"
Imbis na sumagot ay lumapit siya sa akin at saka bumulong.
"Let's make another baby Yash!"
Sa pagkabigla ko ay nahampas ko siya sa braso tsaka tumayo. Jusme! Baka kung ano pa mangyari, ni halos hindi pa ko nakakapag-adjust sa pag-aalaga kay baby Yash tapos gusto niya dagdagan pa? Geez. Ayokong malaspag agad 'no.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...