One Shot: Ang Bottom Line, Mahal Kita

74 2 0
                                    

ANG BOTTOM LINE, MAHAL KITA

Part 1: One-sided love

June 8, 2015. Unang araw ng klase. 8:10 am na nang makarating ako sa harap ng CBEA building. Napatingin ako sa schedule ko para kumpirmahin ang magiging room ko. CBEA Room 05.

I ran toward Room 05 as soon as I spotted it. I was about to say my greetings when I noticed that our professor is not around so I just went inside the room silently instead.

Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa pinto. Hindi na ako nag-abala pang hanapin yung mga kaibigan ko dahil pansin kong busy ang lahat sa pangongopya ng course outline sa board.

"Hi, bakit wala yung prof. natin?" tanong ko sa classmate kong nasa unahan ko.

"Pumunta sa faculty room para kumuha ng class cards." sagot nito.

"Ah, okay.Thanks!"

................

Inilabas ko yung notebook ko mula sa bag at nag-umpisa na ring mangopya. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na yung prof. namin at ipinamahagi ang dala nitong class cards....

"Class, on the upper right corner of your class card, kindly write down our class time and schedule." the prof. instructed after she distributed the class cards....

"Good morning, ma'am!" sambit ng kararating na estudyante. Pamilyar yung boses. I'm pretty sure I heard that voice before. Napatigil ako sa pagmamarka sa aking class card at napatingin sa kararating na estudyante. Para bang nagslow-mo ang paligid ko nang mapagsino ang taong iyon. Si Lawrence. Kinusot-kusot ko ang aking mata upang masigurong hindi ako nananaginip subalit sa pagbukas muli ng aking mata, si Lawrence pa rin yung nakita kong nakatayo sa aking harapan. Oo, sa harap ko dahil hindi naman kalakihan tong classroom. Ilang metro lang ang layo niya sa akin. To be precise, isang hakbang lang.

Halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Nakapako pa rin ang aking mga mata sa kaniya. Tila ba ikinakabisado ko ang hubog ng katawan at ang bawat sulok ng mukha nito. Ninanamnam ang bawat segundo ng pagkakataong ibinigay ng diyos upang matitigan ko siya ng malapitan. Napakagwapo niya talaga.
Agad naman akong napaiwas nang magkasalubong ang aming tingin. Hindi ko talaga kayang makipagtagisan ng tingin sa kaniya. Para kasi akong nalulusaw at nanlalambot sa tuwing nakikita ko ang perpektong mukha nito at lalong-lalo na ng mapupugay nitong mga mata. Kinuha ko yung ball pen at ipinagpatuloy ang pagmamarka sa class card ko.

Laking gulat ko na lamang nang kausapin ako nito kaya napatigil ako sa pagmamarka. "Marian, lipat ka naman." pakiusap nito. Napasinghap ako pagkarinig ng boses niya. God! Anong gagawin ko? Kinakausap ako ni Lawrence. Malarobot akong napatingin sa kanya. "Huh?"
yung lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi pa rin kasi kayang i-absorb ng utak ko ang nangyayari.

"Sabi ko lipat ka nga." ulit nito.

"A-ah sige." Nautal pa ako, walangya! Pinagmasdan ko ang buong classroom nang lumipat ako ng upuan. Itong nasa tabi ko na nga lang ang vacant chair.

"Thanks!" pasasalamat nito nang makalipat ako ng upuan. Nag-nod na lang ako bilang tugon at binigyan siya ng isang awkward na ngiti. Binaba nito yung bag niya pagkatapos ay pumunta ito sa harapan upang kunin ang class card nito sa prof. namin.

Siya si Lawrence Burbon. He was my classmate when I was in first year during the first semester and my first college crush though eventually I realized it was already love. But sadly our path was separated by fate the next semester. And now after three semester which is equivalent to one year and six months, once again, we were binded together by fate. I thought I already moved on and got over him but when I saw him again today I realized that wasn't the case. Because the truth is I never stop loving him.

Ang Bottom Line, Mahal Kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon