Dennise is a famous Doctor. She is beautiful,smart and educated isa lang ang puna sa kanya ito ay pagiging masungit. Kahit isa sa mga manliligaw nya ay wala syang pinansin. Sinasabi na nga ng parents nya na mag asawa na sya pero ang parati nyang sagot ay "Masyado pang maaga para dyan" .
Today is their Medical Mission in Baguio.
Kakababa lang nya ng saksakyan ng biglang!
*Pak!
"Aray! Hindi kasi nag iingat e" sigaw nito.
Nagkalalag ang mga gamit nya kasama na ang mga gamot na bitbit nya.
"Sorry Miss" sabi ng taong nakabanga sa kanya. Napatulala naman ito sa ganda ni Dennise.
"Tutulungan mo ba ko o tititigan?" mataray na sabi nito
"Sorry Miss. I can't help kasi. You're so beautiful"
"Hay bahala ka nga dyan!" masungit na sabi ni Den sabay lakad papunta sa Hotel na tutuluyan nila.
"Maganda ang sungit naman! Hm! Sungit!" bulong nito.
---
"Atty.Valdez! Magandang Araw po! Salamat po pala sa paanyaya samin. Salamat din po at pumayag kayo sa Medical Mission na to!" mahabang sabi ni Dr. Lopez ang director ng Ospital
"Naku wala po yun. Ako nga po dapat ang magpasalamat malaki po ang naitulong nyo sa lugar namin!" nakangiting sabi nito.
"Den ang hot nun oh!" nagulat naman si Den sa kaibigan nya si Ella
"Sino? Si Director Lopez?" tanong nito
"Hindi. Yung kausap nya! Mukhang yummy oh" kinikilig na sabi nito
"Ella magtigil ka nga. Kadiri ka!" iritableng sabi nito.
"Totoo naman e. Ikaw nga kanina ka pa nakatitig sa kanya"
"Ewan ko sa'yo! Tara na mang gamot na tayo!"
Aalis na sana si Den ng bigla syang tawagin ng Director nila
"Den!" sigaw nito wala naman syang nagawa kundi lumapit dito.
"Dra.Lazaro this is Atty.Valdez, sya ang punot dulo ng Medical Mission na to"
"Hi Dra.Lazaro!" nakangiting sabi nito.
"Akala mo ang bait bait palibhasa kasama si Director!" sabi ni Den sa isip nya
"H-hi Atty. Valdez"
"Too formal. Call me Aly!"
"Osya. Maiwan ko muna kayo!" sabi ni Mr. Lopez at saka umalis.
"May kailangan ka pa ba? Marami pa kasing pasenyente e." mataray na sabi ni Den aalis na sana sya ng bigla sya hawakan sa braso ni Aly
"Den!" sabi nito
"What?!" iritableng sagot ni Den.
"You look familiar"
"Huh?"
"Kamukha mo yung future wife ko!"
Aaminin ni Den may ibang epekto ito sa kanya pero mas lumamang ang pag kainis nya dito.
"Ewan ko sa'yo!" sabi nito at saka naglakad palayo.
---
Gabi na ng matapos ang Medical Mission nila. Mag i-stay muna sila ng ilang araw sa Baguio bago bumalik sa Manila. Magandang pagkakataon ito upang makatakas sila sa maingay at magulong mundo nila sa Manila pero yun ang akala ni Dennise.