Bitter cake

674 12 5
                                    

Kim

I met a man one time in a resto. I used to love the food sa isang kainan, specialy the baked corner. I used to buy cakes and pastries there since I was college. Para sa akin misteryoso ang chef ng restaurant na yon, minsan pa nga pinipilit kong gayahin ang lasa ng mga pag kain nila dahil mahilig din akong mag bake at mag luto. Then one day habang naka tambay at umiinom ako ng kape sa shop may isang lalaking sumulpot sa harap ko. He's tall, maputi at may maganda siyang mga mata. "Hi good afternoon." Bati niya. Nginitian niya ako, malamig ang boses niya.

Tumigil ako sa pag nguya ng sandwich. Nilapag niya ang isang slice ng cake. "Baka type mong tikman ito mam, I'll just get your comment. Balak kasing isali ito next month sa mga menu ni chef."

Hindi agad ako nakapag salita. Hindi ko alam kung na starstruck ba ko o ano. "Please?" pakiusap niya. May ngiti parin sa mga labi niya.

"Ha? Ah.. ok." Kinuha ko ang tinidor at kumuha ng cake. Medyo nailang pa ako dahil hindi niya inaalis ang pag kaka tingin sa akin. Maya-maya pa ay hinila niya ang isang silya at naupo sa harap ko.

Napansin kong may dala siyang maliit na notebook at ballpen.

"How's the cake mam?"

Tinignan ko siya sa mukha habang nilalasahan ko parin ang cake. It's quiet bitter pero may kakaiba sa lasa na nag papa sarap non. It melts in my mouth. "Perfect." Yun lang ang nasabi ko bago muling lumuwang ang pag kaka ngiti niya.

"I mean, may masasabi ka ba sa texture ng cake? Sweetness or what ever?"

"I said its perfect."

Napa tango siya.

"Thank you." He said bago tumayo sabay lahad ng kamay sakin. "Yohan nga pala."

Hindi ko pinansin ang kamay niya. Wala ako sa mood makipag daldalan. "You're the first to taste that cake sweetheart." Dagdag pa niya. Nilapitan siya ng isang crew at nag abot ng isang box. "Here, for my loyal customer since day one."

Bago ko pa nai-angat ang ulo ko ay mabilis na siyang nag lakad palayo.

"See you around Kimmy." He said.

"Wait how did you know my—" napa dako ang tingin ko sa kape na inorder ko. "—name."

Nakita ko ang ngiti sa mga labi niya bago siya naglaho sa paningin ko. Napa tingin ko sa box ng cake. "Bitter cake 001." Ang naka lagay sa box. Karaniwan ng may naka print na numero sa tabi ng pangalan ng cake to showcase the number of cakes they sold. Binigay niya ng free sa akin ang unang bitter cake ng shop niya.

"for my life is like a cake, it's bitter yet you're the one who makes it sweeter."

-chef Yohan

Lumukso ang puso ko nang mabasa ang note. He's the chef na idol ko.

Iyon ang simula ng ma alamat kong pag ibig. Sa totoo lang ako ang nanligaw sa kanya pero nang maging kami everyday is a courtship day. He is sweet and kind. Yohan is perfect, I never met a man like him so nang mag propose siya ng kasal hindi na ako nagdalawang isip.

BRIDAL SHOWER

Simple lang ang party ko, kumpleto ang attendance ng mga malalapit kong kaibigan. Maya-maya pa ay nag set up si Chelsea ng DVD.

"Hoy anu yan ha?" sita ni Mia.

"Naku, manonood tayo ng porn." Medyo tipsy na kaming lahat non at konti nalang ang mga girls na umiinom, yung iba nag ninja moves na at kanya-kanya ng higa sa kama. Chelsea is a gay kaya kung anu-ano ang mga naiisip na kalokohan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter cake (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon