TRUE STORY #7 (from: @philosoperstone)

5.5K 140 8
                                    

Kulam


@philosoperstone's POV


Pinsang buo ko si Kuya Jeff at sa lahat naming magpipinsan, masasabi kong siya ang may itsura sa aming lahat. Matangos kasi ang ilong niya, maputi, medyo singkit ang mata at matangkad pa. In short, tisoy siya. Habulin siya ng mga babae sa school at sa tuwing may debut or search dito sa amin, lagi siyang kinukuhang consort o partner. Minsan nakakaramdam na ako ng pagka-inggit sa kanya. Lagi kasing nag-i-istand out si Kuya Jeff lalo na sa mga family gatherings namin. Pero kahit ganun, close kaming dalawa at open na open kami sa isa't isa.


Marami nang naging girlfriend si Kuya Jeff. Yung ibang EXes niya, taga dito sa probinsiya namin. Yung kalahati naman mga city girls. Aaminin ko, playboy si Kuya Jeff. Minsan nagiging two timer siya. Minsan pa nga, apat pinagsasabay sabay niya. Napakatamis kasi ng dila niya. Hindi niya alam na iyong gwapong pagmumukha at dila niya ang magdadala sa kanya sa kapahamakan.


Noong nagkaroon ng Youth Congress dito sa amin, may nakilala kaming babae. Si Louise. Maganda si Louise. Napakaputi na parang papel, napakaamo ng mukha, at napakahaba ng itim na itim niyang buhok na lagpas bewang. She was the mysterious type kasi tahimik lang siya na parang hindi mo alam kung ano ang takbo ng utak.


Yung nangyari nga is nalove at first sight sa kanya si Kuya Jeff at ganun din naman si Louise kay Kuya Jeff. Kaya naman inutusan ako ni Kuya Jeff na lapitan si Louise at kunin sa kanya ang cellphone number nito. Dalawang linggo palang silang nagtatawagan at nagtitext pero sila na agad. Ang hindi alam ni Kuya Jeff, possessive pala si Louise. Sa sobrang pagkapossessivee nga nito ay hindi nito pinapayagan si Kuya Jeff na pumunta sa mga family gatherings namin. Bawal na din na makipag-inuman si Kuya Jeff. Pati pakikipagkaibigan ni Kuya Jeff sa mga babae, ipinagbawal din ni Louise. Pati nga kami na mga pinsan niya, nadamay. At kaya napakatahimik nito ay dahil grabe pala ito kung magalit. Parang sasabog na bulkan. Pero huli na nung malaman yun ni Kuya Jeff.


Simula nung magsimula ang relasyon nila, lagi na naming nakikita na may mga pasa sa braso at mukha si Kuya Jeff. Tinatanong namin siya kung saan niya iyon nakuha pero nagsisinungaling siya sa amin hanggang sa nabalitaan namin na binubugbog pala siya ni Louise. Kapag nagagalit daw si Louise e binabato niya ng kung ano ano si Kuya Jeff kaya andami nitong pasa. Ganun lagi sila kapag nag-aaway.


Pero umabot din sa punto na nasakal si Kuya Jeff kay Louise kaya nagdesisyon siyang iwan ang babae. Iyak pa ng iyak si Louise noon. Nagbanta pa ito na ipapakulam si Kuya Jeff pero pinagtawanan lang namin si Louise. Ni hindi kami natakot. Hindi kami naniniwala sa kulam kulam na yan kasi new generation beliefs kaming lahat sa angkan. Pati nga mga magulang namin, ganun din.


Mga 3 weeks na rin after nung break up nila. Isang gabi, nag-out of town ang lahat ng mga magulang namin kasi dumating ang tiyahn kong nurse at ang pinsan kong doktor mula States. So, kami nalang ang natira sa bahay ni Lola. Andun kasi kaming lahat kasi malapit na rin ang piyesta. Pagod na pagod kaming lahat sa kakalinis at kakakumpuni ng buong bahay ni Lola nung gabing yun kaya naisipan naming uminom. Mga 30 kaming lahat magpipinsan nun. 17 kaming teens tapos yung natira puro na mga bata. Sa 17 na yun, 10 ang babae, 5 ang lalake at 2 ang bakla. After naming pinatulog lahat ng babies e nagsimula na kaming tumagay. Tumagal iyon hanggang 5AM kaya naman lasing na lasing kaming lahat. Pagkatapos magkandahirap hirap sa paghuhugas ng mga pinagtagayan at pinagkainan, natulog na kaming lahat. Ang maganda pa e mamayang gabi pa ang dating ng mga parents namin kaya wala talagang makakahalata sa mga pinaggagagawa namin.


3PM na noon. Gumising ang pinsan kong si Valerie para maligo. Papasok na siya ng banyo nun nang may marinig siyang umuungol. As in ungol na parang impit na parang muffled na ewan galing sa kwarto namin nila Kuya Jeff. Pagpunta daw niya doon, nakita niya si Kuya Jeff na gumugulong gulong sa kama. Parang nagpupumilit daw na gumalaw. Ginising niya daw si Kuya Jeff nun tapos pinagsasampal sampal pero wala. Ungol lang daw ito ng ungol. Doon na siya nagpanic kaya ginising niya kaming lahat. Nung makita namin si Kuya Jeff, nakakaawa at nakakatakot ang itsura niya. Namumutla siya at nakabukas ang mata habang umiikot. Basang basa na din siya ng pawis. Ang akala namin nun, nasapian siya pero after a few minutes e bigla nalang siyang tumigil sa pag-ungol at pag-ikot at parang patay na nahiga sa higaan. Napilitan kaming lahat na dalhin siya sa hospital pero ang sabi ng doctor, walang findings na makita sa kanya. Nung umuwi yung parents namin from the trip, dumeritso silang lahat sa hospital.


After 2 days nun e umuwi na rin kami. Bumuti buti na kasi ang kalagayan ni Kuya Jeff.


Mga 1 week na siguro ang nakalipas nun. Tapos na ang piyesta at kami kami nalang sa bahay ni Lola. Yung kwarto ni Kuya Jeff is nakatapat sa isang malaking puno ng mangga. As in kitang kita mo talaga yung mga sanga. Isang gabi nun, naglilinis ako doon sa kwarto niya. May lagnat si Kuya Jeff nun at tulog siya. Napatingin ako sa mangga by unknown reason at may nakita akong kuwago. Napakalaki ng mata nito. As in color yellow na malaki. Nacreepyhan ako pero nakalimutan ko na rin iyon kinaumagahan. I dismissed that as a coincidence.


Simula nung makita ko ang kuwagong yun sa punong mangga ay dun na nagsimula ang pagsumpong ng lagnat ni Kuya Jeff tuwing hapon. Pinacheck up na nga siya ng Mama niya pero ganun pa din, walang findings ang mga doctor.


Dalawang linggo ko na ding nakikita lagi ang kuwago sa punong mangga na katapat ng kwarto ni Kuya Jeff. Dalawang linggo na din na tuwing hapon ay sinusumpong ng matinding lagnat si Kuya Jeff kaya naman isang araw ay napilitan na kaming dalhin siya sa isang albularyo.


Yung ginawa ng albularyo is nilagyan niya si Kuya Jeff ng luya sa ulo, hinipan at nagchant ng kung anong orasyon. Nung matapos iyon, tinanong niya si Kuya Jeff kung may inagrabyado ba siyang tao. Sinagot naman ni Kuya Jeff ng wala. Sabi ng mamang albularyo, may isang babae daw na sa sobrang pagmamahal kay Kuya e nagawa siyang ipakulam. May manyika daw ito na may naka-embed na kung anong gamit ni Kuya kaya nagagawa daw nitong pahirapan si Kuya Jeff. At kaya pala parang naparalyzed si Kuya Jeff nun kasi tinalian daw ng babae ng buhok ang manyika. Tuwing hapon naman daw ay nilulubog ng babae ang manyikang iyon sa kumukulong tubig. Kaya pala laging nilalagnat si Kuya Jeff tuwing hapon. Doon ko naalala ang mga banta ni Louise kay Kuya Jeff.


At ang huling payo ng albularyo kay Kuya Jeff ay mag-ingat daw ito dahil may umaaligid daw malapit sa kanya. Doon ko naalala ang kuwago na laging nakadapo sa sanga ng punong mangga na katapat ng kwarto ni Kuya Jeff.



_END_

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon