Chapter 1

17.6K 375 2.7K
                                    

                                                   MEN IN ACTION

                                        series 6: CLEAR IMPERIAL

                                                      Chapter 1:

Napangiti si Clear ng yumakap sa kanyang likuran ang nakababata niyang kapatid na si Cassey. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na hinanap siya ng kanyang pamilya. Na-infect ng unknown virus ang kanilang ina noong ipinagbubuntis siya nito, kaya naman dinala siya sa Advance Tech Institute para ipa-revive. Hindi nga lang siya nagawang balikan ng kanyang mga magulang dahil sa pagsiklab ng digmaan na tumagal ng maraming taon. Ganoon pa man, hindi tumigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya at heto na nga. Himala ding maituturing na nagkaroon pa siya ng nakababatang kapatid. Iyon nga lang ay medyo spoild ito at kapag nagta-tantrums.. Hay naku! Parang si Snow White na sinapian ng Evil Queen! Mapuputi ang lahi nilang mga Imperial. Kaya nga ang mga loko niyang kaibigan na itinuring na niyang mga kapatid at kapamilya ay binansagan siyang White Blood Cell.

"Kuya..." malambing na wika ni Cassey.

Kamukha ni Cassey ang kanilang Mommy. Dalawang-taon pa lang niyang nakakasama ang mga ito.

"Bakit?" tanong niya sa kanyang kapatid.

Sa ngayon ay patuloy siyang tini-train ng kanilang Daddy Donatello sa pamamahala ng kanilang mga kompanya at negosyo. Hindi niya akalain na nagmula pala siya sa isang makapangyarihang angkan.

"Malapit na ang birthday ko!" ungot ng kanyang kapatid.

Malapit na ang 16th Birthday nito.

"Ngayon, ano ang gusto mo?" untag niya.

"Ikaw Kuya, ano ba ang gift ko?"

Huminga ng malalim si Clear at napaisip. Wala pa siyang maisip na ibibigay na regalo sa bunso niyang kapatid. Wala siyang ideya.

"Hindi ko pa alam. Nasa iyo na yata ang lahat eh." pakli niya.

Humigpit ang yakap ng kanyang kapatid sa kanya.

"Kuya, wala pa sa akin ang lahat. Wala pa akong boyfriend! Kung puwede, iyon na lang ang ibigay mong gift ko. Kahit isa na lang sa mga comrades mong single, okay na sa akin iyon!"

Kilig na kilig ang magaling niyang kapatid. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at yamot na humarap kay Cassey. Nakangiti ito ng pilya.

"Tumigil ka nga! Ang bata-bata mo pa! At sa lahat pa nang ginusto mo eh iyong mga comrades ko pa? Payong kapatid, Cassey. Huwag mong pangarapin ang mga agents ng Men in Action kasi hindi sila matitino. Mga baliw sila ano?" sermon niya sa kanyang kapatid.

"Eh di ganoon ka rin Kuya? Baliw din?" mabilis na sagot ni Cassey.

"Ha ha! Bakit, sinabi ko bang hindi?"

Yamot na sumimangot ang kanyang kapatid.

"Kuya, kailan ang punta mo sa training camp?" biglang tanong ng kanyang kapatid.

"Bakit?"

"Wala, gusto ko lang sumama. Gusto kong makita si Armond. May gusto akong ipakulam sa kanya."

Napakamot sa kanyang batok si Clear at napailing. Tapos ay dinuro niya ang noo ng magaling niyang kapatid.

"Cassey, galing sa angkan ng mga exorcist si Armond at hindi sa angkan ng mga mangkukulam! Magkaiba iyon. Maniniwala pa sana ako kung sinabi mo sa akin na kaya mo siya gustung makita ay magpapa-exorcism ka."

"At bakit naman ako magpapa-exorcism?!"

"Para matanggal na sa iyong katawan ang espiritu ng Evil Queen!" natatawa niyang wika.

MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon