Isang buwan lang at naghiwalay kayo ni nica masama na kung masama pero ang saya-saya ko.
"Hahahah ayi wait! Wag ka kasing mangiliti!! Hahah"
"Haha wag ka kasing matulog naman eh!" Hindi tayo seatmate pero lagi kang lumilipat sa tabi ko, walang ginagawa kaya naghaharutan lang tayo"Haha oo hindi na" sabay halik sa ulo ko napangiti na lang ako at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko.. Buong subject na yun naka akbay ka sakin at nagtatawanan lang tayo..
May inabot akong papel sayo at agad mo itong binasa..Marami nadin akong naibigay na letters sayo ewan ko kung tinatago mo pero sabi mo naman nakatabi sa kabinet mo malaman ko lang yun napapangiti na ko..Sana lang talaga nakatago yun :)