Seven

1 0 0
                                    

*Monday
Papasok na ko ng room medyo haggard kasi nasa third floor yung room natin kaya ayun pagod..

Pagpasok ko nasa teacher's table palang ako ng tinawag moko

"Ayiiiiiii" nagulat naman ako sayo at bigla mo kong niyakap ng mahigpit kaya Napa yakap din ako natawa naman ako kasi yung ilang classmate natin nakatingin habang nakangiti

"Hey! Pwede baba ko muna yung bag ko??" Natatawa Kong sabi sayo bumitaw ka naman at sumunod sakin sa upuan ko..pag lapag na paglapag ko niyakap mo na ko ulit

"Ano bang trip mo??" Di ko mapigilang tumawa kasi naman!! Kinikilig ako! Hahaha ^_____^
"Namiss kita ehh!! Hmmmmm.." You said habang hinihigpitan pa yung yakap mo :)
"Hahaha baliw ka" tumingin ka sakin pero nakayakap padin
"Hahaha oo na namiss din kita :)" isang linggo din walang pasok dahil sa bagyo kaya ayun hindi kita nakikita :((

Parating na daw si ma'am kaya bumitaw kana the usual pinalayas mo nanaman si chichi at tumabi sakin buti nalang support ni chichi ang love life ko hahaha :)))

Buong araw ang sweet mo lagi mong hawak yung kamay ko tska puro ka kwento ng kung anu-ano kaya ayun tawa lang tayo ng tawa..

Joy and PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon