Eight

1 0 0
                                    

2 days nakalipas uwian na nagulat ako nung hinaltak mo ko at hinalikan sa noo agad na namula ang pisngi kaya yumuko ako..

"Una na ko..at pag nagtext si mama sayo pasabi pupunta lang ako ng birthday ng dati kong classmate " Hindi ka naman kasi nagpapaalam pag uuwi kana kaya nagulat ako at napatango nalang ako

"Ingat ha?? Bye" yumakap ka muna tska umalis..para naman akong tuod dun at Hindi maka alis what was that??

"Oy ayi tara naa!" Bumalik lang ako sa katinuan ng tinawag ako ni Jane lumapit na ako at sabay-sabay ng bumaba..nag stay muna kami sa guidance office at naki pag kwentuhan sa mga teachers dun close kasi kami..
Bandang 8 nung tumawag yung mama mo kanina pa kasi siya nagtetext wala akong load kaya siguro tumawag..sinenyasan ko muna sina Jane na sasagutin ko lang yung tawag..

"Hello po?" Agad na bungad ko
"Ahh hello ayi?? Si nik ba alam mo kung nasaan?? Hindi kasi magrereply ehh" napasimangot naman ako at tumingin sa relo ko
"Sabi po niya kanina pupunta siya sa dating niyang classmates birthday daw po kasi.." Kaya nga may phone para sa emergency! Kakabalik lang ng mama mo ng phone mo
"Ahh ganun ba..pwede bang pakitawag nalang? Ha? Pauwi na kasi papa niya baka maunahan pa siya..sige salamat"
"Sige po bye.." Pag baba ko ng phone hiniram ko agad yung phone ni chichi at tinawagan ka...pang limang ring bago ka sumagot

"Hello! Ano asan kana???" Di ko maiwasang mainis kasi naman! Late na kaya!
"Ahh? Hello?!" Gosh! Wala pa atang signal
"Hoy! Umuwi kana na! Kanina pa ko tinatawagan ng mama mo asan kana ba?!!" Tumataas na yung boses ko buti nalang wala ng tao sa school
"Hello? Sino to?" Napataas yung kilay ko Hindi ako nagsalita at pilit na kinokontrol ang emosyon ko
"Ayi? Pauwi na" Medyo maingay sa background mo siguro Hindi ka pa talaga nakakauwi
"Umuwi kana." I said with the cold tone at agad na binaba ang phone.. Sino to?? Urgh!

Nag aya nadin akong umuwi late na din naman Hindi naman ganun kalayo yung bahay ko sa school kaya ayos lang bago umuwi nagload muna ako at tinext ang mama mo na pauwi kana..nagpasalamat lang siya..
Paguwi kumain lang ako at nanuod ng TV ng tumunog ang phone ko.
"Ayi wala pa si nik ehh ano bang sabi??" Pagtingin ko sa orasan ko 9pm na
"Tawagan ko nalang po" Hindi ko na hinintay yung reply ng mama mo at tinawagan kita pangatlong ring sinagot mo
"Hello ayi?" Maingay padin ang background mo kaya naiinis na ko
"Asan kana ba?!"
"Pauwi na ko"
"Pauwi na?? Kanina mo pa sinasabi yan eh..kanina pa ko tinetext ng mama mo Hindi ka kasi muna umuwi para magpaalam eh!" I know Hindi tayo pero masama ba na mainis ako?? Nag aalala ako sayo ehh masyado ng late..
"Pauwi na talaga sige na." Ramdam ko na naiinis ka kaya nanahimik nalang ako at nagtext sa mama mo na pauwi kana.. Maya-maya tumunog yung phone ko
"Ayi nik to nakauwi nako..hindi ako pinagalitan ni mama sorry."
"Kumain kana?" Kahit naman naiinis ako nag aalala lang talaga ako
"Oo sorry.."
"Sige na pahinga kana goodnight" nag goodnight kalang at nag I love you Hindi na ko nagreply late nadin kaya natulog na ko maaga kasi yung time natin bukas

Joy and PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon