December na ramdam na yung presence ng Christmas..pero sa room medyo Hindi.. at may alitan pa...nagkaroon kasi tayo ng activity hinati yung section sa dalawang group and sadly Hindi kita kasama, ka-group ko halos lahat ng barkada..
Ngayon yung Laban ng section natin sa group nakakatawa nga kasi nagaaway ang buong section natin pero kung sinong mananalo kukuha din sa kabilang group ng pwedeng idagdag para ilaban ng for section naman..
Kasabay kitang bumaba sa group ikaw yung taga beat pero kung makaporma ka parang ibang activity yung sasalihan mo naka shades kapa! Ang hot mo tuloy tignan -____- nagulat nalang ako nung may nilagay kang blue shoelace na braclet sa wrist ko..naka tirintas siya ang cute nga ehh...nung nakaraan kasi ang dami mong ganto sa kamay mo naghihingi ako ng isa Pero sabi mo gagawan mo nalang ako..Hindi na ko umimik at tumango nalang
"Gawa mo??" Tanong ko habang sinusuot mo sakin
"Oo" ngumiti nalang at nagpasalamat
"Lucky charm huh??" Pabiro Kong sabi
"Haha ingatan mo yan ahh?!"
"Naman!"
Nagstart yung activity actually speech choir siya yung group nyu yung Una kabadong kabado kami kasi ang astig ng inyo kaya sabi namin kahit anong mangyari manalo man o matalo be sport nalang :)))Patapos na kayo kaya nagdasal muna kami pagtapos kami naman yung nagpresent..
Pagtapos namen yung adviser natin pati ilang student yung nag judge tanggap na ng group namin na talo kami pano sablay yung last part tinawanan nalàng namin
"And the winner is.............
The black team!" Nung Una tahimik pa kami pero maya-maya
"Whaaaaaa!!!!!!! Gosh congrats guiseee ayiii ahhhhh!!!!!!" Puro tilian ng group namin naka itim kasi kami at pula kayo puro naka blue..yakapan pa kami na akala mo talaga may price yung nanalo well meron pala grade ! :)) nagpicture picture lang tska tawanan..
Agad ko naman nilabas sa bulsa ko yung binigay mo hinubad ko yun bago kami mag perform baka kasi mawala ehh
"Lucky charm nga kita" agad naman akong lumapit sayo at pinakabit yun
"Congrats :)" ngumiti lang ako..
Maya-maya lang din umakyat na sa room..bati bati na ulit yung buong klase lagi namang ganyan kada practice magkakaaway pero pag tapos magperform bati-bati na ulit :))