Kinabukasan para akong zombie sa classroom swerte ko na nga lang kasi pag umiiyak ako Hindi namumula gano yung Mata ko at hindi din siya namamaga :)))
Second sub kana pumasok excuse ka dahil sa sayaw na sinalihan mo sa school..pag ka kita ko sayo ramdam ko ang pamumuo ng luha sa sulok ng Mata ko agad ko itong pinunasan para Hindi mo mapansin..
Pag upo mo sa tabi ko nag kwento ka lang about sa practice nyo..reporting mo lang ngayon kaya ka umakyat..nag sasalita ka ng nagsasalita tango lang at ilang ang sagot ko.
Hindi kita matignan sa Mata kasi alam ko na iiyak lang ako sinulyapan kita at agad na tumulo yung luha sa Mata ko kaya yumuko ako
"ahh ayan ba si ayi?? Yan ba yung pinapaasa ni kuya?"
Pwede pala yun noh?? Yung pag nakikita mo yung mahal mo nasasaktan ka dahil Hindi mo alam kung mahal ka din nya or what.
Nagreport ka kahit wala si sir pag tapos mo umupo ka muna sa tabi ko at sumandal sa braso ko Hindi ko alam kung manhid ka ba o ano eh >_< Hindi ko nalang pinansin yun at patuloy sa pag punas ng Mata ko bago pa tumulo yung luha ko sh*t ang sakit na ng Mata ko kakapunas >_< maya-maya lang nagpaalam kana na baba ka na ulit tumango lang ako alam kong halata mo na yung pagiging tahimik ko gusto kitang pigilan umalis at yakapin pero mas pinili kong umupo.Pag alis na pag alis mo agad na akong Napa iyak napatingin ako Kay Angelo ng abutan niya ko ng panyo
"Angelo!!!bakit ayaw tumigil ng pesteng luha na to!!" pinilit Kong tumawa siguro mukha na Kong tanga dito iyak tawa.
Tumabi sakin si Angelo at inabot yung iPad niya
"Mag selfie kanalang " agad Kong inabot yun at itinuon yung atensyon ko dun.
Buong maghapon Hindi na kita nakita I guess may okey na to..Sa ngayon.