TRUE STORY #8 (from: @holeesyet)

5.3K 128 6
                                    

Tuwing Alas Dyes ng Gabi


@holeesyet's POV


1st experience ko 'to nung grade 5 ako. May girlscout camping na ginanap at sa isang school yun sa Boracay hineld. First night namin yun nang maisipan naming bumili ng pangmidnight snack. Alas nuebe na yun ng gabi. May activity kaming ginagawa nun kaya gutom e saktong naubusan kami ng pangsnack kasi umaga pa lang, kain na kami ng kain ng mga kaibigan ko. Natira lang samin nun is pang-ulam. At dahil walking distance lang naman ang nag-iisang sari sari store na 24 hours na open nasa lugar na yun ay nilakad lang namin. Pagdating namin sa sari sari store, medyo nagulat pa yung tindera at tinanong kami.


"Bakit naggagala pa kayo e alas nuebe na?"


"Isa po kami sa mga girlscout na nagkacamping sa school na nasa may di kalayuan Ate. Naubusan po kasi ng pangsnack." Sagot ng isang kasama ko.


"Ganun ba? Pagkatapos niyong bumili dito, dumeritso na kayo pa-uwi ha? Huwag na kayong magpaabot ng alas dyes sa daan! Naku!" Ang kabadong sabi ng tindera samin.


"Bakit po Ate?"


"Basta." Maikling sagot nalang tindera samin pagkatapos ay dali dali kaming binigyan ng mga gusto naming bilhin.


Pa-uwi na kami nun sa kampo nang magyaya ang isang kaibigan ko. Bakit daw hindi namin subukan na maghintay ng alas dyes sa daan. Nacurious daw kasi siya sa sinabi ng tindera. At dahil gusto namin ng adventure ay naghintay nga kami hanggang sa mag-alas dyes. Hindi namin alam, pagsisisihan pala namin ang ginawa naming yun.


Sakto kasing pagpatak ng alas dyes, may bigla kaming narinig na nagmamartsa. Akala namin mga kasama namin sa girlscout pero hindi, iba ang wika nila. Parang sa hapon. Hinintay pa din namin kung may dadaan bang nagmamartsa kasi palapit na ang boses ng commander nila pero isang malamig na hangin lang ang dumaan sa amin. Talagang napakalamig na hangin na parang may dalang yelo pero sa pandinig namin, parang nasa harapan na namin yung mga nagmamartsa kaya sa takot namin, nagtatatakbo kami pauwi sa kampo. Yung isang kasama ko pa nga, pagdating sa kampo nahimatay. Yung isa ko namang kasama, napilayan at nasugatan dahil sa pagkadapa.



Puno ng Balete


@holeesyet's POV


Experience ito ng classmate ng sister ko nung grade 3 sila. Alas tres daw ng hapon nun. Naglalaro daw yung kaklase nila na itago nalang natin sa pangalang 'JJ' sa harap ng malaking Balete tree na nasa eskwelahan nila. Pinapanood lang ng sister ko nun kasama ang isa niya pang kaibigan si JJ habang naglalaro. Pinagtawanan pa nilang dalawa nun si JJ kasi parang baliw ito dahil may kausap ito sa harap ng puno pero maya maya lang, nagulat nalang silang dalawa nang biglang may lumabas na kamay sa Balete tree at hinila nito si JJ papasok. Sa takot ng sister ko pati na ng kaibigan niya ay hindi sila nakapagsalita. Nakapagtataka nga kasi um-absent nun ng ilang araw ang sister ko which is hindi niya ginagawa kasi grade conscious ang kapatid ko. Pag pinipilit namin siyang pumasok nun, umiiyak siya na parang takot na takot.


Mga ilang araw pa ang lumipas nun, nalaman namin ang balita na may nawawalang estudyante sa school ng kapatid ko at mismong ang kaklase niya pa ang nawawala kaya kinausap namin siya at pinilit na magsalita. Doon na siya nagsumbong na nakita daw nila ng isang kaibigan niya si JJ na hinila ng isang kamay na galing sa puno ng Balete. Dahil sa nalaman namin, agad kaming nagpatawag ng albularyo at pinapunta sa school ng kapatid ko. Nagtaka pa yung mga guro nila nun pero sinabi namin sa kanila ang nakita ng kapatid ko. Nagsimulang magsagawa ng ritwal o dasal ang albularyo pagkatapos nun ay tinalian ng pulang tela ang katawan ng puno.


Kinabukasan nga nun ay nakita nalang ng isa sa mga guro si JJ na naka-upo sa ugat ng Balete tree. Tulala ito at may nakatali na pulang tela sa noo.



_END_


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon