Broken Track

7 0 0
                                    

“ Boss, Tinapos na po naming ung mag asawa kaso po may kasamang anak. Ano pong gagawin naming sa bata?”  huh?

“Patayin niyo na rin!! Magsama-sama sila!hahaha.” narinig ko ang napakalakas na boses ng isang taong tila kaboses na ng DEMONYO.

“Masusunod po.” Sabay baba ng cellphone nung lalaki at harap sakin.

“Maawa na po kayo sakin.. huhuhu .. Mommy!! Daddy!!”sigaw ko.

“Tss. Grabe si Boss wala talagang pinatawad pati bata pinapapatay.!” Sabi ng lalaking may hawak sakin.

“Pare, wala na tayong magagawa utos ni boss na patayin yan, kung hindi natin magawa utos ni boss, tayo ang matitigok ng maaga!”

“huhuhu.. (i cried)  LALA!!!!!”  nagpupumiglas ako.

“Tumahimik ka!” ( hikbi.. )

“LALA!! Huhu.. help me..! Im scared!!” huhu.. nanghihina na ako sa sobrang pagod.

Pre.! Ano iputok mo na yang baril mo para matapos na ito. Mamaya may makarinig pa satin.”

Malapit ng kalabitin nung lalaki ung baril niya. Natatakot na talaga ako.

“BANG!”

“Nik .. Gising ! binabangu-ngot ka na naman!!” Hmm..

“Huh?” Panaginip lang yun?wew! akala ko totoo na ! parang totoo kasi yung bangu-ngot na iyon.

“ Kanina ka pa umiiyak at nag mamakaawa diyan buti nalang gising pa ako kung hindi siguro kung ano nang nangyari sayo. Eto, oh, uminom ka muna ng tubig.” Inhale . Exhale . Parang totoo talaga napanaginipan ko na naman yun .. It is the worst nightmare I ever had!

“Salamat ate . Buti nalang ginising mo ako. Salamat talaga.” Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na yun I think nagsimula akong managinip ng mga ganun nung 8 years old ako, hanggang ngayon ganun padin ang nangyayari hindi ko alam kung sino ang naputukan ng baril na yun?  lagi kasi akong nagigising.

“Oh. Nik? Ayos ka na ba?” nag-aalalang tanong ni ate.

“Opo ayos na ako ate . Sige na tulog ka na ate.” Ibinaba ko na yung baso sa side table ko.

“oh sige . matulog ka na, wag mo nang alalahanin yang napanaginipan mo.” At ayun lumabas na ng kwarto si Ate Nisha.

Ewan ko ba? Ang tagal ko nang napapanaginipan yun pero hanggang ngayon di pa ako nasasanay. Hanggang ngayon dala ko padin ang takot na tila nangyari talaga sa buhay ko yung panaginip na yun. Pero kung iisipin ko lang masyado yun aabutin ako ng hundreds of years bago ko malaman ang ibig sabihin nun kaya mas maganda ay itutulog ko nalang ito. Tsaka sabi nila ang panginip ay na natiling panaginip at kabaliktaran sa hinaharap o totoong buhay. 

I <3 PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon