Be Mine AGAIN

125 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa Rosman. Outing kasi ng class namin. Well,isa lang naman ang dahilan kung bakit ako sumama

"Princess,shot na!"

yahhh.,nagiinom kami ngayon. Red Horse ang tinitira namin. I get to do my thing here, smoking and drinking.

Pang 5 bote na namin to. Maaga kasi kaming nakapagsimula.Karamihan sa mga kainuman ko eh mga lalaki. Kami lang nga ni Katrina ang nagiinom na babae, yung iba andun sa pool nagpapakalunod sa saya.Overnight kami kaya di ko iniisip na magaamoy alak o sigarilyo ako paguwi.

":oi,tetel! punta tayo sa beach" aya sakin ni Katkat

"sige,. oh! pano babalik pa kami hah wag nyong ubusin " pabiro kong paalam sa mga kainuman namen.

Nagsindi muna ako ng malboro bago tumayo. Sabay kaming naglalakad ni Kat papunta sa beach. Sus,babaeng to alam na ang dahilan kung bakit nag-aya. Magboboy hunt!

Maya maya pa nakarating na kami sa seaside. May nasulyapang hottie si Kat at ayun kausap na. Lakas ng karisma dinaig ako eh.

Habang iniinhale ko ang smoke. Kinuha ko ang cp ko sa shorts ko. (Baka iniisip nyo kung anong swimwear ko. Well two piece at pinatungan ko ng shorts.)

Naka unli call ako eh at may balak akong tawagan.

Calling Kurt Dave . . . . .

kriiiingg

kriiing

kring

Yan sinagot na. Tinapon ko na yosi ko

(hello)

"hi bebekoh!" gandang bati! haha

(huh.?! sino toh?)

" . . . . . . . . . . " anak ng pucha naman oh! saulo nyan number ko, imposibleng di nyan alam na ako yun

"di mo ba ko tanda?! ako yung . . . . . . mahal mo"    halata bang may tama na? haha

(di kita kilala! sino ka nga?)

"si akira" talagang sinusuklam ako>.<

(pasenxa, di talaga kita kilala)

toot. toot. toot.

POTATO FRIES naman oh! Ako pa ang binabaan! G*g* pala siya eh. Sa sobrang inis ko tinapon ko ang phone ko sa dagat. Wala na akong pake dun! Saka ko nagsindi ng panibagong yosi.

"Katkat. Una na ko ah." Nagmamadali akong naglakad pabalik sa kubo kung san kami nagiinom

Inagaw ko kay bok ang isang bote ng red horse at inistraight ko. Kalahati nalang naman yun, at lahat sila nakatingin lang sakin.

Matapos nun dumiretso na ko sa room namin, punta sa c.r. , umupo sa sahig at nagbabad sa shower.

Katrina's POV

Andito kami ngayon ni tetel sa beach. kausap ko si Tristan, siya yung new found boylet ko, nang biglang sumigaw si tetel

"Katkat, una na ko ha."

Hay, iba na naman ang aura niya. Nga pala magbestfriend kami kaya kilalang kilala ko na siya. Hindi ko muna agad sinundan si tetel. Kwento muna ako sa inyo

Dati ng umiinom at naninigarilyo si Tetel. Si Kurt lang ang nakapagpatigil sa kanya dun. Yes, tama kayo sa hula nyo. Magex sila, 4 months ago nakipagbreak si Tetel medyo tanga kasi siya. Hindi naman halatang wala na sila dahil parang M.U. Pa sila. Tapos last week sinabi ni Janna na si Kurt daw ay in a relationship with Akira. Hindi nagpahalata si Tetel na nasaktan siya. Pagkauwi nya, ayun nagiiyak siya sakin. Syempre mahal pa niya si Kurt. Kaya ngayon bumalik yung bisyo niya kasi wala na si Kurt. The rest was history. Choss na. Sundan ko muna ang aking besplen

Be Mine AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon