Tulak (One Shot)

5K 164 74
                                    

Dedicated po kay ErJae_LixCent! Oh, ayan na, ipagpaumanhin mo kung hindi romance ang kinalabasan nito dahil tanging si Luhan lang ang nagpapakilig sa'kin ngayon.

Enjoy po sa pagbasa! Mag-comment po kayo ng violent reaction n'yo.

Medyo in-edit ko. Medyo? Hahaha! Grabe! Pangit pa rin kahit na-edit na.

======

"Hoy!"

"Ano ba? Palagi ka na lang nanunulak! Ano bang problema mo ha?" Sigaw ko sa kanya. Buti at hindi ako natumba no'ng tinulak niya ako.

"Wala." Sabi niya sabay tawa. Aba't talagang--- may gana pang tumawa!

"Bakit ba palagi ka na lang nanunulak? Buti at hindi ako natutumba! Bwisit ka!" Sigaw ko ulit.

"..... lang... kung... rin... sa'kin." Bulong niya.

"Anong sabi mo? Hindi ko narinig!" Sabi ko. Paanong maririnig ko eh bumulong lang!

"Wala! Alis na ako." Sabi niya pero may pahabol pang tulak! Nakakainis na ha!

"Aba't----- Hoy! May araw ka rin sa'king lalaki ka!" Sigaw ko ulit. Tumakbo na kasi after niya akong itulak.

Aba at ang loko tinawanan lang ako? Takas siya sa mental! Takas!

Nakasimangot akong naglakad papuntang classroom namin. Tss. Bad vibes na naman ako. Bwisit kasi 'yong taong 'yon!

"Cristal! Bakit ganyan ang iyong itsuranels? Umagang-umaga ah!" Bungad sa'kin ng close friend kong si Clarisse.

"Sureness na, may tumulak na naman dyan." Pang-aasar naman ng isa ko pang close friend na si Rona habang natatawa.

"Huwag na nga kayong dumagdag sa pagka-BV ko!" Pasigaw kong sabi saka ako padabog na umupo sa upuan ko.

"Whoa! Taray! Meron ka ngayon 'no?" Sabi ni Rona pagkatapos ay sabay pa silang tumawa ni Clarisse at talagang nag-apir pa!

Hindi ko na lang sila pinansin. Ayoko nang madagdagan ang bad vibes ko, walanghiyang Ivan 'yon! Palagi na lang nanunulak!

***

"3-1! Punta na raw sa gymnasium pagkatapos magpalit ng PE uniform!" Sigaw ni Ms. President.

Kaya naman kami ay tumayo na at kinuha ang aming PE uniform at pumunta na sa CR para magpalit tapos nagpunta na kami sa gym.

Kasabay naming magpi-PE ang 3-3?

"Yihee! Kasabay pala nating magpi-PE ang 3-3!" Pang-aasar sa'kin ni Clarisse na may pagsundot pa sa tagiliran ko.

"Destiny!" Dagdag pa ni Rona na may kasama pang hampas! Langya itong dalawang ito, baldado ako eh!

"Mang-aasar na nga lang may kasama pang hampas!" Sabi ko sa kanila at tinawanan lang ako? Mga takas din sa mental! Paano ko kaya naging kaibigan ang dalawang ito?

Nauna na akong maglakad sa kanila. At nagulat na lang ako nang biglang may tumulak sa'kin! Argh! Kamuntikan na akong ma-out of balance!

Paglingon ko ay Siya na naman? Bwisit!

"Sorry. . . . . . . . . . . . . .Sinasadya!" Sabi niya tapos tumakbo na habang tumatawa.

"Bwisit ka talaga!" Sigaw ko sa kanya.

Biglang may pumito malapit sa akin kaya nagulat ako.

"May problema ba Ms. Jimenez?"

Paktay! Tiglo! Nasa kalapit ko lang pala si Sir PE no'ng sumigaw ako, kaya malamang rinig na rinig niya ang pagsigaw ko.
(A/N: Tiglo = patay)

Tulak (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon