“Umiiyak ka na naman?! Putang ina! Di ka ba napapagod?”
Magkaibigan. Yun kami. Kaibigan. Yan ang tingin niya saken. Simula nung mga bata palang kami, ako na ang palagi niyang kasama. Ako ang protector niya. Ako ang gumagawa ng paraan para sumaya siya. Ako ang madalas niyang lapitan lalo na kapag may problema siya. Magkaibigan nga kami hindi ba?
Ang tagal-tagal na naming magkaibigan. Hindi ko nga inaasahan na hanggang sa paglaki namin eh magiging magkaibigan pa rin kami. Ang daming nangyari sa loob ng napakahabang panahon na lagi kaming magkasama, kasama na dun ang katotohanang na-inlove ako sa kanya ng palihim.
Napaka-ganda ni Phoenix. Napakabait. She’s almost perfect. She’s the type of girl every man dreams and I’m one of them. Akala ko, dahil sa madalas kaming magkasama, dahil sa magkaibigan kami eh mas magiging madali para saken ang aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero nagkamali ako.
Bilang kaibigan..
Kinailangan kong itago ang nararamdaman ko.
Bakit?
Dahil maaaring masira ang friendship namin.
Dahil maaaring mawala siya saken kung magkaiba ang nadarama namin.
Araw-araw ko siyang nakakasama. Araw-araw ko siyang nakikita. Araw-araw ko siyang nakakausap. Pero parating may kulang.
Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko.
Ang mahirap pa eh sa araw-araw na pinipilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sakanya eh mas lalo pa itong lumalalim at napakasakit, napakahirap.
Sinubukan kong tanggapin ang katotohanang sapat ng magkaibigan kami kesa mawala yun dahil lang sa nararamdaman ko. Sinubukan kong burahin ang nararamdaman ko para sa kanya. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa iba. Sinubukan kong manligaw sa isa sa mga classmates ko to divert my attention. Akala ko naman eh nag-tagumpay na ako hanggang sa..
“Jake, boyfriend ko nga pala, si Eric,” nakangiti niyang wika saken. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Ang sakit. Napakasakit. Isang marahang tango lang ang naging sagot ko sa kanya at buong pagmamadali akong umalis sa harapan nila.
Simula ng araw na iyon eh naniwala akong wala talaga kaming pag-asa. Hanggang sa pagiging magkaibigan lang ata kami. Ako ang kanyang kuya at siya ang aking munting prinsesa. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ba naman ng tao sa mundo na pwedeng tamaan ng lintek na pag-ibig na ‘to eh ako pa at bakit sa kanya pa? Di sana’y kung ibang babae ang nagustuhan ko, siguro masaya ako ngayon, siguro, hindi ako nasasaktan.
Sadya pala talagang napakahirap itago ang tunay mong nararamdaman. The more na itinatago mo ito, mas lalo kang masasaktan.
Simula ng araw na ipinakilala saken ni Phoenix ang boyfriend niya eh sinubukan kong lumayo sa kanya. Pero isang araw, nakita ko siyang umiiyak. Di ko siya matiis kaya agad ko siyang nilapitan. Iyak lang siya ng iyak.
Nakakainis! Agh! Bakit ba siya umiiyak?
Pinilit ko siyang sabihin saken kung anung dahilan ng pag-iyak niya sa mga oras na iyon. At ang tanging sinabi niya saken ay..