Nag umpisa ang lahat nung sinubukan kong gumawa ng acct. sa isang app na pwedeng makipagchat sa maraming tao.
Birthday ko yun eh, hehe at malungkot din ako nun heart broken eh. Naghahanap ako ng mga taong pwede makausap.. tas mula nun, naadik na ako sa pakikipagchat. May mga games, may mga clan, may kwentuhan, may mga magugulo rin sa chat room. Haha. At nagkaroon din ng hmm. Parang kapalagayan ng loob? Hehe sinubukan kong makipagrelasyon sa nakilala ko sa chat pero mukhang hindi pa ako handa noon. Masyado akong naniwala na pwede maging kami kahit sa chat lang nagkakilala. Kaso dumating ang panahon(bagyo) na iniwan lang ako nung taong akala ko hindi ako iiwan. Iniwan ko yung chat app. na yun dahil sobrang nalungkot ako at nangako na hindi na muling magkakagusto sa taong hindi ko pa nakikita/nakakasama sa personal.
Dalawang taon din ang nakalipas. Nagulat ako dahil buhay pa pala yung chat app.. HEHE edi sinubukan ko ulit. Tiningnan ko lang yung chat room na palagi kong tinatambayan.
Ibang iba na.
Kulitan14 ako dati tumatambay pero dahil nga parang iba na. Bumisita ako ng ibang room. Sa K15.
madaming chat room pa yung pinuntahan ko nun pero nakalimutan ko na eh.
Hindi ko inakala na sa Kulitan15 ko makikilala yung magiging dahil ng pagbabago sa mga paniniwala ko.
Isang tahimik na chatter.
Ibig sabihin, bihira ko lang makita magpost. Parang nagbabasa lang sya nun eh. Matanong lang ako kaya nalaman ko yung facebook nya.
Na-add ko sya sa fb pero hindi ko nalaman ang number nya. Kasi hindi nya binigay. :)
Naging busy na ako sa school at sa mga laro din gaya ng dota kaya di na ako nakakabisita sa chatroom.
Isang araw, habang naka online ako sa facebook, nakita ko rin yung babaeng tahimik na naka online. Edi nagchat ako sa kanya. Kaso hindi ko alam sasabihin baka kasi hindi nya na ako kilala eh. Kakahiya naman.
"HI!"
Parang kilala nya naman ako kaya ayun. Hiningi ko yung number nya para makatext ko manlang sya kasi di ako palaging online sa facebook.
Mission Failed.
Hindi ko parin nakuha number nya.
Nung nagkasabay ulit kami na online. Haha nangulit ulit ako sa kanya, at binigay nya na ang number nya nun.
:)))))))))
Tinext ko naman din sya agad :D nalaman ko na pareho pala kaming kakagradute lang. Edi congrats !!! :D
Naging madalas na kami magkatext.
May mga nalaman sya tungkol sakin, may mga nalaman din ako tungkol sa kanya.
In short, naging magkaibigan na kami :D
Nalaman ko na ang dmi pala nyang account sa internet. Social media. Bukod sa facebook, May twitter, at tumblr pa. Gumawa rin ako ng account sa tumblr at twitter. Tas naka follow sa mga account nya.
Masaya ako sa tuwing katext ko sya. Tas lagi kong binabasa yung mga post nya at nila like ang mga ito.
Masaya dahil may Kakwentuhan ako.
Kung ano ano lang naman pinagkukwentuhan.
palabas sa tv gaya ng pbb, koreanobela at iba pang pinapalabas sa ch.2.
Dumating yung time na papasok na sya ng college...
at pakiramdam ko pumasok na rin sya sa puso ko.
"Hala... hindi pa kami nagkikita. Baka maulit nanaman yung nangyari dati."
Yan yung mga naisip ko nung kasabay nung naisip ko na nagkakagusto na ako sa kanya.
Kaya ayun. Inalam ko kung saang school sya pumapasok. Tapos yung schedule nya. May mga time na pumupunta ako sa school nya pero di ko sinasabi na nandun ako.
Nagmamasid lang ako.
Nagmamasid, tinitingnan kung makikita ko ba sya.
Nakabase lang ako sa kung ano ang itsura nya sa facebook.
Tinitingnan ko kada babaeng dumadaan.. makita ko man lang sya kahit hindi sa malapitan, ay ayos na.
At ayuun.. may nakita akong kamukha nung nasa picture sa facebook.
Kakatuwa kasi nakita ko sya.
Sinabi ko sa kanya na nakita ko na sya.
"Madaya!"
Madaya raw ako. Next time daw sabihan ko sya kung pupunta ako para makita nya ako.
Kaso kinabahan ako..
"Ang panget ko eh pano to."
Kasi ang ganda nyaa.. T__T potek tas ako. Mukhang ewan lang... baka..
baka....
hindi nya na ako itext kapag makita nya ako :'(
Pero ayun nasabi ko na magpapakita rin ako sa kanya kaya no choice na...
"Bahala na"
Bahala nalang din kung magugustuhan ba nya ako o hindi.
Ang dali sabihin ng bahala na, pero nung dumating yung araw na magkikita kami. Kinakabahan ako..
"Potek! Siguradong di na ako papansinin nito kapag nakita nya ako :("
Naisip ko na hindi magpakita sa kanya, kaso baka isipin nya rin nanantritrip lang ako o baka hindi naman talaga ako pumunta.
"Alam ko na! pipicturan ko nalang sya ng malayuan. Para may ebidensya ako na pumunta talaga ako. Na nahiya lang talaga ako. Para mas madali humingi ng sorry. Tama. Tama"
Sakto na may nakaparadang kotse sa tapat nung ng pwesto nya.
"Sobrang layo parin,kaso kung lalapit ako, siguradong mapapansin nya akong magpipicture. Sakto na ito. Intayin ko lang na walang dumadaan na sasakyan"
Sakto, biglang dumalang yung kotseng dumadaan. Pinicturan ko agad sya. Kasoo....
"Badtrip may flash yung camera ko, hindi ko napatay. Waa napansin nya ako... takbo!!!"
At tumakbo nga ako kasabay nung sasakyang dumaan.
*may nag text*
Napansin nga nya ako dahil sa flash ng cellphone. Hahays.
"Paano to?"
Nagtatago parin ako habang papalapit na sa kanya. Nag iisip din kung ano ang sasabihin ko.
Nagulat nalang ako bigla...
Kasi andyan na sya. Sya na yung lumapit sa akin.
Ang ganda nya sa malapitan. Badtrip pawis pawis pa ako. Wala na. Pero nakangiti sya...
*Act normal*
Naglakad lakad kami. Umikot muna sa kabilang street.
Kwentuhan.
Habang nagkukwentuhan kami, binura ko na sa isip ko yung pangamba na hindi ako itext. Kasi kahit hindi ako itext, magttext at magttxt parin ako sa kanya hanggang sa makulitan sya at magreply. >:)
Pero seryoso, ang saya!
Sobrang saya ng araw na iyon. Sabay kaming naglakad papunta sa sakayan. Nagpaalam sa isa't isa. At nagkatext parin kami na parang walang nagbago. Hindi kagaya nung nasa isip ko.
Haha alam kong parang stalker ako noon, pero wala naman akong masamang intensyon.. gusto ko lang sya makita talaga :)
Mula noon, madalas na akong bumisita sa school nya at inaabangan ang pag uwi nya para makasabay ko sya sa pag uwi.
^_^
BINABASA MO ANG
Pinky Promise
Short Storybakit nga ba tinawag na Pinky promise ang pinky promise? Sa totoo lang, hindi ko rin alam eh. Ang alam ko lang, ito yung pangako na mahirap baliin pero mahirap din tuparin. tinali gamit ang hinliliit, nilagdaan gamit ang hintuturo. Istorya ng taong...