Ako si Tin. Nilalapitan ako ng mga taong sawi sa pag-ibig. Yun bang iniwan ng boyfriend, nagdududa sa girlfriend at kung ano ano pang kwentong magjowa. Pero bakit pagdating sa sarili kong lovelife nabobobo ako. Ni hindi ko makita ang kahihinatnan ng love story ko.
Lagi kong sinasabi, Let go. move on and Move forward. Yan ang key para maging masaya. Pero bakit hirap na hirap akong gawin yung mga yun. Hindi ko kayang ilet go yung feelings ko for him kahit na alam kong may iba na syang gusto.
Pero teka ano bang totoo sa dalawang kasabihan na to "kung mahal mo talaga, ipaglaban mo!" o "kung mahal mo, set him/her free!"?
Ang gulo noh. Ipaglalaban o palalayain?
Marami na akong narinig sa mga kaibigan, kamag anak at kung kanino pa. Tulad ng "ang pagkakaalam ko patay na ang tatlong martir, Bakit Buhay ka pa?"
"Okey lang maging tanga, wag mo lang araw-arawin pwede ba?"
"maganda ka, matalino, may kaya, mabait, bakit mo pinagsisiksikan yung sarili mo sa taong di ka sigurado at di ka gusto"
Oo na! Tanga na kung tanga! Martir, Whatever! Hindi natuturuan ang puso. Titibok to kahit kanino. Walang oras, walang panahon, walang makakapigil at walang pinipili. Kung natuturuan ang puso, edi sana lahat ng love story happy ending. Sana walang umiiyak. Sana walang nabibigo at sana MASAYA AKO!
Tara sundan niyo ang kwento ko, malay niyo makarelate kayo. Unang beses ko susulat ng istorya kaya sana magustuhan niyo at maunawaan niyo kung di ako ganun ka expert.
(TRUE TO LIFE STORY)
Highschool palang kakilala ko na si Mc. 4th year ako at 3rd year naman sya. ( oo na child abuse ako!) Well,Age doesn't matter nga diba. Mas matangkad naman sya sa akin kaya keri lang mga brader! Hindi ko pa sya napapansin noon kasi yung tropa nya yung gusto ko. At hindi naman ganun kaclose ang seniors at juniors. Sa totoo lang kalaban nga namin sila sa mga school activities e.
When I entered college, I never thought na magkakasalubong muli ang aming landas. 2nd year ako, at malamang 1st year sya. Magkaiba kami ng kurso, pero hindi naman kalakihan ang aming paaralan para hindi kami magkita, magkasalubong at magkabatian man lang.
Eleksyon noon, sumali ako sa isang partido. Tumatakbo ako bilang Senator ng Supreme Government ng school namin. Kasali din sya. Kapartido ko sya. Sa lahat ng activities and meetings na ginagawa ng Partido namin, kasama sya. Hindi pa kami ganun kaclose nun. Oo magkakilala kami pero were not that close pa. Getting to know each other. Kilala ko most of his friends. Marami kaming mutual friends kaya mas madali kaming naging close.
Hindi ako pinalad manalo sa posisyong tinakbuhan ko. Okey lang. First time ko naman yun. Atleast i gained experience and friends. Kahit na tapos na ang eleksyon, patuloy pa din ang aming pagkakaibigan. Nagkakatxt kami, nagkikita at nagkakausap. Sweet sya, gentleman, matalino at syempre gwapo lalo na kapag nakangiti. Hmm ang sarap....ang sarap sa pakiramdam makasama sya. Sa pagkakataong iyon nagustuhan ko na sya.
Until one day, kailangan naming pumunta sa Maynila upang magbakasyon. December yun. Nasa tradisyon na ng aming pamilya na dapat magkakasama kaming lahat tuwing pasko. Kaya taon taon umuuwi talaga kami para magpasko kapiling ang aming mga mahal sa buhay.
Isang gabi nakachat ko sya. Kamustahan at walang hanggang kwentuhan. Sa kalagitnaan ng paguusap namin bigla nyang sinabi:
"I like you!" sabi nya sa chat
Tagal ko sumagot, syempre nabigla ako. Kasi kahit anong tanggi ko like ko rin naman sya.
"ha?bakit ako?" sabi ko.
"hindi ko alam, basta i like you!. Sige ha, out na ko. Bukas nalang ulit. " biglang sabi nya.
Lokong yun, di pa nga ko nakakasagot nagpaalam na. Hayy, paano ba ko matutulog nito. Grabe dun palang tumalon na yung puso ko! Like palang yun ha. Ano nlang kung iloveyou na yun? Baka nagjumping jack na yung puso ko sa sobrang saya. Hahaha. OA ba? Pero totoo, yun talaga yung pakiramdam ko that moment.
BINABASA MO ANG
Ikaw pa rin
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng tawagin mo ng tanga at martir sa pag-ibig ay patuloy pa ring nagmamahal. Hindi natuturuan ang puso. Hindi mapipilit na kalimutan ang isang taong nagbigay ng kulay sa mundo mo. Move on? Madaling sabihin, pero mahirap ga...