RushLords

80 6 5
                                    

Sa ROOFTOP

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanila pagkatapos kong silipin yung nasa baba ng building na to. Maraming students ang nakakalat doon at halatang masaya sila.


"Remember the days na masaya tayong naga-asaran dito??" tanong sa akin ni Moira, ang tumatayong leader sa barkada. Tumango naman ako at ngumiti ng malapad. "Oo naman! Dito pa nga tayo minsan kumakain diba? Tapos dito rin na-buo ang rules pati ang pangalan ng grupo natin." naka-ngiti kong sagot habang ina-alala yung mga panahong iyon.


"Eh yung ginawa mo sa amin?? Naa-alala mo pa??" Bigla naman akong kinabahan sa tanong nyang yun. Ano bang sinasabi nya?? H-h-hindi ko maintindihan!


"Mukhang hindi mo natatandaan. Hayaan mong ipa-alala namin sa'yo." Naka-ngising sagot ni Carlo.


----------------------------


Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bago kong classroom. Kung hindi sana mataas ang mga grado ko, hindi ako malilipat ng section. Kaso eto, nasa tapat na ako ng pintuan at rinig na rinig ko ang ingay nila sa loob.


Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan yung pinto. Hindi naman nila ako pinansin, pero may iba na tinignan lang ako ng may pagtataka, meron din na winelcome ako sa section nila kaya nginitian ko na lang. Pinili kong pumwesto sa may likuran, maliban sa hindi ako mapapansin ng iba, mukhang tahimik at mahiyain naman ang maka-katabi ko. Pero yun ang akala ko.


"Hello!!! Bago ka dito noh?! Ako nga pala si Joy!! Ikaw? Anong pangalan mo??" Masayang bati nya sa akin. Nakaka-tuwa yung itsura nya dahil makikita mo dito ang pagiging hyper. Meron syang mga singkit na mata at talagang bagay na bagay sa hugis ng mukha nya.


"Ako nga pala si Blue." Naka-ngiti kong sagot. Kahit medyo nai-ilang ako, ngumiti na lang ako para hindi naman masabihang snob.

"Weird name huh?? Pero ang cute!! Wait lang! Pakilala kita sa mga kaibigan ko!! Guys!!!" tawag nya sa kahilera naming upuan at sa may tapat. Isa-isa naman silang lumingon sa amin. "Blue, eto nga pala si Moira, si Rachel, Joyce, Jane, Pauline at si Nairah!" isa-isa nyang turo sa kaibigan nya.

"Eto na yung mga pina-bili nyo." lahat naman kami ay napa-tingin sa bagong dating. "Blue! Sya naman si Carlo! Ang nag-iisang babae sa grupo!" tumawa lang kami dahil sa sinabi nya.

~~


Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, taon at sila lagi ang kasama ko. Wala na atang oras na hindi ko sila kasama lalo na kapag nasa school kami. Ang paborito naming tambayan ay sa rooftop ng lumang building. Maliban sa tahimik, maaliwalas pa ang kapaligiran.


"Guys! What if kung gumawa tayo ng rules??" biglang tanong ni Moira. Sunod-sunod naman kaming tumango at lumapit sa kanya. Nag-form kami ng bilog at saka sya naglabas ng papel at baso? Para san yung baso?


"Guys! Nandito sa papel na to ang rules na ginawa ko. Isa-isa kong babasahin at sabihin nyo kung hindi kayo agree or kung may ida-dagdag kayo.


"1st rule, problema ng isa, problema ng lahat! 2nd, kung nasaan ang isa, dapat nandun din ang lahat! 3rd, bawal ma-in love sa isa't-isa. 4th rule! Walang sino man sa atin ang gagawa ng ikaka-panakit ng isa't-isa. Yun lang, may ida-dagdag kayo??"

RushLordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon