PART 23

4.7K 87 0
                                    

One last time.

"Talaga. Ikakasal sila?" Nanlaki ang mga mata kong tanong kay Brooke. Tumango tango naman ang gaga habang kinakain ang tinapay.


"Uh huh. You should have been there Sel. Ang sweet nilang dalawa. I wish ganoon din ang lovestory ko balang araw." Brooke said dreamily.



"Tsk. In your dreams Brooke." Sabay kaming napatingin sa nagsalita mula sa loob. It's Shaun. Nakasandal sa hamba ng pintuan. Andito kami ngayon sa resto ng hotel. Napasulyap ako kay Brooke. Umismid lamang siya at pinang ikutan ng mga mata si Shaun. "Did you just rolled your eyes on me Brooke?" Taas kilay na tanong ni Shaun kay Brooke. Oopsie. I think I need to go.


"Bye bestfriend. I need to go." Atubili na akong umalis. I know. There's something going on between those two kaya bago pa makapagsalita si Brooke ay nakalayo na ako. Kumaripas ako ng takbo kaya hingal na hingal akong napatigil.





"Tss. Still weak." Napaangat ako ng mukha ng marinig ang boses niya. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. I am tired yes. Pero ang kalabog ng puso ko ay hindi lamang sa pagod dahil sa pagtakbo kundi dahil sa boses niya.




"Oh. Ikaw pala. Ginagawa mo dito?" I calmly asked like there's nothing wrong going on between us. Like we don't have a past. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko bago umiling iling.




"Don't talk to me. I don't know you." I smirked of what he just said.



"Bitter. Hmp. Dyan ka na nga.!" Simangot kong saad at nilampasan na siya. Nadismaya nga ako ng hindi man lamang niya ako pinigilan. Napailing iling na lamang ako at muli nanamang tumakbo.




***

Wedding day

Ang ganda ng araw ngayon. The sun is not that hot. Tamang tama lamang. May mga humuhuning ibon na talaga namang dito mo lamang maririnig sa probinsya. The wind dances with the trees. Naitatangay din nito ang aking buhok. This day may seems so normal to me but for two persons I'm closed with, this is a special day for them. Ngayon, ay kasal nina Blue at Sabrina.



Nagsimula ng tumugtog ang kanta ng dumating si Sab. Halos sabay sabay kaming tumayo at tumingin sa kanya. She's really beautiful in her simple wedding dress.

Its always been a mystery to me,

How two hearts can come together,

And love can last forever.

But now that I have found you I believe,

That a miracle has come when God sends the perfect one.

So gone are all my questions about why,

And i've never been so sure of anything in my life

Napatingala ako ng mukha para hindi bumagsak ang aking mga luha. I am happy for them. I was there when Blue was miserable without Sab. I saw his pain. But the real reason kung bakit ako naiiyak ay dahil sa naiingit ako. Because finally, they have their own happy ending. Samantalang ako, wala pa rin. Napabuntunghininga na lamang ako at ngumiti. Titingin na sana ako ulit sa direksyon ni Sab ng mahagip ko ang mga matang iyon ni Wayne. His sad expression suddenly disappeared when I looked at him. Napaiwas na lang din ako ng tingin ng umiwas na siya ng titig. I gulped and tried to focus on the wedding.

Oh I wonder what God was thinking,when he created you.

I wonder if He knew everything I would need,

Because he made all my dreams come true.

When God made you, He must have been thinking about me.

May ibinilin pa si tito Samuel kay Blue, daddy ni Sab. They were very emotional habang nag uusap. Nabaling naman ang atensyon ni tito kay Sab at nag usap din sina bago tuluyang ibinigay ni tito ang kamay ni Sab kay Blue.


"I can't wait for our honeymoon baby." Iyon agad ang ibinulong ni Blue kay Sab. Kinurot naman siya nito sa tagiliran dahilan para mapasigaw ito. Nagtawanan kaming lahat dahil halata namang di bulong iyon. Ang lakas kaya ng pagkakasabi ni Blue.





"Mamaya na 'yan, mahiya naman kayo sa amin! Tong mga toh, excited masyado sa honeymoon! Tumatawa pang sabi ni Van, death glare naman ang isinagot ni Blue pero imbes na matakot ito, lalo lamang itong tumawa.

They exchange their vows.

"You may kiss the bride." Sabi ng pari. Blue smiled then kiss Sab passionately with so much love seen in his eyes.






Nagsipalakpakan kaming lahat at tumayo. We took picture with them after. I even have a picture with the bride and groom which I uploaded in facebook.


Caption? With the beautiful bride and handsome groom. Here at La Union.

There. I uploaded it. Marami agad ang nagcomment. Nakangiti akong sinasagutan ang mga comments nila.





Natigil na lamang ako ng may magcomment na di ko naman kilala. I know my friends in facebook. I only add and accept people I know. Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy pa rin naman sa pagbabasa.







D.W.Iyon ang profile name niya.

D.W: Congrats tol! I am happy for you. And of course to you too, Sab. You both deserve it. How I wish I'll have the kind of a happy ending like you two. If only I have one last chance. I will correct my mistakes. Just one last time. You know who you are, baby.




Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ng buo ang mensahe ng kung sino mang tao iyon. Napakagat ako ng mga daliri at tinap ang profile picture niya para makita ko ang fb profile niya. Pagkabukas na pagkabukas ko doon ay siya namang pagkapalit ng profile picture niya.


Changed profile. 2 seconds ago.Napasinghap ako ng mapagtanto kung kaninong fb iyon.





"Wayne." Mahinang sambit ko. How would I know na siya iyon kanina? Eh ang dating profile picture niya is Michael Jordan, the legendary basketball superstar! And aside from that. Hindi ko siya friend sa facebook. Dati, oo. Noong okay pa kami. Noong hindi pa ako umalis para mag aral. I deactivated my facebook account. At noong bumalik ako, hindi ko na siya friend. He unfriended me. I searched for his name in my friends's fb tho pero wala akong mahanap na Wayne De Silva so I stopped searching for it.








"Ui bruha. Tara na sa reception. Ano bang meron sa cellphone mo?" Tawag sa akin ni Brooke. Nakisilip din siya pero agad kong inoff ang cellphone ko at hinila na siya sa kamay. Puro reklamo at mura lang naman ang narinig ko mula sa kanya hanggang sa makarating kami doon. "Grabe ka ha. Kung makahatak ka parang di masakit ha?" Patuloy niyang dada pero di ko na pinansin pa. I scanned the place. Napatigil lang ako ng magtama ang mga mata namin ni Wayne. Napatingin ako sa labi niya. Pinaglalaruan niya iyon gamit ang mga daliri. Ibinaba niya ang kamay at napakagat labi. His looks are intense. Napaawang ang labi ko bago napakagat labi na din. Nag iwas na ako ng tingin ng may kumausap na sa kanya. He is still looking at me but I chose to divert my attention to Brooke. No. There is no one last time. No. Not anymore. Magulo ka Wayne.

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon