Isang gabi sa aking buhay

107 4 2
                                    

            "subrang sakit" pautal kong daing sabay higop sa munting basong puno ng alak, napangiwi ako sa lasa,napaka tapang, ramdam ko ang pag guhit nito sa aking lalamunan at maya maya pa'y nag simula ng uminit ang aking tiyan. Lima pang sunod sunod na tagay at nag simula ng mamanhid ang mga kamay ko kasabay ng panghihina ng buo kong katawan. Ito naramdaman ko na ,meron na akong lakas ng loob, matapang na ang isip at wala ng takot na nararamdaman. "p*tang ina minahal ko sya nang subra, buong buhay ko ibinigay ko na sa kanya, lahat ng gusto nya ginagawa ko, lahat ng ayaw nya iniwasan ko, t*ang ina binigay ko ung buong sarili ko sa kanya. Pag ka tapos ng lahat ayon may girlfriend na sya"nangingilig kong pagkekwento. hinogut ko ang phone sa bulsa ko at handa ng ipakita ang larawan na pumapatay sakin. "yan yan magaling kong mahal , kayakap at kahalikan ang malanding pokpok na yan! Hahaha jan nya ako pinagpalit yong dalawang taon namin jan nya sinayang ano bang meron yan na wala ako, ano bang kaya nyang ibigay na hindi ko nagawa?." Tumawa ako ng napaka lakas sa hindi ko alam na dahilan. Mabigat ang mga mata ko na tila'y gusto nang pumikit pero nilalabanan ko kaya pakisap kisap nalang, mabagal na ang galaw ng lahat ng bagay masakit na sa ulo, nakaka lula na at nakakahilo.Ngayon hindi ko na ramdam ang sakit sa puso ko. Ibinaling ko ang aking tingin sa paligid, may kadiliman na ,napapa jingle ako kaya panandalian akong umalis.May umaalalay na kamay saking braso ngunit pilit akong nag pumiglas "bitawan nyo ako, hindi pa ako lasing kaya ko pa" pasiring kong tinungo ang banyo, makatapos ang ilang sandali parang hindi ko na kayang igalaw ang katawan ko kaya napatuon ako sa pader upang isuporta ang kamay ko kung sakaling matumba ako. Nag lakad ako ng pazigzag na mosyon sa dahilang gusto nang humiga ng katawan ko.Napa haplos ako sa aking mukha, lasing na ako, subrang lasing na ako. Wala na akong maramdaman napaka pungay na ng mata ko masakit na sa ulo at antok na ang diwa ko..

                May naramdaman akong naka akbay na mabigat na braso sakin, tiningala ko at pilit na kinilala kong sino iyon, ang kaibigan ko. Sya ang nag sasabi saking lumaban at wag mag papatalo na bumangon at kalimutan na lahat. Isang ngiti ang ibinigay ko, "buti kapa ehh nu? Sinasamahan mo ko" garalgal kong pag puri. "maganda ka, hindi ko nga alam kong bakit nya yon nagawa sayo,samantalang napaka swerte nya na sayo" mahina ngunit naintindihan ko,napaka lambing nyang mag salita at nagbigay iyon ng kasayahan sa akin. Panandalian kaming nag katitigan at walang ano-ano ay nagkalapat aming labi isang napaka pusok na halik. Mula sa pag kaka akbay iginapos nya ang mga braso nya sa aking likuran. Mainit, napaka init na nang aming nararamdaman walang pag tigil sa pagsuyo ang mga labing iyon. Tumugon ako sa abot ng aking makaka kaya. Inangkla ko ang aking braso sa kanyang batok at tuluyan nang nag kadikit ang aming katawan. Bawat haplos ay nag dudulot boltahe ng kuryenteng gumagapang sa aking likuran,makalipas ang ilang sandali habang nakapikit ay dahan dahan akong napatingala sa pag dampi ng kanyang labi sa leeg ko.Mabagal ang galaw ng lahat, nagiging dalawa ang maliliit na ilaw na nagpapasakit sa sentido ko ,umaalingasaw ang amoy ng alak sa paligid, inalintana namin ang halik at muli ay nagkatitigan , ang mga mapupungay naming mata ay alam na ang lahat at hindi kailangan pang sabihin ng bibig. Ilang ritwal pa at ....nangyari na. Sa bawat pag usad ng aking manhid katawan ang aking isip naman ay tila isang papel na tinatangay ng ihip ng hangin sa kawalan , halo halong pakiramdam, parang may kung anong tinig ang kumakanta na mas lalong nag papalutang ng aking diwa, don ay biglang pumasok ang alaala naming ng mahal ko ka-alinsabay ng walang humpay naming tawanan ay ang larawan nila ng babae, Sa bawat matatamis na pinagsamahan namin ay sumasabay ang boses na nag sasabing hindi na nya ako mahal at mag hiwalay na kami. Mabagal ngunit ngayon ay bumibilis na ang pag urong sulong ko,napakapit ako sa likuran nya dahil sa kirot na nagbalik sa akin sa reyalidad. Bahagya kung tiningnan ang lalaking nasa ibabaw ko at doon ay nag simula ng bumuhos ang lahat ng sakit. Isang hikbi pa at hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pag bagsak ng munting likido sa mga mata ko, mga likidong senyalis ng lahat ng pag hihirap ng puso ko, napa dagok ako sa king dibdib sa subrang sakit na nararamdaman ko. Ang mga tanong na paulit ulit na sumasagi sa utak ko, bakit nya ako pinag palit? Bakit nya ako iniwan? Bakit sya nag sinungaling? Walang pag tigil ang luha sa pag agos maging ang aking katawan sa pag taas at pagbaba.Napatigil ang lahat at isang ungol ang dumagundong,Nakita ko ang pag pikit ng kanyang mata na nag pa kunot sa kanyang noo. Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan at pag dagan ng kanyang katawan sa akin...Nabalot ang lugar ng katahimikan Blangko ang utak at wari'y may tumataginting sa tenga ko. Sa tuwing ikikisap ko ang aking mata ay sumasabay ang tulo ng maalat na tubig dito. Ang utak kong mas superior dapat sa puso ay natalo ng alak at tukso. Ang Alak na nag tagkal ng sakit sa puso at damdamin , nag pamanhid at nag painit ng buo kong katawan.

At ang puso ko na sumira sa buong buhay at kaluluwa ko...

isang gabi sa aking buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon