Chapter 17 - See You Again

624 15 2
                                    

Ryla

From: Rence

Miss na kita.

Hindi ko alam kung wrong send ito or what. Hay, sana hindi.

Alam niyo yung feeling na nakatulala ka sa ceiling habang walang iniisip? Nakakabaliw diba? Ito yug kalagayan ko ngayon. Para bang hindi ako mapakali na kinikilig sa simpleng text message. Wala eh, hopeless romantic.

Ano kaya ginagawa nila ngayon?

"Rylie, bakit mo ba ako tinawagan para umuwi?" Nang narinig ko yung boses ni best dormmate in the world, ngumiti agad ako. Finally.

"Clariiisse!" Sinalubong ko siya ng isang matinding yakap.

Lumaki mga mata niya sa pagyakap ko sa kanya, "O...kay?"

"Okay, anong meron Rye, ha?" Umupo siya sa tabi ko. Tsi-neck niya kung nilalagnat ba ako or something, "Hindi ka naman nilalagnat. Ano bang meron?"

Hindi nalang ako nagsalita at ipinakita ko nalang sa kanya yung text message. Lumaki mata niya nang binasa niya iyon. "O ma gad."

Pinaghahampas-hampas niya ako sa braso, "Ayiieeee!" Biglang namula pisngi ko. "AYIEEE! KINIKILIG SI RYLA!"

"Tumigil ka nga!" Nagpout ako.

"Aww. Sorry na Ryla." Niyakap niya ako at kinirot yung pisngi ko.

"Aray!" Ngumiti sa akin si Clarisse at nag-peace sign.

Tumayo ako, "Una," humarap ako sa kanya, "please wag mo akong tatawagin na Ryla."

"Okay po."

"Pangalawa, FYI wala na akong feelings sa kanya. Period!"

"Eh, bakit ka nagblush?" Ngumiti sa akin si Clarisse. Yung nakakaasar na ngiti. Dinilaan ko siya, "At, tinawag kita para tulungan ako at hindi para asarin ako."

Inikot niya mata niya, "Okay okay. Ano bang tulong yung kailangan mo?"

"Si Rence kasi eh. Bakit siya magsesend ng ganun sa akin?" Tinakpan ko mukha ko gamit ang kamay ko.

Umupo siya sa harap ko at hinawakan kamay ko, "Girl, ganyan talaga. Minsan, hindi natin naiintindihan mga lalaki. Malay mo, miss ka lang niya talaga. Or, nagpaparamdam siya. Or, wrong send? I don't know. Kung ako sa'yo, tanungin mo siya nang deretsahan. Try mo kayang magreply."

"Ay wag na Clarisse! Alam mo naman hindi ko kayang gawin yan eh!"

Tumayo siya, "Bahala ka. It's either kakausapin mo siya nang harapan o through text." Tapos, pumasok siya sa banyo.

Napaisip-isip ako sa sinabi niya. Syempre gusto ko siyang kausapin sa personal man o sa text kaso paano pag hindi niya ako pansinin? Paano pag.. Aaah! Ayaw ko talagang mapahiya, ma-reject at maiwan. Anong gagawin ko?

"Rye, magbihis ka, dali. Dinner tayo sa mall." Pagkalaba na pagkalabas niya sa banyo, yan yung sinabi niya.

Sinunod ko siya. Tumayo ako at agad na nagbihis. Pero there's this feeling na parang kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman yun. Ang alam ko lang, I feel that something will happen later.

Nang makarating kami sa mall, dumerecho agad si Clarisse sa Forever 21. Mga fashionista nga naman. Hindi ako mahilig sa mga damit eh. I prefer comfortable pero fashionable na damit.

Dahil dun, nagstay nalang ako sa labas habang hinihintay ko siya. Daming tao ngayon dito kasi sale. Tinitignan ko yung mga taong dumadaan. May mga highschool students, college students, meron ring mga matatanda at mga bata. Meron ring isang barkadang pumasok. Napangiti ako. Naalala ko tuloy yung time na pumunta kami para manuod ng Fast and Furious 7. Para akong baliw dito, ngumingiti mag-isa at nang walang dahilan.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Kyle noon.

"Malay niyo, magkita-kita tayo someday sa isang mall," tumawa si Kyle nang malakas.

Ugh. Miss ko na sila. Lalo na yung bestfriend ko.

"Ryla, anong mas bagay?" Tinaas niya yung dalawang damit. "Ito o ito?" Huminga ako nang malalim, "Yung blue."

"Okay!" At bigla siyang nawala sa paningin ko.

Bumalik ulit ako sa ginagawa ko, nagmamasid sa kawalan. Hanggang may nakilala akong mukha. Nanliit mga mata ko para mamukhaan siya. Tumingin siya sa direksyon ko nang super saglit lang.

"Rence?" Bigla nalang ako naglakad sa direksyon niya
Sinundan ko siya at nakipagsiksikan sa mga tao. Sa dami ba naman ng araw na pwede silang magsale ngayon pa.

"Excuse me po. Excuse me. Dadaan lang po. Sorry po." Paulit-ulit ako sa mga salitang yan sa bawat taong makakasalubong o mababangga ko. Palayo nang palayo na ako kay Clarisse.

"Rence?" Tumitingin sa akin yung mga tao.

Tumigil ako sa gitna ng dagat ng mga tao para hanapin siya.

"Haay." Mukhang nawala siya sa paningin ko ah.

Nagring phone ko, si Clarisse tumatawag. "Hello Clarisse?" Nilaksan ko boses ko dahil sa ingay.

"Nasaan ka? Bigla ka nalang nawala dito!"

"Ah sorry. May sinundan lang ako." Tumingin ako sa paligid ko, hoping na makita ko ulit si Rence. "Ayan tuloy, nawala. Balik na ako diyan."

"Bilisan mo, gutom na ako!" Binaba ko na yung phone.

Bumalim ako sa Forever 21 at nandun si Clarisse nakatayo at may bitbit na maliit na paper bag na may nakasulat na Forever 21. "Naks. Anong binili mo?" Bati ko.

Tumawa muna siya bago sabihin, "Medyas-walang tatawa ha!" Pinatong niya kamay niya sa bibig ko. Nilawayan ko naman ito.

"Kadiri ka!" Tinanggal niya rin.

"Tse. Tsaka anong tatawa?"

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga restaurants.

"Ang slow mo! Yung iba kasi, they find it funny na bibili ka lang ng medyas, sa forever 21 pa raw." Nag-cross arms siya.

"So? Paki ba nila?" Agad siyang tumingin sa akin, "Appear tayo diyan beh!" Ginawa ko nalang yung sinabi niya.

"Hmm. Bakit ka pala biglang nawala kanina?" Sinabi niya habang papasok sa isang restaurant.

"Basta." Dumerecho kami sa bakanteng lamesa for 2 persons.

"Ano pong order niyo ma'am?" Tanong ng waiter. Tinignan namin yung menu at nag-order.

"Diba sinabi mo may nakita ka?" Sasabihin ko ba sa kanya?

"Ah eh..." Iniisip ko sasabihin ko. Bigla akong napatingin sa labas. Nakita ko siya. Mukhang napansin rin ni Clarisse dahil tumingin rin siya sa labas.

Nandun siya, nakasuot ng plain white shirt, checkered na polo, shorts, sneakers at snapback. Kahit nag-iba yung hair color niya, parang wala pa ring nagbago sa kanya. Gwapo pa rin niya.

Nakatitig pa rin ako sa kanya ngunit di niya ata ako nakita.

"Siya ba si Rence?!" Gulat na sinabi ni Clarisse.

"Ssh! Wag ka nga a Tumingin ulit ako sa labas kaso naglakad na palayo si Rence, kasama mga barkada niya.

"Ryla, ang gwapo!!" Binulong niya na may halong kilig.

Tinignan ko siya ng masama.

Nung nakita ko siya ulit, hindi na siya maalis-alis sa isip ko. Para bang may nabuhay na enerhiya sa loob ko. Hanggang sa pagkain, sa pag-uwi hanggang sa pagtulog, siya lang naiisip ko.

Tinignan ko once again yung message niya sa phone ko. Pinindot-pindot ko yung keypad. Every minute, palagi kong binubura yung tinype ko.

Nagtype ulit ako at pinindot yung 'send' button.

"Hay." Pinatong ko yung phone sa tabi ko.

"Rence, miss na rin kita."

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon