Oneshot

69 8 2
                                    

Dedicated sa 'lil bro ko na siyang pumilit saakin na isulat to. Mygash. Hahaha. Buti nalang natapos ko. Tinatamad pa naman ako. ToT
-xxx

"CJ!" sigaw niya habang tumatakbo papalapit saakin na akmang yayakapin ako.
Ngunit imbis na ngumiti ako sa kanya ay parang sinaksak ng sangkatutak na karayom ang puso ko nang makita ko siyang umiiyak.

Bumagsak ang katawan niya saakin sabay yakap niya ng napakahigpit. Sinuklian ko ito at marahang hinaplos ang likod niya.

"Bakit ka umiiyak?" halos hindi ko na siya matanong dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Ang sakit kasi, CJ. Ang sakit-sakit." sagot niya pagkatapos ay humagulhol ng napakalakas.

Bakit ba kasi hindi nalang ako, Jade?

Naiyukom ko ang mga kamay ko dahil sa pagkaramdam ko ng galit. Yung lalaking yun, talagang masusuntok ko siya kapag nagkita kami. Tangina niya. Ang swerte-swerte nga niya dahil kay Jade pero pinakawalan lang niya. Gago siya. Ginawa pa akong tulay eh. Tiniis ko pa lahat ng sakit at inggit para lang makitang ngumiti ang babaeng pinakamamahal ko pero pinaiyak lang niya. Pakshet siya.

"Sige lang. Iiyak mo lang. Nandito lang ako."

Hindi ko kayang makita na nasasaktan ka, Jade. Sana hindi nalang ako ang tinakbuhan mo. Sana iba nalang. Kasi ang sakit-sakit din eh, kaso wala akong matakbuhan gaya ng pagtakbo mo saakin.

Sana masabi ko sa kanya ang mga katagang 'yon pero mahirap eh. Natatakot ako na madamay ang friendship namin -- pinakaiingatan ko iyon kaya mas pipiliin ko nalang masaktan o maging isang human tissue kapag pinapaiyak siya ng gago niyang boyfriend kaysa masira ang friendship namin. Hays. Ang cliche ng drama namin. Tch, dati tinatawanan ko rin tong ganito eh. Yun pala pati ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Tsk, karma.

"Sorry CJ, ah. Basang-basa tuloy yung uniform mo." sabi niya saakin ng matapos niyang iiyak lahat ng nararamdaman niya.

"Okay lang." tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Ang laki kong sinungaling. Tsk. Hindi naman kasi talaga ako okay kasi katumbas ng isang luhang pumapatak mula sa mga mata niya ay isang karayom na bumabaon sa puso ko.

Naihatid ko na si Jade pauwi at ako naman ay naglalakad na rin papuntang bahay nang biglang may nagtext saakin. Nang tinignan ko ito ay biglang nagtagpo ang kilay ko.

From: Tanginang Kiev

Bro, sabihin mo kay Jade na sorry na. Sabihin mo na mahal na mahal ko siya. Please, bro.

Pakiramdam ko ata ay nahighblood ako dahil sa nabasa ko. Tangina niya. Ano ako? Messenger? Gago siya ah. Shit. Tangina niya.

To: Tanginang Kiev

Nasaan ka?

Agad naman na nagreply ang gago kaya imbis na umuwi ako ay iniba ko ang daan ko patungo sa kinaroroonan niya. Madali kong narating ang lugar dahil malapit lang naman at dahil narin siguro sa atat kong suntukin ang pagmumukha niya. Nakita ko siyang nakaupong mag-isa sa isang mahabang bangko habang nakayuko.

Nabitawan ko ang bag ko. Akmang susugudin ko na sana siya nang bigla niyang iniangat ang ulo niya at tinignan ako kaya natigil ako. Imbis na sa mukha niya lumanding ang kamao ko ay napasuntok ako sa sementong lupa.

"Urgh! Takte." paulit-ulit akong napapamura habang paulit-ulit rin ang pagsuntok hanggang sa dumugo na ang kamay ko.

Umiiyak ang gago. Ibig sabihin, nasasaktan din siya at mahal niya si Jade. Lalake ako at alam kong hindi kami basta-basta umiiyak sa mga bagay na hindi naman kawalan. Pero gulong-gulo ako. Shit.

I Can't Tell You "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon