You Belong With Me [Chapter 40.2: Double Date?]

1.4K 21 6
                                    

Sabine's POV

"Wag niyong kakalimutan yung mga linya niyo. May practice tayo bukas. Lahat ng main characters kailangan kabisado na yung linya. Magpraktis kayo sa harapan ng salamin para makita niyo kung mukha ba kayong natatae."

Ang taray talaga nitong si Lia. 

Kanina pa tapos yung klase namin pero nagkaroon kami ng 30 minutes meeting. Araw-araw ay may meeting kami. Meeting kami ng meeting.

"Sab, tara na?"

"Okay"

Sabay kaming lumabas ni Cyrus. Hindi ko talaga mapigilang hindi kiligin. Ganito kami noon eh. Hay kay sarap talaga ng feeling. Akin na ulit ang dating akin.

"Hoy Cyrus! Siguraduhin mo lang na ngayon mo sasabihin kay Nadine ah. Wag mo nang ipagpabukas! Kapag nagmakaawa sayo eh tumingin ka sa malayo para di mo makita yung mukha niya. Lagot ka talaga sa akin kapag nagpaloko ka na naman!"

Tapos tinawanan ba naman ako.

"Anong nakakatawa?"

"Opo, Mommy."

"Tss"

Tapos naghiwalay na rin kami kasi nasa magkaibang lugar yung mga locker namin. Nung nakarating na ako sa locker ko may nakita akong letter.

"Ang baduy naman nito..."

Joke. Syempre kinikilig ako. Sana lang eh love letter ito...paano kung....HATE LETTER pala?

Manang,

Sorry kung di ako makakasabay sa inyo. Kakatayin na ako ni Coach kapag umabsent ako eh. Hihi.

Ingat u.

-Red Pogi

"Ang baduy talaga..." pero napa-smile ako.

Paminsan-minsan masaya din makatanggap ng sulat.

"Hoy ano yan?" bigla namang sumusulpot itong si Cyrus!

"Wala lang!"

"Love letter ba yan? Kanino galing? Kay Red?"

"Hindi ito love letter! Letter lang!"

"Eh bakit ka nakangiti?"

"Hindi kaya! Wag ka ngang epal!"

Ni-lock ko na yung locker ko tapos nauna nang maglakad. Kakainis naman. Ewan ko ba kung bakit ako naiinis?

Tapos naramdaman ko na lang na inakbayan niya ako kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Manyakis"

"Manyakis pala ako ah?"

Tapos bigla niyang inipit yung ulo ko sa mga braso niya.

"Ano ba yan Cy~ Hindi ako makahinga!"

Masyado kang malapit! Ano ba yan! Ramdam na ramdam ko sa ulo ko yung hininga niya. Kakainis.

"CYRUS!!!"

Tapos kiniliti niya pa ako. Nakakahiya na! Gumagawa kami ng eksena dito.

"Ahahahahaha. Tigilan mo na please? Ayoko na. Hahahaha"

"Ayoko."

Kinulit niya lang ako ng kinulit tapos bigla kaming napatigil.

"Nadine..."

Napatingin ako kay Cyrus.

Lumapit si Nadine kay Cyrus.

"Can we talk?"

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon