Divider <3 (one-shot) :))

27 0 0
                                    

Divider

"hello." 

malakas kong basa mula sa inilusot na papel.

"hoy Liel! Ano yan ha?" nagulat ako sa presensya ng bestfriend kong si Rain. Kala ko naman kung sino na. Phew. -___-

"Ewan? Galing sa kabila. Nilusot dito sa divider."

Sabi ko sabay kibit balikat.

Ang totoo nyan, nagkaklase kami ng araw na 'yun. Napaka init, tapos math pa. Malamang, hindi na naman ako nakikinig. Madalas nyan, pakahig kahig ako ng ballpen ko sa likod ng notebook ko. -_-

At ayun nga. Pagkasabi ko nun, inagaw na sakin ni Rain yung Papel. Kurimaw na 'to. =^=

"ayeee. Baka gusto ka nya Gaga!" natawa naman ako sa sinabi nya.

"HAHAHA. ako ? E pano kung babae yan ? Wala lang magawa yan." sabi ko ng pasimple. Medyo tinitingnan na kasi kami ni Ma'am. Kaya ayun, nagkunwari akong nakikinig. Magkadikit na magkadikit pa ang mga ngipin ko habang sinasabi ko yun kay Rain.

"tara! Replyan natin!" sabi nya ng ngiting ngiti.

"hoy. Hoy. Hoy. Hoy! Mamaya isipin nyan may interes tayo sa kanya. Tsaka mahuli pa tayo ni ma'am eh!" Kinuha ko rin yung ballpen nya para sure. Alam ko namang hindi makikinig to e. Kaya lang, nasa desk ko rin naman pala yung ballpen ko. .kaya ayun, useless naman yung ginawa ko. >_< epic!

"yan..." tapos dumukwang sya sa lamesa ko at bago ko pa nahawakan yung braso nya ...

"ayun! May humila!" tapos umayos na sya ng upo.

"kinabahan ako sayo! Mabuti nakatalikod si Ma'am. Takte oh. Tama na yan!" sabi ko ng strikto. Para convincing. >:'D

"eto naman! KJ! Nag Hi lang ako dun! Ayee." at pinalo na naman ako. Tsk.

Tapos ayun, natapos ang math ng wala na naman akong naintindihan, nangulelat sa seatwork, at zero recitation. =_=

Next subject,

hindi na nagreply yung kasulatan ni Rain. Etong babaeng to, first year na first year pumapatol sa mga fourthyear. E ang balita ko, damuho ang mga fourthyear na yan. Tsk.

"Besi!" palo sakin ni rain.

Hindi ko pinansin. -_-

"huy besi!"

dedma pa rin. =_=

"Liel!"

ay bwiset! Kinuha si keroppi my loves ! T^T

"hoy! Akin na yan Rain! Bakit mo tinanggal yan sa bag ko? Amina!"  

sabi ko habang inaagaw sa kanya yung palawit kong keroppi.

"Makinig ka muna sakin kasi Besi! Para bigay ko to sayong palaka mo na to!" 

tsk. Di yan basta palaka no! Si keroppi yan!

"Oo na! Oo na! Ano ba yun ?"

"kasi, type ka daw ni kuya sa katapat mong divider! Ayeee." aw, ako ? O_O

"nye ? Pano naman yun? Nakikita nya ba ko? Naniniwala ka naman dun. Joke lang yan!" 

sabi ko sabay agaw kay kero at nagsimula ng ikabit sa bag ko. :)))

"totoo. Ang ganda mo nga daw besi!" tapos ayun, nauna pa syang kiligin kesa sakin. =_=

kaya lang ...

"Ms. Buenaventura and Ms. Carvajal. Ishare nyo naman samin yang business nyo dyan .."  

narinig naming sabi ni Ma'am Aljero.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Divider &lt;3 (one-shot) :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon