"Beb tinitignan ka niya oh," nginuso ni Kakay yung direksyon ng table nila Flynn. Jusko lumingon din naman ang lola niyo. Aba nakatingin nga. Habang nahigop sa straw ng drink niya.
Umirap naman daw ako. Nagmamataray effect lang. Nakita niya akong nakatingin e. HAHAHA. So kunyare di ako interesado sa kanya.
"Are you still all nuts about it?" patampong niflip ni Isko yung burger patty na nasa plate niya. Andito nga pala kame sa cafeteria if I haven't mentioned. Lunch break.
"I'm really sure na siya kase yon," sagot ko sa kanila. "I mean, who else can it be? Jusko wag na tayong maglaro ng tanga-tangahan mga dre. HAHAHA." Sabay cross arms.
Nagsmirk lang naman si Isko habang mahinhing tumatawa si Kakay. Litse kayo. Kung bat ba naman ako lang ang normal sameng tatlo. Sana man lang may isang mejo sibilisado para naman hinde ako out of place sa dalawang to. HAHAHA.
"'Te, here he comes," madaling kalabit ni Kakay sa braso ko. Lumingon naman daw ako agad sa direksyon ni Flynn at nakita nga na papalapit siya samen dala ang tray niya.
Tumaas kilay ko.
Jusko ang hirap magtaraytarayan sa crush mo ha. HAHAHA.
"Uhm, is this seat taken?" mejo pa-cool na tanong niya.
"May nakikita ka ba? Wala naman diba?" mataray ko bang singhal sa kanya. Best actress shet. Umiling naman siyang natatawa. "So ano sa tingin mo?"
"Wala." sabay upo niya sa seat sa pagitan namen ni Kakay. Pinandilatan naman siya ni Kakay ng isang kahindik hindik na ayakong-may-katabing-tanga look kaya napalipat siya don sa tabi ni Isko.
"Bat ka pa lumipat dito e may upuan ka naman don." -ako
"Sabe kase nila e follow your dreams daw," sagot ni Isko ng walang lingon lingon saken.
Nagtaka naman daw ako. "Konek non?"
"Kaya ayon, sinundan kita dito. Follow your dreams daw e." sabay subo niya sa pagkaen niya.
Mejo matagal bago nagsink in saken yung gusto niya iparating. "Aaaaaaaah." nalang ang nasabe ko.
Tumayo naman bigla si Isko. Problema neto?
"Pero hinde lahat ng pangarap na sinusundan, nabibigyan ng katuparan. Yung iba, nabibigo. Tapos naghahanap ng ibang papangarapin," sabay walk out ni Isko. Jusko sinasapian ba to? HAHAHAHA. Bat napalilibutan ako ng mga corny ngayon?
Nang makaalis na si Isko e bigla naman na ding tumayo si Flynn. "Pero mas maganda pa ding subukan mong abutin yung pangarap mo diba?"
"Ha?" -AKO
"Gala tayo ha? Sa sabado. 10 am kitakits nalang sa mall." sabay tuluyan na siyang umalis. "Ciao."
Ano ba tong nangyayare? Ang weird ng mga tao ngayon. Laganap na talaga tong epidemyang to. Leche. Hahaha. Sana naman may magpaintindi saken kung ano tong mga kaganapan nato no?
Biglang tumayo na rin si Kakay na dala dala ung tray niya. Pati siya? UTANG NA LOOB.
"Oh? Ikaw din tatayo? Tas ano, magsasalita ng kung anong kaweirdohan tapos magwowalkout ka din? Katulad nung dalawang bugok na yon? Ano? ANO? EDI GO! Gayahin mo na din sila! Magwalk out ka na!" sigaw ko sa kanya.
*PAK*
"ARAY! BAT MO KO BINATUKAN HAYUP KA" bulyaw ko habang hinihimas himas yung parteng binatukan niya. Peste to.
"TANGA! KUKUHA LANG AKONG EXTRA RICE TAS KUNG ANU-ANONG PAGDADRAMA MO JAN!" bulyaw din namang pabalik ni Kakay saken. "Nakakuha ka lang ng date sa sabado ganyan ka na! BABALIK AKO! EXTRA RICE LANG! BABALIK AKO!"
Saka siya naglakad palayo papunta sa pila. "Bilisan mo!" pahabol kong sigaw nang lingunin ko siya don sa pila. SAbay binaling ko ule ang tingin ko sa pagkaen ko.
Teka, ano?
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko yung huling sinabe ni Kakay maliban sa extra rice. Napabalikwas ako ule sa direksyon niya don sa pila.
"ANO? DATE?"