WHAT IS LOVE? [one~shot]

1.3K 49 42
                                    

 PART 1

Dear Love Diary,

                            What is love? It is a big illusion that can kill one’s ambition!

Aubade’s POV

Tapos na kong magsulat ng phrase sa What is love diary ko. Panibagong araw na naman ang natapos, at panibagong meaning na naman ng love ang nalaman ko. Paano? Ganito ikukwento ko…

Flashback…

“Jedi, bakit ba kanina ka pa hilot ng hilot diyan sa sintido mo? Tapos tinanong ka ng History teacher natin hindi ka nakasagot, first time ata  mangyari  yun para sa top 1 ng klase na tulad mo?” tanong ko nang matapos na ang klase namin.

“Oo nga Jedi, nunyare?” segunda ni Vellice.

Mugto ang mga matang humarap siya sa min….

“Kasi…*hik* kasi… *hik*--“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla na naman siyang umiyak.

“Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?” tanong ko uli.

Dahan-dahan niyang pinunasan ang luha niya bago humarap uli samin, sinigurado niya pang kami lang ang naiwan na mga tao sa room.

“B-Buntis ako…”

BOOOOOOOOOOOOOOONNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya… Top 1 ng klase, graduating… tapos… BUNTIS!

“Jedi, bakit niyo ginawa yan ng maaga?” tanong ko ng may halong inis.

“Eh mahal ko talaga siya eh! kaya ayun.” umiiyak na naman na paliwanag ni Jedi.

“Oo yun na nga pero mali, kasi… ano bata pa kayo  tapos, ang mga pangarap mo…” ayoko ng ituloy pa.

“Sira na ang mga pangarap mo.” Saad ni Vellice.

End of flashback.

At yun nga ang nangyari kaya nasulat ko yan, tama naman ako diba? Nagmahal gumuho ang pangarap!

PART 2:

Aubade’s POV

Maaga akong pumasok ng school kinabukasan, hindi pa ko tapos sa Math assignment di ko na alam ang sagot eh magpapaturo muna ako kay Vellice.

Pagpasok ko ng room…

“Bass, paturo naman!”

“Bass, ano bang sagot dito sa number 3? Di ko talaga alam eh.”

“Bass, pakopya na lahat mabait ka naman eh!”

-_- Bass Bass Bass, parang tunog lang ng buzzer ang pangalan niya. Tapos puro babae pa nagpapaturo sa kanya tapos parang tuwang-tuwa pa siya. Naku!

Tapos napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya naman tumayo siya at lumapit sa kin.

“Goodmorning Aubade!” bati niya sa kin.

“Good morning your face!” tapos nilagpasan ko na siya. Bakit ba ang daming patay na patay sa kanya? Matalino lang naman siya sa Math, sa Science, sa History o sige sa lahat na! Oo may itsura pero yun lang yun.

Lunch time…

Ayan na naman may nakikita na naman akong masakit sa mata. Ang dami na namang umaaligid kay Bass.

“Bass, ano bang gagawin ko para mahalin mo ko?”

“Bass magpapakatalino rin ako sa Math at sa ibang subjects magustuhan mo lang ako!”

WHAT IS LOVE? [one~shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon