Annyeonghaseyo Chingu's . Ginawa ko itong One Shot na to dahil sa mga kaibigan kong nag-laan ng oras para sa'kin . Sinusuklian ko ito gamit ang pag sulat o gawa ng isang istorya . Sana magustuhan niyo ito . Pasensya na kung may mga wrong grammar or mali ang pagkaspell . Di naman ako perpekto diba ? So Happy Reading ...
Again . Happy Reading ...
---
Unang pasok ko ngayon sa aking bagong paaralan , bagong kaklase at bagong buhay . Di ko nga alam kung bakit nabuhay pa ako eh , akala ko sa araw na yun mamamatay na ako .
Di ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha , siguro naaalala ko lang yung bestfriend ko na namatay ng dahil sa'kin .
- FLASHBACK -
"Tulong !!!" Sigaw ko habang binubuhat si Jean , di ko na kayang buhatin siya dahil masakit din ang aking mga hita pagkatapos kaming gahasain ng mga lalaking iyon .
"G-gail" tawag sa'kin ni Jean
"Shh , wag ka munang magsalita Jean , wag mo ring ipikit ang iyong mga mata ha ? Makakaligtas tayo dito best . Gagawa ako ng paraan" Tugon ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang kaliwang pisngi .
"Nasan na kayo ??!! Lumabas kayo , kundi papatayin namin ang mga magulang niyo ?!!" Nabigla ako sa sigaw nung kumidnap sa amin . Natatakot na ako , pagtingin ko kay Jean nakapikit na ang kanyang mga mata . Di ko to matatanggap , umaagos na ang aking mga luha , iniwan ko na lang ang bangkay ni Jean at humingi ako ng tulong sa mga nakakita sa'kin . Bigla akong nakampante dahil ligtas na ako , ngunit paano na si Jean ?
- END OF FLASHBACK -
Di ko namalayan na nasa paaralan na pala ako , marami nanamang tao , di ko kayang tumingin sa mga taong kasama ang kanilang mga kaibigan . Nagiging mahina nanaman ako , mabilis na tumulo ang mga traydor kong luha . Di ko na kinaya pa kaya pumasok na ako sa aking silid-aralan , umupo ako sa may bakanteng upuan .
Dahil sa kaba , inikot ko ang aking paningin upang makita ang aking mga bagong kaklase . Ngunit sa aking paglingon may nakita akong tao na napakahalaga sakin , nakamasid lamang siya sa'kin . Di ko na napigilian ang aking emosyon kaya pinuntahan ko siya at sa aking paglapit ...Bigla siyang naglaho ...
Pinagtatawan ako ng aking mga kaklase dahil nababaliw na raw ako , di ko na napigilang umiyak . Miss na miss ko na siya , gusto ko ng makasama ulit ang bestfriend ko .
Hanggang sa natapos ang aming klase di pa rin nawawala sa isip ko si Jean . Marami akong tanong na nagpapakabagabag sa aking isipan .
Ng dahil sa nangyari kay Jean , kinamumuhian na ako ng kaniyang mga magulang , tama nga naman sila . Ang Duwag ko , ang hina ko , sumusuko agad ako , wala akong tiwala sa aking sarili at di ko binibigyang halaga ang meron ako .
Sa aming dalawa ni Jean , ako ang pinaka masama at ng dahil sa akin humatong sa ganito ...
- FLASHBACK -
Habang nag-aayos si Jean ng kaniyang mga gamit , nilapitan ko siya at niyayang mag beach malapit sa aming paaralan . Di siya pumayag ngunit pinilit ko talaga siya dahil may pinaplano ako laban sa kanya .
Nung pumayag na siya , pumunta na kami sa may dagat at tinalian ang kaniyang mga kamay , nilagyan ko ng blindfold ang kanya mata at panyo sa kanyang bibig . Di ko alam kung bakit ko sinunod ang utos ng aking mga magulang , kaya nakaramdam ako ng awa kay Jean .
Di ko ginusto ang nangyari , ginahasa siya ng kaibigan ng aking ama at ang hindi ko alam , ipinamimigay pala ako ng aking itay sa kaniyang mga barkada kaya nagahasa rin ako .
Sising sisi ako sa aking pagkakamali , upang makabawi kay Jean humanap ako ng paraan at tumakas kami . Habang abala sila sa paglalaro ng baraha unti unti kaming tumakas ni Jean .
Pero hindi ko alam na nasundan pala nila kami , tumago kami sa likuran ng puno ng mangga at pinapatahan si Jean sa pag-iyak , humihingi ako sa kanya ng patawad at pinatawad niya ako agad agad .
Di ko man lang lubos na na-isip na ang bait bait ni Jean sa akin kahit may ginawa akong masama sa kanya , di niya ito deserve kaya pinagsisisihan ko ang mga ginawa kong aksyon .
- END OF FLASHBACK -
Habang pauwi ako humahagulhol na ako sa iyak , pinag-uusapan ako ng mga taong may nakakakita sakin , akala siguro nila na nag break kami ng boyfriend ko kaya umiiyak ako ng ganito .
Pumunta ako sa may parke . Iniisip kung paano sumunod sa bestfriend ko , di ko na kaya eh , kinokonsensya na ako . Sana di ko nalang sinunod ang utos ng aking mga magulang , pero di ko kaya eh dahil mas mahal ko sila dahil sa panahong naging masakitin at malungkot ako sila ang nag aruga sa akin , ngunit di ko alam na gagawin nila yun sa bestfriend ko .
Dahil sa aking pagmumuni-muni biglang nasagi ng aking mga mata ang isang rebulto ng isang babae na kamukha ni Jean , nakatingin sa'kin at unti-unting lumalapit dahil sa aking kaba napatakbo ako at d ko na namalayan na nakatawid na ako sa may kalsada .
Ngunit sa aking huling paglingon ...
" Gaaaaaaaaaaaaaaaaaaail !!"
*Prrrrrttt* *Crash*
Nakahandusay na ako sa kalsada habang nakatingin sa aking inaasam-asam na makikita .
" Gail ! Wag kang pumikit please ?" Naiiyak niyang sabi .
" I L-l-love y-you J-Jean " sabi ko sa kanya habang hinahaplos haplos ang kaniyang pisngi .
" Pleaaaaaase G-gaaaaail , Wag m-mokong iwaaaaaan !!!"
Di ko na nakayanan pa at biglang dumilim ang aking mga paningin .
Jean's POV
Tatlong buwan na ang lumipas simula nung pumanaw si Gail . Bakit ngayon pa ? Bakit kung saang maayos na ang kalagayan ko dun pa nawala ang sobrang malapit kong kaibigan ?
Simula noong pagkabata , siya nagpapatahan sa'kin kung nag-aaway ang mga magulang ko , Siya ang nagbibigay saya sa malungkot kong buhay , Siya ang nanglilibre sa'king ng meryenda , Siya ang nagbibigay payo sa mga dinaranas kong problema , Siya ang nagligtas sa'kin ng gabing yun at higit sa lahat siya lang nagmamahal sa'kin na kahit ang mga magulang ko hindi iyon naibigay .
Parati silang abala sa aming kumpanya , kaya kapag nalulungkot ako sa kanya ako lumalapit . Di ko man lang naramdaman na minahal nila ako , sa gabing nagahasa ako dun lang nila nalaman na anak nila ako . Haha ang saklap nuh ? Diyan lang nila pinaramdam na anak ka nila kapag may nangyaring masama sayo .
Sa gabing iyon , kahit pinagpalit ako ni Gail sa mga magulang niya mahal na mahal ko pa rin siya , tinuturing ko siyang Big'Sis ko . Kaya kahit anong mangyari sa gabing ito , sana maging masaya si Gail dahil ayaw ko siyang maging malungkot . Kaya di nalang ako pumiglas ng simula nila akong gahasain , ngunit nung nalaman kong nagahasa rin si Gail . Di ko na alam ang gagawin , kahit ako nalang ang saktan at patayin nila wag lang siya , ayokong may mangyaring masama sa bestfriend ko ...
Habang naglalabas ako ng aking emosyon biglang lumakas ang ihip ng hangin . Nagpaparamdam si Gail .
"Kung san ka man ngayon Gail ! Wag mo akong kalimutan ha ? Mahal na mahal kita Bestfriend !! Wag kang mag-alala malapit na tayong magkasama riyan sa langit . Hintayin mo ako huh ?"
Sobrang lakas na ng hangin , naaninag ko ang kaluluwa ni Gail na kumakaway sa'kin . Ginantihan ko rin siya ng kaway , palapit siya ng palapit sa'kin , hinawakan niya ang aking kaliwang kamay .
Sa puntong iyon pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan siya kung saan niya ako dadalhin . Sa aking paghakbang ...
"I Love you Best ..."
Bigla kong binuksan ang aking mga mata at sa aking paglingon may papalit na trak sa'kin . Napangiti na lamang ako at hinintay na sunduin ako ng aking BESTFRIEND ...
The End .
------------
So Ayuuuuuuun ... Sana Nagustuhan niyo :D Salamat pala sa mga sumusuporta sa'kin sana di kayo magsawang mag comment , vote at ifollow ako :) Salamaaaat Guys :*
NEXT ONE SHOT ? COMMENT NOW !
- Josh / Zyke / Dave
BINABASA MO ANG
Bestfriend (One Shot)
Teen FictionNagkamali ng Desisyon Na trauma ng dahil sa nangyari Hindi kayang mabuhay kung wala ang kanyang .... BESTFRIEND .