Bakit hindi ako pwedeng maging maganda?"
Ang palaging tanong ng mga babae. Una sa lahat,
ang lahat ng babae ay maganda.
Magkakaiba ng itsura pero lahat ay maganda.
Bakit nga ba nasasabi ng isang babae na "hindi siya maganda"?
Una, naiintmidate siya. Hindi niya tanggap ang sarili nyang ganda
dahil palagi niyang kinukumpara ang sarili niya sa iba.
Iniisip niya lagi na mas angat ang iba kesa sa kanya.
Iniisip nya na balewala lang siya. Dahil minsan hindi siya napapansin.
Sa social networking sites ngayon, nadadaan ang pagpapakita
ng pag hanga sa itsura ng isang babae sa pag like ng kanyang picture.
Kung mas marami ang like ng isang babae kaysa sa kanya iisipin
nya na mas maganda ang babaeng iyon kaysa sa kanya.
Pangalawa, she experienced rejection. Kung mayroon siyang tao na gusto
at hindi siya gusto neto, iisipin niya na may kulang sa kanya. Iisipin niya
na di siya maganda, mataba, maitim o kahit anong kapintasan ang makikita sa kanya.
Ngunit ang totoo, pinapakita lang neto na kaya di siya nagustuhan
ng taong gusto niya ay dahil hindi tanggap ng lalaki kung sino siya.
She needs to know na she doesn't deserve a guy who can't appreciate her beauty.
Pangatlo, mababa ang kanya self esteem. Kagaya nung una hindi niya tanggap
ang sarili niya. Dahil siguro may mga taong pilit siyang binababa.
May mga taong sadyang mapanghusga. Maaaring masyado niyang
dinaramdam ang mga kumento na naririnig nya galing sa kapwa niya.
Masyado siyang naniniwala sa mga tao sa paligid niya, kaya ang tingin
niya na rin sa sarili nya ay hindi maganda.
We need to remember girls na lahat tayo ay maganda.
And if binigyan ka ni GOD ng ganda na mas higit pa sa iba,
hindi mo dapat ito ipagmayabang sa iba.
Dahil ang sabi nga nila,
"simplicity is beauty".