.

142 1 0
                                    

Salitang sadyang napakahalaga
Sa iyo, sa akin at kanino man
Bata man o matanda
Ito ay pinahahalagahan

Salitang pagmamay ari natin
Araw-araw na dapat linangin
Mapunta man sa ibang bansa
O dito sa ating bayang pinagpala

Sinakop man ng mga Kastila
Ngunit tayo'y nagkaisa
Para sa ating karapatan
Wika ay napagkasunduan

Wikang ating kinagisnan
Na ating ginagamit sa talastasan
Pinagtibay ni Gat Aguinaldo
Para sa ating mga Pilipino

wika   .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon