AN.. Bawal ang demanding... google translate lang ang gamit ko sa ibang spanish words dito!!! hahahaha!.. Hindi ako marunong mag-espanyol.. kaya kung mayroon ditong reader na gustong magtranslate ng matino, feel free to let me know.
Maikli lang to... Kamote ako sa POV ni juaquin.l ang hirap ng malalim na tagalog!
Chapter 4
Juaquin
"Saan ka na naman patutungo Juaquin? Sa may talon na naman ba?" Maghahating gabi na ng palabas ako ng masyon. Buong akala ko ay mahimbing nang natutulog ang mga kasama ko sa bahay. Nilingon ko ang aking ina.
"Magpapahangin lang mama."
"Maaari kang magpahangin ng hindi dis-oras ng gabi." Lumapit sa akin si mama at tinignan ako ng puno ng sympatya. " Naalala mo na naman ba sya?"
Paanong matatanggal ko sa aking isipan ang babaeng pinakamamahal ko kung sya palagi ang lamang ng isip ko? Mag-iisang buwan na ang nakalipas noong binawi sa akin si Katrina ng mahiwagang buwan at halos araw-araw ay dinadalaw ko ang talon. Nagbabakasakaling muling magbalik si Katrina. Nauunawaan ko na ngayon ang kanyang ginagawa na para bang gusto palaging mag-makaawa sa buwan. Dahil ngayon ay kulang na lang na lumuhod ako at magmistulang baliw sa harap ng buwan upang makiusap na ibalik ang babaeng aking minamahal!
"Hindi kaya na nararapat lang na kalimutan mo na si Katrina?"
"Hindi ba ang mas nararapat ay makahanap tayo ng paraan upang maibalik sya sa ating piling? Alam kong minahal nyo na din sya na parang sarili ninyong anak, at nais nyo din syang maibalik. Ngayon pa ba tayo susuko?"
"Nauunawaan kita sa iyong layunin, Ngunit paano? Gustuhin man natin na sya ay maibalik, hindi abot ng ating kakayanan at pag-iisip kung paano natin ito maisasagawa! "
Napahawak ako ng mahigpit sa kaisa-isang bagay na naiwan ni Katrina. Naiwan nya noon ang tinatawag nyang cellphone. Isang bagay na kung hindi mo nalalaman na taga-hinaharap ang nag-mamay-ari, para itong bagay na pinatatakbo ng mahika. Nakakapagtaka nga lang dahil, sa lahat ng pagmamay-ari ni Katrina ay ito lamang ang naiwan. Maging ang iba nyang gamit na iniiwan sa kanyang silid ay nawala.
Umaandap-andap na naman ang ilaw ng cellphone ni Katrina. Tuwing buwang gasuklay at kabiligan ng buwan ito malakas na gumagana. Lumingon ako sa labas at natanaw ko ang buwan. 2 araw na lang at kabilugan na nito.
"Hindi ako makapapayag na maging isa na lamang syang ala-ala!"
"Anak.... Hindi din naman ako makapapayag na masira ang iyong kinabukasan at makulong ka na lang sa ganyang kalagayan! Hindi natin alam kung paano sya napadpad sa ating panahon. Umpisa pa lamang ay alam na natin na isa lamang syang dayuhan. " lumapit sya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking balikat. "Tanggapin mo na lang anak na wala na sya."
Huminga ako ng malalim. Tumango lang ako, ngunit labag sa aking kalooban ang nais mangyari ng aking ina. Hindi ko gustong nag-aalala sa akin ang aking mama. Marami na syang pinagdaanan at hindi ko gustong mapadagdag pa sa kanyang mga iniisip.
"Magpahinga na kayo mama. " pinisil nyang muli ang aking braso bago nya ako iwan at pumanhik sa kanyang silid. Alam nyang kahit na sabihan nya ako ay hindi naman nya ako mapipigilan na pumunta sa talon.
Pasado alas- dose na ng gabi ay hindi pa din ako bumabalik sa mansyon. Tumingala ako sa maliwanag at napakalaking buwan.
"Anong kapangyarihan ang iyong taglay upang mapagbago ang kapalaran ng aming buhay? Ano ang iyong karapatan upang aking makilala ang tanging babaeng aking minahal, ngunit pagkatapos noon ay iyo din syang babawiin?!"
Dahil sa labis na pagkabigo, nais ko nang isigaw lahat ng galit ko!
"Anong laban namin sa iyo! Kahit na kaunting bagay ng iyong kakayahan ay wala kaming nalalaman! Maaari ba akong lumuhog? Makiusap? Ano ang iyong nais upang maibalik sa aking piling si Katrina?!"
"Usted realmente parece a un tonto" (You really look like a fool.) Napalingon ako sa taong nagsalita.
"Naligaw ka Nicolas."
"Tinitignan ko lamang kung totoo nga ang sinabi ng mga tauhan natin na nababaliw ka na daw simula ng mawala si Katrina."
"Kung ano man ang aking ginagawa, ay wala ka ng pakialam doon." pangisi-ngisi syang naupo sa aking tabi.
"Hindi kita masisisi sa iyong mga ikinikilos. Kung ako man ay lubos ang aking pagkamangha sa mga pangyayari." Tumingin din si Nicolas sa Buwan. "Nalalaman kong may mga inililihim si Katrina noong una ko pa lang syang makita. Kakaiba ang kanyang kilos. Nakarating na ako sa lugar ng mga banyaga, sa ibat't ibang bansa, ngunit wala ni isa man akong nakita na katulad ni Katrina. " huminga sya ng malalim at tiningnan ko sya ng pailalim.
"Sa tono ng iyong pananalita ay mukhang may totoong pagtingin ka kay Katrina? Ng aking ipnakala ay nais mo lang akong galitin"
Natawa sya sa aking sinabi."Iyon naman talaga ang aking nais, ngunit sinong lalake ang hindi hahanga kay Katrina? Bukod sa napakagada, matapang, ngunit taglay ang kabutihang loob. Sa sinamaang palad, mukhang ni isa sa ating dalawa ay hindi nya makakatuluyan."
"Hahanap ako ng paraan?"
"At anong mahika ang iyong gagamitin? " tinignan nya ako ng may pangungutya. "Nauunawaan mo na ba ang kapangyarihan ng buwan?"
Nagkataon naman na parang may mahinang hangin na umihip at biglang nagbukas ang cellphone na hawak ko. Nakita ito ni Nicolas.
"Anong uri ng kababalaghan iyan?"
"Isa ito sa mga naiwang gamit ni Katrina. Ayon sa kanyang mga kwento ay isa sa mga gamit nya ang naging sanhi ng paglalakbay sa ating panahon. Kabilang na din ang lugar na ito. At higit sa lahat ay ang mahiwagang buwan. "
"Kaya ba palagi kang pumupunta sa lugar na ito?"
Hindi ko na sinagot ang kanyang katanungan. Alam ko naman na nauunawanan nya ang aking mga sinasabi. Tumayo na sya.
" Tanggapin mo na lang na hindi na sya babalik kahit kailan. Marami pa tayong dapat gawin, ngayong nalalapit na ang pag-aaklas. Kakailangan namin ang iyong tulong at nararapat lang na nakatuon tayo sa ating mga plano."
Hinawakan nya ang aking balikat upang magpahiwatig ng pagpapaalam.
"Magtitipon-tipon ang kilusan sa ating dating tagpuan sa susunod na gabi, sa kabilugan ng buwan. Inaasahan kong maayos na ang iyong pag-iisip. "
Hindi ko tinugon ang kanyang sinabi. Ngunit tama sya. Sa nakalipas na araw ay walang ibang laman ang aking isipan kundi si Katrina. Walang kagiyakan kung maaari pa syang makabalik. May pananagutan ako sa aking pamilya at sa aking bayan.
"Sisikapin ko." Tumango sya at tuluyan ng lumisan.
Tinignan ko ang mas lalong nabuhay na cellphone ni Katrina. Sa harapan nito ay naroon ang larawan naming dalawa. Naalala ko na minsan nya itong ginamit atnagulat na lang ako nang makita ko ang aming sarili sa maliit na gamit na ito.
"Kailngan na ba kitang limutin Katrina?"
Humangin na naman at parang mas malakas ito. Naramdaman ko ang taglay na enerhiya na u iikot sa paligid? Tumingala sa ako buwan.
"Maibabalik mo ba si Katrina?"