HULING SAYAW

23 2 1
                                    

HULING SAYAW
-Gerard Allen Wayne L. Caron

May isang lalaki na mahilig sa music,basketball,at talented din. Si Wayne ay isang ,rich kid,masipag,masiyahin,makulit,minsan,malakas mang-asar,palaaway, at siyempre pogi.

Umagang umaga, tapat ng gate ng school ay may binubugbog ang mga estudyante

Classmate 1: ano ha?! Papalag ka pa?!?!
Classmate 2:ilabas mo tapang mo ngayon!!diba maangas ka?!?!
Classmate 3:papalag ka pa?!
Wayne:lagot kayo sakin!! (gigil na gigil)

Nang tumayo si Wayne, lumaban na siya. Habang nagkakagulo biglang may sumigaw na “aray”. Biglang nagtakbuhan ang mga gumulpi kay Wayne dahil may nasapak siyang babae.

Wayne:sorry miss, hindi ko sinasadya
Ielle: anong hindi sadya ha?!?!

Ielle nga pala, Isang magandang babae,mahilig din sa music,volleyball player,mabait,matalino,madaldal, at pala kaibigan. Anak din siya ng may ari ng school kung san sila Wayne nagaaral ngayon.

Wayne:hoy! Kilala mo ba kung sino ako?!?! At wala kang karapatan na sigawan ako ng ganyan!!!
Ielle:ikaw?!?! Kilala mo ba kausap ngayon?!?!

Nagtitinginan lahat ng estudyante kay Wayne, na parang maling tao yung nakaaway niya.

Wayne:bakit ha?!?! Sino ka ba?!?! (kinakabahan)
Ielle:ay sorry ah!! Ako lang naman ang anak ng may ari ng school na ito!!!
Wayne:ahh..a...a.....pasensya na hindi ko alam (nanginginig sa takot)
Ielle:see you in pricipal office!!

Pinatawag na si Wayne sa PRincipal Office

Principal:oh!? Ikaw nanaman?!?! Hindi ka ba nadadala?!?! Pang ilang beses mo na ito ah!
Wayne:oo ako nga bakit?!anong problema mo?! Hindi ka na nasanay!
Principal:ano ba nang yari at bakit galit na galit si Ielle??
Ielle:ito po kasi si Wayne sinapak ako sa mukha
Wayne:Hindi naman sadya yun eh!
Ielle:hindi ba sadya yun?!kitang kita naman!!
Principal:sige na para matapos na ito! Mag bati na kayo at pumunta na kayo sa classroom niyo.

Pagkalabas nila, tumakbo agad si Wayne papuntang classroom niya.

*kumatok sa pinto*
Wayne:Goodmorning Ma’am!
Teacher:oh?! Bumalik ka pa? Mas maganda nga doon ka nalang sa principal office eh! Antahimik ka yan.
Wayne:parang hindi ka naman sanay?!
Teacher:sige na umupo ka na sa upuan mo!

Pagkaupo niya may mga naririnig siyang nagbubulungan tungkol sa kanya.

Classmate 1:yan buti nga sa kanya, ang yabang yabang kasi!
Classmate 2:oo nga eh. Tama lang sa kanya yan!
Classmate 3:sana nga hindi na bumalik ng classroom yan eh
Classmate 4:sa dami dami nang sasapakin, anak pa ng may ari ng school ang sinaktan.

Biglang tumayo si Wayne at sumigaw

Wayne: HOY KAYO NGA KUNG MAGSASALITA KAYO SAKIN SABIHIN NIYO NG HARAPAN HINDI YUNG NAGPAPARINIG AT PINAGUUSAPAN NIYO PA AKO!!!!!
Teacher:umupo ka nga Wayne. Nakita mong naglelesson tayo diba?By the way class, may bago nga pala kayong classmate. Babae siya.

*may kumatok sa pinto*

Ielle:Goodmorning Ma’am! Nice to meet you all!
Wayne:i..iii....ikaw nanaman?!?!
Ielle:oo ako nga! Bakit anong problema mo?!?sinadya ko talaga na dito ako ilagay!!
Wayne:lumipat ka na oy!! Hindi ka namin kailangan dito!!
Teacher:magsi upo na nga kayo, Ielle doon ka umupo sa tapat ni Wayne.

Nang magrecess na. Agad na lumabas si Wayne at pumunta sa canteen. Pag katapos niya bumili ay bumalik siya sa classroom at nakitang nagiisa si Ielle.

Wayne:gusto mo ba? Sorry nga pala sa kanina ah. Hindi ko naman talaga sinadya yun eh.
Ielle:salamat. Sorry kung nasigawan kita kanina. Kalimutan na natin ung nang yari. Marunong ka ba mag-gitara?
Wayne:oo kalimutan na natin yun. Oo marunong ako mag gitara bakit? Gusto mo turuan kita? Ano ba ang instrument na kaya mong tugtugin?
Ielle:actually violin at flute marunong ako, marunong din ako kumanta..
Wayne:marunong ka kumanta?!?! Sige nga sample naman diyan. Bilis tutugtog ako ng gitara.
Ielle:kaya mo ba yung Thousand Years?
Wayne:oo naman! Dali dali lang niyan eh.(kinuha na yung gitara)
Ielle:wow! Ang ganda ng gitara mo! Game tugtog ka na. Kakanta na ako.
Wayne: 1 2 3...

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon