3. Basketball

72 4 0
                                    

Tiffany's POV

Second week of class na at ngayon ay friday. Sa wakas, wala ng klase bukas. Hay salamat, makakapag-beauty rest na ako. Joke.

Wala naman masyadong nangyari nitong mga nakaraang araw. Di na rin kami nagkikita ni Mr. Col-- este ni Drian pala. Sorry lang, nasanay kasi akong tinatawag siyang 'Mr. Cold Guy'

Papunta kami ngayon sa basketball court ng school namin. Kasama 'ko si Venice at ang dalawa 'kong bagong kaibigan na sina Lea at Bianca. Manonood kami ng practice ng basketball team ng school namin. Kasali kasi dun si Kevin Jay Lee. Yung crush 'ko, kyaaaa~ Varsity player kasi si Kevin ng basketball pero mas crush 'ko parin si Drian. Hihi. Ito namang tatlo kaya nandito kasi may titignan din sila.

Si Lea, titignan niya ang crush niyang si Kenneth at si Bianca naman ay nandito para panoorin si Kyle na boyfriend niya. Si Venice naman ay sumama rin dito kasi crush niya rin si Kevin. Gaya gaya talaga! 

Nagtataka ba kayo kung sino si Kyle at Kenneth? Silang dalawa ay parehong kasali sa basketball team. Varsity player din sila ng basketball gaya ni Kevin at silang tatlo ay magka-banda. 3K Band ang tawag sa banda nila.

Pagdating namin sa basketball court ay nakita namin na may try out pala sila. Ang try out nila ay kailangan kalabanin ng mga mag-t'try out sila Kevin at titignan ni Kevin kung sino sino ang magagaling sa mga nag-try out dahil siya ang Captain. Ang galing niya talaga!

Nag-simula na silang maglaro at cheer lang kami ng cheer sakanila. Syempre, kanya kanyang cheer kami. Ako at itong si Venice ang nag-chicheer kay Kevin.

Natapos na ang first five na nag-try out at yung susunod na lima nanaman.

Pumunta na sa gitna ng court ang mga susunod na mag-t'try out at nakita 'ko nanaman ang mukha ng walang hiya.. tsk

Sino pa ba kundi si Dexter.

Oo na. Aaminin 'ko nang may feelings parin ako sakanya. Pero konti nalang ang pagmamahal na nararamdaman 'ko sa lalaking yan dahil mas malaki ang galit na nararamdaman 'ko para sakanya.

Tumingin siya dito banda saamin at nakita 'ko siyang kumindat. Ayokong mag-assume pero feeling 'ko ay ako talaga yung kinindatan niya. 

Heh! Wag ka ngang assumera, Tiffany! Ba't ka naman kikindatan ng bwisit na yan? Tss

"Girls, tignan niyo oh!" sabi ni Lea at tinignan naman namin ang tinuturo niya

"Ang gwapo niya nu? Transferee ba yan? *o*" tanong ni Lea 

"Waaaa~ Artista ba siya? Ang gwapo niya! Transferee ata yan dito kasi ngayon 'ko lang yan nakita." sabi naman nitong si Bianca

"Tiff, diba yan yung si Mr. Cold Guy mo?" tanong ni Venice

Yea, tama kayo. Si Drian nga yung pinag-uusapan nila o sabihin nalang nating pinagpapantasyahan ng dalawang yan.

"Oo. Kanina pa ba siya dyan?" tanong 'ko

"Nope, bago lang siya. Kilala mo ba siya Tiff?" tanong ni Lea saakin

"Waaa. Bakit ang cold niya? Sayang ang kagwapuhan niya. Huhu" sabi ni Bianca

"Di 'ko din siya kilala eh" sagot 'ko

"Weh? Di daw kilala! Wag ka namang selfish Tiffany!" sabi ni Lea at nakita 'kong natawa si Venice

"Oo nga Tiff! Share share" sabat naman nitong si Venice

"Di 'ko nga kasi siya kilala. Ang alam 'ko lang, Drian ang pangalan niya." sagot 'ko

"Ah--" naputol ang sasabihin nila nang marinig naming pumito ang coach ng basketball team na nagkataong tatay pala ni Lea.

Nakita namin si Kyle na hawak hawak ang kanyang paa. Na-sprain siguro. Ito namang si Bianca, bilang girlfriend ay agad na pinuntahan ang boyfriend at sumama sa paghatid kay Kyle sa clinic. Yan kasi, may boyfriend na nga kumekerengkeng pa sa Mr. Cold Guy 'ko, joke. Haha!

Stop Acting Like You CareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon