Chapter 12 - ONE SIDED LOVE

10.6K 172 18
                                    

Chapter 12

[Bryan's POV]

Haay, nakakainis naman, kung kelan ako nagmamadali eh tsaka pa nagkalaglagan yung gamit ko, tss.

Mamaya naiinip na dun si Marj, tsk.

Pinulot ko na lang yung gamit ko na nalaglag dito sa CR, ang saya, kumalat talaga as in. Ang gulo pa naman ng gamit ko kaya sumabog yung laman nung nalaglag bag ko, tsk =___=

Nung nakuha ko na yung mga pinaka importante eh tumakbo na ako palabas, hayaan na yung ibang hindi na kailangan. Mamaya pektusan na naman ako ni Marjorie eh, pero oks lang ^___^v

Hingal na hingal ako pabalik dito sa main game room kung saan kami nagpractice pero pagdating ko eh wala ng tao dun.

Oo wala na talagang tao kanina pa, pero pati sila Marjorie eh wala na dito?

Hala? Asan na yun? Naiinip kaya yun at umuwi na?

Kinuha ko yung phone ko pero wala naman syang message. Hindi kaya may kinuha lang sa locker? O sa room? O sa TTC?

Pinuntahan ko sya dyan sa mga lugar na sinabi ko, pero kahit anino nya wala.  Bumalik na ulit ako sa main game room pero wala din sya dun. Asan na yun?

Umupo na lang ako sa sahig at kinuha ko yung phone ko, wala pa din syang text. Tss, intayin ko sya dito. Baka mamaya kung saan lang eh may dinaanan sya kaya sya wala dito.

Nakalipas na 30 minutes eh wala pa ding text man lang. Pero kasi kung aalis ako dito baka naman bumalik sya diba? Nagtext na naman ako sa kanya at tinanong ko kung nasaan sya. Pero hindi pa nag-rereply.

Sinandal ko na lang yun ulo ko sa pader at pumikit ako. Nakakapagod naman =____=

[Marjorie's POV]

 

Mukha akong baliw habang naglalakad. Nakangiti at tulaley. Wahahaha, eh masisisi nyo ba ko? Kayo kaya dito sa pwesto ko? Gusto nyo? Bleh, hindi pwede, hahahaha :P

Okay, adik mode on. ^__^v

Ang lamig talaga lalo pa't humangin, mahina na yung ulan pero sobrang lamig pa din nung hangin.

Bago ako pumasok sa bahay eh nagbuntong hininga muna ako at pinilit kong palitan ng poker face yung happy face ko.

Sigurado kasi akong nandito sa sala si Macey, nanonood yan ng cartoons dahil nga sabado ngayon kaya walang klase. Eh kahit naman napakasungit nyang kapatid ko eh close pa din kami at siguradong kukulitin ako nyan kung bakit masaya ako. Minsan nga nabubwusit na ko eh, tanong ng tanong ng mga pangyayari. Gusto yata malaman lahat ng nangyayari sa akin, ultimo paghinga at pagdighay ko eh gusto malaman. Ang weird ng kapatid ko noh? Buti ako hindi, hehehe.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon