Chapter 27

362 13 9
                                    

"Stuck daw sa traffic yung flowers ng entourage dahil sa banggaan," narinig kong sabi ng isa sa mga organizers ni Janah ng wedding.

Late ang make-up artist sa schedule because of the same thing, which is traffic, dahil nga sa banggaan kaya ako na lang ang nag-makeup sa sarili ko. Kahit kasi 4pm pa ang kasal, before that, may pictorials pa with the photographers at may sinusunod na schedule yun.

"Oh my God ano ba yan," mahinang bulong ni Janah as a reaction to what was happening. I wasn't meant to hear her reaction.

"Where are they now?" I asked.

"Don't stress about it," sabi ni Justine na part ng entourage helping me with literally my wedding stuff, veil, cord, etc.

"I was just asking," sabi ko lang. Gusto ko lang naman talagang malaman kung anong nangyayari.

"Oh my God!" Janah quickly exclaimed while reading a text. She realized napalakas ang pag-react nya kaya mabilis nyang tinakpan ang bibig.

"What?" tanong ko agad.

She realized she had to answer me. "Your cake toppled over while they were filming it," she honestly shared. "We'll have it replaced asap," she assured me.

I appreciated the fact that she was keeping me in the loop as what we discussed pero mas maganda nga sigurong hindi ko alam ang mga nangyayari dahil mas nakaka-stress pala talaga.

Janah made phone calls and then after she told me, "More people are on there. They're cleaning the area and are working on a replacement cake. It will be a better one. Don't you worry. By the time you're saying I dos okay na yun."

She received another call. Lumayo sya ng kaunti.

I looked at myself in the mirror. Excited na 'ko to wed Jake! I will be a married woman soon! And to the best guy ever! Marami lang aberya pero I know everything will turn out great.

I received a call. It was mama. Earlier, we were all getting ready pero nung nag-lunch sila ni papa at ng ilang mga kamag-anak namin, hindi na sila nakabalik.

"Anak we're just here sa clinic down the road. Don't stress ha? Okay lang bang yung pictures natin as a family eh yun na lang na kukunin sa church?" sabi agad ni mama.

"Bakit ma? What happened?" tanong ko suddenly worried. Bakit sila nasa clinic?

"Wala naman. Nahilo lang ang papa mo. We'll make it naman siguro. Wala namang problema. Maaga kasing nagising ang papa mo at hindi pa halos nakakain. Wala raw syang gana. Kinakabahan ata sya. Wala ito. Wag kang ma-stress," pag-aassure ni mama.

"Asan na si papa? Okay na ba sya?" tanong ko.

"Kinukuhanan ng BP. Ayaw ngang magpadala dito kaya ako na lang ang sumama at namilit sa kanya. Para lang makasigurado, pumunta na kami dito sa clinic, malapit lang naman. Sabihin mo sa organizer mo ha, yung sa pictures, doon na lang sa church kasi baka hindi na kami makaabot," paalala nya pa.

"Ma, okay na yung sa pictures, wag mo nang alalahanin pa yun. Just make sure papa is okay," sabi ko.

"Sige anak, see you sa church..." she paused. "Congratulations," bati ni mama.

Naluha pala ako sa nasabi nyang pagbati sa'kin, sa pagkakabati nya sa'kin. "Thanks Ma." Mabilis 'kong pinunasan ang tumulo kong luha.

"What's happening?" tanong ni Janah na napansin ang pagluha ko at malamang narinig ang mga nasabi ko.

"Nasa clinic sina mama at papa. Nahilo daw kasi si papa," I said.

She pursed her lips. "Ummm, okay," nalilito at nagpipigil si Janah ng emosyon. "Pero, pero ano daw? Um, makakarating ba sila sa church?"

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon