One Shot

479 28 5
                                    

MAGANDA ITO PROMISE AHAHHAHAHAHA DE JK LANG HO.

 the abscissa (horizontal, usually x). EX  


Tandang-tanda ko pa noong una tayong nagkita. Hiyang-hiya ako sa pagmumukha ko noon. Hawak ang siyanse, hinabol ko si ate hanggang sa sala dahil pipigilan ko siya sa pag-alis ng bahay. Bilin iyon sa akin ni mama dahil lumalaking gala si ate. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita kita. Your angelic face caught my attention, nakakamesmerize ang itsura mo, tititigan ng kahit na sino. Nang makita mo ako, pigil ang tawa mo sa akin kaya nauwi iyon sa simpleng ngiti. Hindi ko alam ang sasabihin kaya umiwas ako sa iyo ng tingin, tsaka tinawag si ate. Iyon ang una nating pagkikita.

Ikaw pala ang kaibigan ni ate na madalas niyang i-kuwento sa akin dati. Hindi ko na alam kung anong nangyari. . . basta isang araw, nag-uusap na tayo -- sa facebook, at text. Minsan pa ay nag i-skype tayo, tawagan ,at iba pa. Pero hindi mo ako pinapansin sa school, bihira pa sa bihira. Minsan, naiisip ko, kinakahiya mo kaya ako? Ayaw mo kayang ipakita sa iba na magkaibigan na rin tayo kahit paano? O, sadyang pampalipas oras mo lamang ako, at hindi tinuturing bilang isang kaibigan?

Nasagot ang tanong ko. Higit pala sa kaibigan ang tingin mo sa akin no'ng mga panahon na iyon. Hindi kaibigan -- kapatid ang tingin mo sa akin. Isang nakababatang kapatid. Doon ko naramdaman ang 'sakit' na sinasabi nila. Pakiramdam ko, tinusok ng maraming beses ang puso ko nang malaman ko iyon mula sa iyo. Ngumiti lang ako sa video call nating dalawa kahit nasasaktan ako -- sobrang nasasaktan.

Naalala ko pa noong nagmamadali akong tumakbo sa banyo, hindi mo ako sinasadyang natabig kaya nalaglag iyong napkin na siya namang nasalo mo. Hiyang-hiya ko iyong kinuha sa kamay mo. Kasabay ng pagkahulog ng napkin, nahulog ako sa iyo.

Nag-aalala ka pala sa akin. S'yempre, ang kalandian ko, umiral. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko, higit sa kapatid ang tingin mo sa akin. Ilusyunada kung ilusyunada pero iyon ang nararamdaman ko. Assuming, feelingera, o nangangarap man ako, gusto ko lang pasayahin ang sarili ko sa isipan na iyon. Nakakainis kasi mahal kita.

Nakakainis kasi hindi ko magawang maipagtapat sa iyo ang tunay kong nararamdaman. Nagseselos ako sa mga babaeng malalapit sa iyo. Kahit kay ate at sa buo mong barkada. Naiinis ako kasi wala akong magawa, naiinis ako kasi hanggang dito na lang tayo. Hanggang dito na lamang ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi malalaman ng iba, walang makakaalam, hindi mo malalaman.

May mga pagkataong hindi mo alam na nasasaktan mo na pala ako. Masakit, oo. Pero kinakaya ko pa naman. Kakayanin ko hangga't kaya kong tiisin. Siguro, may mga bagay-bagay lang talagang kailangan kong pagtiyagaan. Nasasaktan ako. Nasasaktan mo ako.

Pero, alam mo iyong pinakamasakit sa lahat? Iyong mga panahong nagpasya akong hiwalayan ka. Iyong mga panahong nagpasya akong itigil na ang lahat ng mayroon sa atin. Iyong mga panahong iniwan kita ng walang sinabing dahilan liban sa, 'hindi na kita mahal.'

Iniwan kita hindi dahil sa hindi ko na kaya. Iniwan kita hindi dahil sa may mahal akong iba. Hindi ko alam kung anong nangyari, hindi ko alam kung paanong naging ganito ang buhay natin.

Sa loob ng dalawang taong pagsasama natin, sobrang minahal kita. Sa bawat araw na dadaan, lalo kitang minahal. Ayokong bitawan ka, dahil sa puntong iyon ay hawak na kita -- abotna kita. Legal tayo kahit hindi gaanong payag sila mama at papa. Naging masaya ako sa tabi mo. Kulang na lang, pakasalan na kita kahit hindi pa pwede. Gusto kitang angkinin, at isigaw sa buong mundo na, 'Akin lang siya. Walang puwedeng umagaw'. Pero hindi ko nagawa.

Hindi ko nagawa lahat ng pangarap ko kasama ka, ex. Ang dami kong pangarap kasama ka; isang pamilya, hindi kalakihang bahay pero sapat sa ating dalawa, at sa tatlo nating anak. Isang tahimik na buhay. Sa dinarami-rami ng pinagarap ko, walang natupad doon. Hindi ko na matutupad pa kasama ka.

Ex, nabasa ko iyong diary ni ate. Doon naglalaman lahat ng hinanakit niya sa akin -- sa atin. Mahal ka niya, mahal na mahal ka niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko siya kinausap ng isang linggo. Alam kong nakakalahata siya sa pag-iwas ko, pero anong magagawa ko? Gulat na gulat ako, hindi ko alam ang ire-react ko sa harap niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak pala sa gabi dahil mahal ka niya. Hindi niya inamin iyon sa iyo dahil mahal din niya ako, ayaw niyang masaktan ako.

Ex, nagulat ako nang isang araw, komprontahin na niya ako. Nanatili akong tahimik, at walang imik. Umiiyak lang ako sa harap niya, pero walang tunog, walang hikbi. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko nang aminin niya sa akin ang lahat. Tumatak sa isipan ko ang huli niyang sinabi sa akin, 'Nagparaya ako, Geliene. Nagparaya ako, dahil mahal kita at kapatid kita. Pero sana, mahalin mo siya ng buo, mahalin mo siya at, huwag mo siyang sasaktan. Kahit nasasaktan man ako, huwag mo akong isipin, ha? Okay lang si ate.' Ngumiti siya pagkatapos no'n. Niyakap pa niya ako ng mahigpit, pero hindi ko siya niyakap pabalik. Na-estatwa na ako.

I was definitely afraid to let go of you that time, but I had no choice. I let go of you. . . I opened my hand, then let go the man I really treasured, and loved the most. Ang tanga ko, pero wala na akong maisip na maaaring paraan.

Ex, hiniwalayan kita dahil sa kaniya. Gusto kong sumaya si ate kasama ka, at hindi ako harang. Mas una kayong nagkakilala, mas una ka niyang minahal, at sabit lamang ako. Sinira ko ang magandang buhay ni ate kasama ka. Hindi ko sinasadyang humarang sa inyo.

Ex, ang dami ko pang gustong sabihin. Ex, alam mo ba. . . alam mo ba. . . alam mo bang mahal pa rin kita kahit apat na taon na ang nakalipas noong iwanan kita? Ex, hindi ako napagod na mahalin ka. Ex, hindi kita talaga iniwanan, mukha na nga akong stalker mo noon kakabantay sa iyo. Pero simula nang maging kayo ni ate, tumigil na ako sa pagsunod sa iyo dahil alam kong mas babantayan ka niya.

Ex, mas mamahalin ka niya kaysa sa ginawa ko sa iyong pagmamahal -- pagmamahal na may halong sakit. Ex, hindi ako mapapagod kakasabi sa iyo ng mahal kita. Ex, alam mo bang isang araw na lang talaga ang ilalagi ko sa mundong ito sa oras na basahin mo ito? Sinadya ko itong ibigay sa iyo sa huli kong araw dahil gusto kong sabihin sa iyo lahat ng gusto kong sabihin. Nandito ako sa America simula nang maging kayo na ni ate. Stage four na ang cancer ko, ex. Nagpagamot ako apat na taon ang nakalipas pero wala par in. Mas lumala pa yata.

Ex, masaya ako para sa inyo. Nabalitaan kong ikakasal na raw kayo, pero hindi na pala ako makakapunta. Hindi ko masasaksihan ang pinakamasayang araw ni ate, dahil ang araw na iyon ang kamatayan ko. Hindi alam ito ni ate. Ang akala niya ay abala ako sa pag-aaral ng kolehiyo rito. Pero hindi, abala ako sa pagsagip ng sarili kong buhay. Pero ex, hindi ko na talaga kaya.

Ex, mahal kita, tandaan mo iyan. Hindi ako tumigil sa pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng lahat. Araw-araw kong hinihiling na sana. . . na sana. . . hindi na lang kita nakilala. Kasi ex, nasasaktan pa rin ako. at araw-araw akong masasaktan. Mas masakit ito sa sakit na nararamdaman ko sa cancer.

Ex, okay lang talaga ako.

Ex, mahal parin kita.

Pero ex, huli na.

--

ANO? MAGANDA BA? HINDI, DI BA? UMASA KA NA NAMAN. :< HAYS, BAKIT KA UMASA? HUHUHUHU. LANGYA, PINAGSASABI KO? AY GE. SALAMAT PO SA PAGBABASA NG WALANG KWENTANG ITO. SUMAPI LANG ANG PLOT NA ITO HABANG NAGSESENTI AKO SA JEEP HAHAHAHAHA HUHU

Abscissa, Mahal pa rin KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon