Prologue
Tatlong buwan na ang nakalipas. At dala dala ko pa din ang sakit na naranasan ko. Sobrang sakit.
"Tama na yan Silver, makakasama yan sa baby mo," pagpapatahan sakin ni Gold.
Tama, nagkababy kami. Before nangyari ang lahat ng to, nabuntis ako. At heto ako ngayon, dinadala ang apat na buwang baby sa loob ng tummy ko, without his/her soon-to-be-a-father.
Iyak lang ako ng iyak ng may kumatok sa pinto kaya napatigil kami ni Gold, tumayo siya at binuksan ang pinto.
Pagkabukas niya ay lumantad ang gwapong pagmumukha ng asawa ko.
Si Krypton.
"Silver?" nag-aalala ang mukha niya, bakit kaya?
Lumapit siya sakin at niyakap ako, mahigpit.
"A-anong?" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay parang dinurog na peanut ang puso ko sa mga nabigkas niya.
"Kami na ni Neon! Oh God! Ang saya ko Silver! Salamat talaga!" niyakap niya ako ulit kasabay ng pagpatak ng luha ko sa polo niya.
Kumalas siya at nag-alalang tumingin sakin.
"Ba't ka umiiyak Silver?"
"H-ha? W-wala. M-masaya lang ako s-sa inyo," sabay sabay na ang pagtulo ng mga luha ko, "s-sa inyong d-dalawa," ngumiti ako ng mapait para di ako halatang apektado. Ngumiti din siya ng bahagya at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Iniinvite nga pala kita Silver at ikaw Gold para sa darating na engagement namin ni Neon," napakalawak ng ngiti niya-teka?! Engagement?! Eh kasal siya sakin!
"P-pero," pati si Gold ay nabigla.
"Sige, alis nako Silver at Gold," nagbeso kami habang umiiyak pa rin ako. Nagbeso din siya kay Gold at lumabas na.
Dali dali akong nilapitan ni Gold at niyakap ng napakahigpit, dahilan para mas umiyak ako.
"Wag kang mag-alala best, ikaw ang asawa," tinapik-tapik niya ako sa likod.
"S-sana hindi nalang ako naki-nakipag-away, h-hindi sana manggayari t-to."
Hindi maaaring makasal sina Neon at Krypton. Ako ang asawa, may magiging anak kami, pero ang problema, hindi niya kami maalala.
Please Krypton, forget me not.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
RomanceDramatic. Romantic. Tragic. Terrific. So I hope you enjoy the magic. ❤