Chapter 4

13 2 0
                                    

Isang linggo na rin simula nung gabing nakatulog ako sa unit ng lalaking yun.

Dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya kaya lang inunahan ako ng hiya dahil sa pagka-assumera ko. Hayy! Sino nga bang papatol sa akin eh sa ganito ang mukha ko. Ang panget ko.

Yunh estrangherong gwapong lalaki na yun hahalayin ako?? Eh baka nga ako pa ang humalay sa kanya.. HAHA! Biro lang. Eh sa gwapo siya eh.

At isang linggo na rin simula nung nakipagbreak si Jacob sa akin at nasasaktan pa rin ako. Hayys manloloko rin pala ang taong yun.. Akala ko iba siya sa lahat. Pare-parehas lang pala sila,mga manloloko!!

Agad akong bumaba ng taxi dahil male-late na ako sa unang subject ko. Tiningnan ng guard yung I.D ko at saka niya ako pinapasok.

May biglang humarang sa dadaanan ko at guess who?? ang bagong jowa ng manloloko kong boyfriend. ano na naman ang kailangan ng babaeng to sakin?? Matapos niya akong laitin. Di hamak na mas maganda pa ako sa kanya. eh siya parang mukhang dugso. Love is blind nga talaga oh. ano kayang nagustuhan niya sa babaeng to??

Ni-head to foot ko siya. kaya pala, nagustuhan siya ni jacob dahil sa magandang pangangatawan niya. eh anong panlaban ko sa kanya. ang sexy sexy ng babaeng to kaya lang tanggal ulo. sexy nga mukha naman ang problema. parang mukhang dugso.

"Hi LOSER!!" pambungad sakin ni Anikka.

Inirapan ko na lang siya at nilagpasan ngunit hinila niya ang buhok ko.

"hey bitch kinakausap pa kita .. huwag kang bastos!!!" galit niyang saad. Napadaing na lang ako sa sobrang lakas ng paghila niya sa buhok ko.

"Ano bang problema mo huh?!!" sinigawan ko na rin siya. Naiinis ako sa babaeng to. Ano bang problema ng babaeng to.

"Hmm wala naman. gusto lamang kitang kamustahin. Alam mo na, ako ang pinili ni Jacob kesa sayo. MOVE ON MOVE ON din pag may time girl. " sabay ngiti na parang nang-aasar.

"Eh di sayo na siya . wala akong pakialam!! eh di hamak na mas maganda pa ako sayo" kaaga-aga naghahanap ng away ang babaeng to.

"Woah!!! Dream on girl. Campus Hearthrob si jacob syempre magaganda ang mga gusto niya except sayo. Pinaglaruan ka lang nun. ang boring mo daw kasama .. Iyan kasi uto-uto liligawan lang ng gwapo sasagutin na agad. ayan ang napala mo iniwang luhaan uto-uto ka kasi. BAGAY LANG YAN SAYO!!" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. Ang sakit isipin na yung lalaikng minahal mo ng lubusan paglalaruan ka lang pala, sasaktan at iiwanang luhaan.

"LYKA!! ANIKA!! anong nangyayari dito!!!!" Sigaw ni Jacob. Sabay kaming napalingon ni Anika. Agad naman lumapit si Jacob at dinaluhan si Anika. May paawa effect pa.. Ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga estudyante.

"Babe sinampal niya ako." sabay turo sa akin at pinakita ang pulang-pula na pisngi niya. LInapitan ako ni Jacob at hinawakan sa braso ng sobrang higpit.

"Aray! Jacob nasasaktan ako." daing ko. ngayon ko lang nakita na ganito magalit si Jacob. Nakakatakot.

"Lyka! hindi mo ba talaga naiintindihan ???! sabi ko BREAK NA TAYO! Mahirap bang intindihin yun? akala ko ba matalino ka?! At bakit sinampal mo si Anika dahil ba siya na ngayon ang mahal ko at hindi ikaw?! Akala ko ba mabait ka. nagkamali pala ako kagaya ka rin pala ng iba diyan. AND DONT YOU DARE HURT HER OR ELSE AKO ANG MAKAKALABAN MO." atsaka tinalikuran niya ako at inalo ang babaeng may paawa awa effect.. kunyaring umiiyak para kampihan ni Jacob.

At ako naman napaluhod dahil ang sakit .. hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya akong saktan. Parang wala kaming pinagsamahan. Tama talaga si Anika mukhang pinaglaruan niya lang ako. Nakita ko pang tumingin sa gawi ko si anika at ngumiti at pagharap niya kay jacob umiyak na parang bata. aish ang plastik talaga.

Biglang bumuhos ang ulan nakikisabay din ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Lahat ng estudyante nagsisitakbuhan na para makasilong at ako nanatili pa rin sa pwesto. nakaluhod pa rin . awang awa ako sa sarili ko. basang basa na ang damit ko.

Nagulat na lang ako ng may lalaking huminto sa paanan ko. At nagtaka rin ako kung bakit hindi na ako nababasa ng ulan. yun pala may dala siyang payong.

"Masama ang magpaulan Miss." ang boses niya pamilyar sa akin at tiningala ko siya para makita ko kung sino siya at agad nanlaki ang mata ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I Fall InLove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon