Teaser

4 0 0
                                    

   Ilang linggo rin ang lumipas simula noong nakabalik si Lawrence sa kampo. Balik sa tungkulin na ipagtanggol at protektahan ang bayan.Ngayon kailangan na niyang gampanan ang hamon bilang isang sundalo.Hindi naman naging mahirap sa kanya ang mag-adjust sa buhay sa kampo. Matagal na siyang sanay. Simula noong pumasok siya sa PMA bilang kadete,sinanay na na siya sa buhay ng isang militar. Bagay na matagal na niyang pinagarap. Alam niya rin ang panganib na dulot nito sa kanya. Kaya naiintindihan niya kung ang pag-aalala ng kanyang asawang si Annabeth sa kanya. Gayunpaman , masasabi niyang maswerte siya at naging suportive at naiintindihan siya nito.

      Pansamantala muna siyang lumabas ng kampo para bumili ng libro. Isa kasi ito sa mga hilig niyang gawin. Sa tuwing nagbabasa siyang ng mga libro, naalala niya ang isang bahagi ng nakaraan niya napuno ng saya. Subalit ninakaw na iyon ng trahedya.At hindi na nito maibabalik ang dati . Aminado siya,hanggang ngayon sinisisi niya parin ang kanyang sarili. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa taong iyon,sa babaing iyon. Na kung hindi dahil sa kanya, hindi sana napahamak ito. Napabuntong-hininga siya habang nasa biyahe.Maharil ay hindi niya pa rin alam ang sasabihin niya kung mag-krus ang landas nila. Siguro nga,ang laki ng kasalanan niya...

        Nakarating siya sa isang bookstore. Kaagad pumukaw sa kanyang atensyon ang isang pila ng mga tao roon. May isang book signing at meet and greet ang nagaganap doon. Nakataong isa ito sa mga hinahangaan niyang author. Kaya't hindi na siya nag-aksaya ng panahon kaagad nitong binili ang isa sa mga libro ni Empress Azure at matiyagang pumila. Sana nga lang, hindi tumawag ang Commanding Officer niya.

         Gayunalang ang pagkagulantang niya ng marating na niya ang harapang bahagi ng pila. At nang pagkakataon na niya para makikilala ang author. Doon na niya nakumpirma ang lahat. Marahan siyang lumapit sa babaing nasa table. Nakangiti ito sa kanya habang inaabot ang binili niyang libro upang pirmahan. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ng lalaki sa babaing kaharap niya kasabay ng realisasyon na biglang sumampal sa kanya.

 "N-Nicola" nanginginig ang boses na nasambit niya ang isang pangalan

  Natigilan ang babae at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Kilala mo ako?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon