Shall's Doll

2.1K 30 15
                                    

"Shall's Doll"

a Forlorn Madness Fan Fiction

By: Van_Darkhaven[Wattpad] / (Admin Christian of Forlorn Madness page)

Credits to: Direk_Whamba for all the characters, book cover and title.

**************************************************************************************************

Yeah! Come on baby! Konti na lang at makukuha na kita! Yiehie

Engk! Engk!

"Tangina! Naka-ilang subok na ako dito di parin ako makakuha. Putcha! Kung wasakin ko na lang kaya to para di na ako mahirapan?!"

Pinahihirapan ako nitong toy machine na to. Ewan ko ba dito sa future wife ko kung bakit ito ang napag-intrisan. Naglilihi ata. Hindi ko pa nga nagagalaw buntis na agad. San ka pa!

Mawasak na lang to para wala na akong hirap wala pa akong problema. Whahaha~

Pak!

Isang mabigat na kamao ang tumama sa ulo ko. Syempre sino pa bang gagawa nun. Si Shall my loves lang naman.

"A-araaayyy! Ano bang problema mo Shall?" pagkatapos akong batukan, piningot naman ang tenga ko.

Taragis na buhay to oh! Pag di tumigil to momolestyahin ko to dito mismo sa World of Fun, kahit pa maraming tao. Bwahaha!

"Henna Iryl Orpheus Darktower! Gusto mo ba talagang buruhin ko yang ulo mo, tadtarin ng pinong pino at isama sa pagkain ng aso?!" ang ganda talaga niya kapag nagagalit. Kaya mahal na mahal ko yan eh. "Gamitin mo nga yang utak mo. Gusto ko makuha mo yan ng walang daya! Kapag hindi mo nagawa yun... WAG KA NG LALAPIT SAKIN KAHIT KELAN! Ni dulo ng daliri mo hindi pwedeng dumikit. Kuha mo?!"

"Pero Shall--"

"Wala ng pero pero. Gawin mo na lang. Dali!" halos masubsob ako sa salamin ng itulak ako nito.

Napa kamot na lang ako ng ulo at sinunod ang gusto niya. Kung hindi lang talaga ako baliw sa kanya matagal na akong sumuko dito. Pero hindi eh. Sa kanya tumama ang pana ni kupido kasama ang puso ko.

Hoo! Ang heavy nun tol! Hehe!

Pero bago pa ako bumalik sa business ko, may naisip akong magandang ideya.

Humarap ako kay Shall at tinitigan ang pula nitong mata.

"Ahm, Shall pwede bang makahingi ng request?"

Nag-cross arm siya, sabay taas ng kanang kilay.

"Oh, ano na namang problema mong lalake ka?" mataray niyang sabi.

"Pwede bang maka isa? Alam mo na... Pampaswerte lang." hiling ko sa kanya. Mangiti ngiti ako ng umaliwalas ang mukha niya at naka ngiti pa.

Sabi ko na nga ba gusto niya rin yun eh. Nagpapakipot pa kasi eh. Hehe.

"Ahh! Iyon lang ba ang gusto mo?" malumanay niyang sabi.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Matagal ko na ring hindi nalalasap ang matamis niyang halik. Kadalasan kasi nagnanakaw ako ng halik sa kanya at puro bugbog ang natatamo ko dahil dun. Pero ngayon mukang siya na mismo ang hahalik sakin.

Naibaba ko ng konti ang ulo ko para pumantay sa kanya. Medyo kinulang kasi siya ng height eh.

Bigla nalang niyang naidikit yung kamao niya sa labi ko at kiniskis pa yun ng madiin.

Forlorn Madness Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon