Andrea's POV-
"Pilitin mong umalis sila sa bahay na yun.."
"Ikaw lang ang tanging makakatulong sa kanila.."
Ang mga salitang yun,may bumubulong na naman sa akin at alam kong si lola yun. Isang gabi na rin ako di mapakali sa pagtulog mula nung nakita ko ang dalagang dayo. Tingin ko sa kanya anak mayaman,mukhang nasa kanya na ang lahat. Yun nga lang may isa akong napansin na kulang sa kanya...mukhang kulang sya sa atensyon.
Nakakainggit ang mga ganung klaseng tao,yun tipong di na nila kailangang maghanap buhay para lang makuha ang gusto nila.
Ala una na naman ng madaling araw. Nagising na naman ako dahil sa mga bulong ni lola. Di lang sya ang panay ang bulong sa'kin,maging ang mga kaluluwang kasama ko na ay panay ang sabi na di raw magandang manatili sa lumang bahay na yun. Sa tagal ko na rin kasi dito ay di ko pa talaga nasilayan ang bahay na yun,pero naririnig ko sa mga usapan na matagal ng abandonado ang lugar na yun,kaya nagtaka ako ng makitang may mga dayong magbabakasyon..at Guererro? sino yun? Iyun siguro ang pangalan ng may ari ng bahay. Sa ngayon ay wala talaga akong nakitang masamang pangitain bukod lang sa isang dalagang malungkot. Mabigat ang naramdaman ko sa kanya. Sobrang bigat. At di ko rin alam kung bakit lumabas na lang ng kusa sa bibig ko ang mga salitang binitiwan ko sa kanila. Di talaga sya mawala sa isip ko. Lotie..yun ang pangalan nya.
***
Sumilip ako sa bintana at nasilaw na ako ni haring araw. Hudyat na ng bago kong araw. Iniisip ko kung sa paanong paaraan ako makakalapit sa mga dayo,yung di nila ako pagtatawanan at pag iisipan ng kung ano ano. Alam ko kasi na nung unang paghaharap namin ay natakot sila sa ikinilos ko,pero gaya nga ng sabi ko,kusang dumarating yun.
Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng isang kaluluwang nakatalikod. Saglit akong natigilan,dahil di sya taga rito. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko sya. Isang babae na sinauna pa ang nakikita kong nakatalikod sa akin at nakaharap sa bintana kong nakasarado pa. Dahil sa di na iba sa akin ang mga ganung sitwasyon kung kaya at kinausap ko sya. Di pa man ako nakakapagsalita ay..
"Wag na wag mo silang pakikialaman!"
Sambit ng babae sa galit ngunit mahinang boses.
Biglang lumakas ang hangin sa paligid. Tila may biglaang bagyong paparating. At walang kaanu ano ay naiba ang aking paligid,nakita ko ang babaeng dayo na inuundayan ng saksak ng isa pa nilang kasama,halos mabutas ang buong katawan ng babae sa sobrang saksak sa kanya,nakita ko rin ang isang lalakeng dayo na pinagtataga ang katawan at isang babae rin ang gumagawa. Napakadilim sa paligid ko ngunit kitang kita ko ang lahat,at ang babaeng gumagawa sa kanila nun ay ang dalagang nakita kong malungkot. Si Lotie.
Kaya pala ganun na lang kabigat ang naramdaman ko sa kanya. Saglit pa pagdilat ng aking mga mata ay nasa normal na ang lahat. Ito na nga ba ang kinatatakot ko,ito na ang pangitain na nagsasabing kailangan ko ng kumilos habang di pa huli ang lahat. Pati na rin ang mga salita ng kaluluwang aking bisita ay isa ring babala para sa kanila,at siguro ay sa akin na rin,dahil sa iba ang pakiramdam ko sa kanya. Mukhang di sya madaling kausap tulad ng iba.
Iniisip ko tuloy kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan nya sa akin na may galit. Ito kaya si Guererro? yun agad ang unang pumasok sa isip ko. May halong pagkalito ang nararamdaman ko,sa tingin ko ay di magiging madali ang laban ko ngayon,dahil mukhang di lang ito nag iisa. At mukhang kailangan ko rin ang tulong ni lola.
Sandali akong naupo. Nag isip ako kung ano ang pwede kong gawin. Tama kaya at nag aaksaya pa ako ng oras dito o kailangang kumilos na'ko? Hindi ko alam kung ano ang kakaharapin ko,ngunit di naman tamang magpabaya na lang ako,dahil kasama ito sa mga obligasyon ko.
Parang may kung anong nagtutulak sa akin para tumayo sa kinauupuan ko at lumakad na papunta sa bahay kung nasan ang mga dayo.
Di na'ko nagdalawang isip.
Pupuntahan ko sila,sana na nga lang ay maniwala sila sa mga sasabihin ko..
Dahil kung hinde,ay wala na'kong magagawa dun.
June_Thirteen
BINABASA MO ANG
Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)
HorrorPaano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isang probinsya na makaka-engkwentro ng di nila pinaniniwalaan. At ang tanging pag-asa lamang nila upan...