Lotie's POV-
Ayoko sanang sumama dito,ayoko kasi umalis sa bahay na may samaan kami ng loob ni mama. Mahal na mahal ko ang mama ko,pero bakit parang wala syang pakialaman sa aming magkapatid? Sumama na lang din tuloy ang kapatid ko sa mga kabarkada nya sa Hongkong. Sigurado mabigat din ang loob nung umalis.
At ako? Eto,kasama ng mga kaibigan ko sa dulo ng mundo. Mabigat din ang pakiramdam ko,ayoko talaga sana pero,ayoko naman din maiwan sa bahay at magmukmok. Pero sa totoo lang,malungkot ako,di ko magawang makisaya sa kanila. Ayun at nandun sila sa tapat ng bahay at nagsiga pa ang mga loko habang nag iinuman. Habang ako dito lang sa loob at naglalaro sa ipad ko. Ang init talaga dito,walang aircon..makakuha nga muna ng inumin.
Paglakad ko papunta sa kusina nabalingan ng tingin ko yung kwartong nakakandado. Bakit kaya nakalock 'to,di ba dapat pag for rent eh walang secrets?
Kasalukuyan akong nagkakalkal sa mga cooler na dala namen ng makarinig ako na may bumagsak. Naagaw nun ang atensyon ko,dun ko yata narinig nanggaling sa kwartong nakalock. Napahinto ako saglit at lumingon dun. Di naman ako nakaramdam ng takot kaya lumakad ako palapit dun para pakinggan,baka mamaya kasi di lang pala kame ang tao dun at may kumukuha lang ng tyempo para makapanakit sa'min. Ay! Anu ba'tong naiisip ko,panay kasi nood ko ng horror eh.
At lumapit nga ako dun,pagtapat ko sa pinto may kumalabog na naman. At mas malakas na kesa kanina. Halos malaglag yung dala kong coke na nasa lata ng marinig ko yun. Medyo naging interesante sa'ken kung anu yung kumakalabog.
Lumapit pa ako at itinapat ang tenga ko sa pinto. Wala naman ako naririnig..tinapat kong mabuti at..
"Halika.."
May biglang bumulong sa'kin kasabay ng isang hagikgik. Tinig ng mga bata ang narinig ko. Napa atras ako at halos matumba na dahil sa pagkakapatid ko kay Maya.
"Oh?! Okay ka lang? Bakit namumutla ka?! Lumabas ka kase dun loka!" sabi ni Maya sa'ken na pinagtatawanan pa ako.
Gusto kong sabihin sa kanya yung mga narinig ko pero alam kong di sya maniniwala. Ayoko na dun! Lalabas na ako at sasama sa kanila. Mapapraning lang ako dito mag isa.
***
Andrea's POV-
Halos nasa dulo na pala talaga 'tong bahay na luma na'to,ngawit na yung mga binti ko kalalakad,at sa wakas..ito na nga,pero bakit wala ako makitang lumang bahay?
May malawak na magandang bakuran ang lugar ng tulad ng sa amin ni lola,maganda at may kulay pulang pintura na bahay ang nakikita ko. Medyo malayo pa ako sa bakuran pero nararamdaman ko na ang bigat nito. Pilit ako lumalapit ngunit parang naroon pa rin ako sa kinatatayuan ko na halos tatlong bahay pa ang layo. Ano 'tong pumipigil sa'kin? At bakit parang nararamdaman kong galit sya?
Tumayo na lang muna ako at tumanaw dun. Wala ang mga dayo,wala ako makita o marinig na kahit anong senyales na may tao roon,pero nandun ang kanilang sasakyan. Walang ibang bahay sa paligid kundi ito lang. Puro puno at damo lamang ang makikita mong katabi nito.
Napadako ang tingin ko sa isang bintana na nasa tapat ng punong malaki. Nakita ko ang isang batang babae na nakatayo dun,nakatitig din sya sa akin,at sa isa pang bintana ay lalaki naman. Tingin ko sa kanila ay mga sinaunang tao pa dahil sa mga itsura ng damit nila.
Isinuot kong muli ang aking itim na belo. Ibinigay sa akin ng lola yun nung unang beses akong manggamot. Ang belong iyon din ang madalas nagsisilbing proteksyon ko sa di masyadong madadaling kausap.
Pagsuot ko nito ako ay unti unting lumakad palapit sa bahay. Unti unti at..
"Hanggang dyan ka lang manggagamot! Hindi ka pinahihintulutang pumasok dito!"
Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa lugar na mismong kinatatayuan ko. At tila nakita ko ang totoong itsura ng bahay bakasyunan na iyon. Siguradong matatakot ang sinumang makakasaksi nun. Parang animo'y may eklipseng nagaganap.
"Anong kailangan mo sa kanila?"
Sigaw ko habang hawak ng mahigpit ang aking belo dahil tila inaalis 'tong pilit ng malakas na hanging humahampas sa buong mukha ko. At isang malakas na halakhak lamang ang kanilang isinagot sa tanong ko. Sabay sabay silang nagtawanan na halos mabingi na'ko.
Patuloy ang paghalakhak hanggang sa maramdaman kong di ko na kinakaya ang mga kaganapan dito.
Unti unti akong napaatras palayo sa lumang bahay na yun. At..
"Sige! Lumayas ka at wag ka ng babalik pa!"
"Hindi mo kami kaya! Bwahahaha!! Bwahahaha!!"
Iyon lamang ang huling narinig ko..
Sobrang atras ko ay malayo na pala ako,wala na rin ang hanging tila nagtaboy sa'kin.
Tumanaw akong muli sa dako kung nasaan ang lumang bahay. Nanlaki ang mga mat ko ng makita kong naliligiran ng itim na usok ang buong bahay,usok na tila nakayakap dito.
Niyakap ko na lang ang sarili ko at..
"Hindi magiging madali ito.."
Yun ang tanging nasambit ko.
June_Thirteen
BINABASA MO ANG
Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)
HorrorPaano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isang probinsya na makaka-engkwentro ng di nila pinaniniwalaan. At ang tanging pag-asa lamang nila upan...