5 days before our big performance. Gusto ko sanang sabihin na okay na lahat. Pero nagsisinungaling ako kapag sinabi ko yon.
Ang laki ng problema namin sa mga actors namin. Hindi naman sa lahat kasi yung iba, seryoso naman sa ginagawa nila. Si Emma and yung partner niya, okay naman. Yung lead characters na lang talaga. Actually, tapos na namin yung play, polishing na lang.
Habang patagal ng patagal, lalo silang lumalala e. Hindi ko alam kung sinasadya lang nila yon e. Minsan, parang nagtutula na lang sila.
I talked to them kasi ayoko ng si Danica pa kakausap sa kanila.
"Uy, ano ba nangyayari sa inyo? Bakit hindi niyo inaayos?"
"Pare, hindi pa ba obvious? Ayaw namin yung role namin. Kung hindi nga lang ako yung napili, ayoko talaga e. Mas gugustuhin ko pang magtrabaho na lang as props man." sabi ni guy.
"Oo nga. Saka, hindi bagay sa 'min yung role namin and mahirap pa. Ayaw naman naming kami yung makasira sa grupo. Palitan nyo na lang kami, please lang." sabi ni girl.
HALA, mga sira talaga sila. Ngayon pa nila sinabi yan? Kung kailan ang lapit lapit na ng performance.
"Okay okay, ako na lang si Mr. Darcy. Sabagay, alam ko naman yung mga lines mo and kabisado ko yung scenes." nag-'yes' si guy.
I continued, "Pero, ikaw, you need to stay on your role. Wala ng ibang pwedeng pumalit sayo. Unless, makahanap ka ng classmate natin na kabisado lahat ng lines mo and alam lahat ng scenes. And yung kakasya sa costume mo."
"Si Danica?" sabi niya.
"Alam mo naman na sinabi niya diba? Ayaw niya, unless na lang kung kailangan na talaga niya."
"Diba sabi naman niya kung nagka-emergency, papayag na siya?"
"Oo nga, sinabi niya nga yon."
"Odi, gawa tayo ng kunwaring emergency para mapapayag natin siya. Nagawa naman natin dati diba?" sabi niya.
"Uy, ayoko ng gawin yun ah. Ayokong magalit na sa 'kin si Danica kasi....." natigil na naman ako.
"Bakit naman?"
"Wala, ayoko lang."
"Bakit nga? Uy, ikaw ha. Baka may gusto ka na kay Danica ah." she teased.
I blushed, "WALA AH. Wala akong gusto dun 'no. Ayoko lang siyang magalit kasi, kasi masama siyang magalit, yun lang!"
she laughed, "Eh bakit defensive ka? Ang pula pula pa ng pisngi mo. Wag ka mag-alala, your secret stays with me." she winked at me.
WHAT IS SHE TALKING ABOUT? WALA AKONG GUSTO KAY DANICA AH. Psh, ang sungit sungit kaya nung babaeng yon!
"Ha? Di naman e. Saka... saka w-wala naman akong secret e. Basta, yun na. Ayokong i-set up na naman si Danica. Magagalit na naman siya sa 'kin."
"Hmmm, kung ayaw mo, edi ako na lang bahala. Ayoko na talaga maging Elizabeth."
"Huy, wag!"
"Bahala ka dyan." she stuck her tongue at me.
Ughhhh. Yari na naman ako kay Danica! Patay patay patay.
I'll need to make the announcement.
"Guys! May sudden changes tayo! I will now act as Mr. Darcy in our play."
They all agreed. Tumaas naman yung kilay ni Danica.
she said, "Any more?"
"Nope, that's all."
BINABASA MO ANG
Not the Other Way Around
Roman pour AdolescentsSometimes the last person on earth you want to be with is the one person you can't be without.