THE RICH MAN

30 0 0
                                    

ANG LALAKING MAYAMAN

    (Lucas 18:18-30)

May isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Jesus,"Mabuting guro,ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?"

Sumagot si Jesus,"Bakit mo ako tinatawag na mabuti?Ang Diyos lamang ang mabuti!Alam mo ang mga utos,Huwag kang mangangalunya;huwag kang papatay;huwag kang magnanakaw;huwag kang sasaksi ng walang katotohana;at igalang mo ang iyong ama at ina."

Sinabi ng lalaki."Ang lahat po nga iyan ay tinupad ko na mula pa sa pagkabata."

Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus,"Isang bagay pa ang kulang sa iyo.Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mahihirap ang pinagbilhan,at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit.Pagkatapos ay bumalik ka,at sumunod sa akin."

Nalungkot ang lalaki ng marinig iyon,sapagka't siya'y napakayaman.

Nakita ni Jesus na nalulungkot ang lalaki kaya't sinabi niya,"Napakahirap sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!Mas mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman."

Nagtanong ang mga naroong nakikinig,"Kung gayon,sino pa kaya ang maliligtas?"

"Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,"tugon ni Jesus.

Nagsalita naman si Pedro,"Tingnan po ninyo,iniwan na po namin ang aming tahanan at sumunod sa inyo."

Sinabi sa kanila ni Jesus."Tandaan ninyo:kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan,asawa,mga kapatid,mga magulang o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos,tatanggap siya ng higit pa sa buhay na ito.At sa panahong darating,tatanggap pa sya ng buhay na walang hanggan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE RICH MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon